Chapter 42

97 4 2
                                    

Chapter 42

"Ano ba kasing ginawa mo? Look at yourself! Mukha kang patatas na natuyot. Gosh, did you not sleep in days?!"

Napangiwi ako nang marinig ang sermon ni Van na dumagundong sa buong kwarto ko. Habang pinupunasan niya ang katawan ko ng towel na may maligamgam na tubig ay panay ang pagsesermon niya saakin. Daig niya pa si Mama kung pagalitan ako.

"Akala ko mahirap na ang college... May mas ikahihirap pa pala," biro ko at sinabayan ko pa ng pilit na tawa.

Inikutan niya lang ako ng mata at nagpatuloy sa paglilinis saakin.

After having that 'small talk' with Alyson, I came home drained and brought myself to this situation.. again. Inatake na naman ako ng hika ko at hindi ko na inabala pa ang sarili na pumunta sa hospital dahil may sariling nebulizer naman ako rito sa condo.

"It's already 11. Gutom ka na ba? Faye and Arci are already on their way. Nag-text na ako na magdala sila ng pagkain," si Van habang inaayos ang higaan ko.

Napangiti ako. "Ice cream at pizza cravings ko ngayon."

"Manahimik ka't baka masaksak ko ang lalamunan mo," matigas na sabi niya. "You're eating healthy today. Kahit ngayon lang. Para naman makakain ng damo 'yang mga bulate sa tiyan mo."

"Grabe ka naman. Ang harsh mo sa 'kin, ha. Parang hindi tayo bff," ngumuso ako. Bulate sa tiyan? Damo? Am I eating vegetables? Ugh!

"Tigilan mo 'ko, Isleen. Masyado na akong stress dahil sa pag-aalaga sayo," pagmamaldita niya na naman. "Bakit ka ba kasi inatake ulit? May ginawa ka bang super nakaka-stress? And where the hell is your boyfriend? Hindi ko na siya nakikita," mataas na litanya niya.

Natahimik ako sa sinabi niya at pinakiramdaman ang sarili. Kung sa ibang panahon siguro ay siguradong hindi mapalagay si Elias dahil sa kalagayan ko. I'm sure he's the one stressing here right now taking care of me and making sure I'm in my best, comfortable state. Hindi niya ako iiwan. Kada minuto niya ako tatanungin kung ayos lang ba ako, kung kamusta ang pakiramdam ko, kung anong kailangan ko, or kung may gusto ba akong gawin, kainin o inumin.

But I probably can't experience that anymore.

"Van," mahinang tawag ko sa kasama. Tumaas naman ang kilay niya at lumambot ang mukha. "I made a huge mistake," I said with a sad smile.

A very huge mistake. Kung may time machine lang ako, I would call a help from him. Sigurado akong maiintindihan niya. Sigurado akong tutulong siya. But I completely ignored him. Hindi ko siya inisip. Inaway ko pa siya. Sinigawan at pinagsabihan ng kung anu-ano.

"Everybody makes mistakes, Isleen," she shrugged. "But if a mistake is repeated many times, then you're a fool."

I nodded, completely agreeing with her. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang magpinsan at si Avy. They brought foods for everyone pero salad lang at prutas ang pinakain nila saakin. You wouldn't even imagine the torture that I felt while watching them eating hot chicken wings while I was left with some.. grass!

"Gutom na gutom, girl?" pang-aasar ni Faye saakin.

"You guys are the worst," I said and glared at them.

"Eto oh, tikim ka ng isa." Kumuha si Avy ng isang wings at inabot saakin.

Halos tumulo ang laway ko pero inilayo ko nalang ang tingin habang mariing nilulunok ang laway.

"No, thank you," I uttered, not facing the food. "Kapag makakain ako, baka hindi niyo ako mapigilang ubusin 'yan."

How could they eat that while I was here?! Ang lala nila, hah! Grabe talaga 'tong mga babaeng 'to. Parang hindi kaibigan. Nagpapa-inggit pa nga.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon