Chapter 19

106 4 0
                                    

Chapter 19

Hanggang sa dumating ang panibagong araw, iyon pa rin ang laman ng isip ko. Wala akong lakas para gawin ang mga bagay-bagay. Gusto ko nalang maglaho at magpahinga, humiga sa kama ko at palipasin ang araw nang walang ginagawa.

Para akong nauubusan ng lakas sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang narinig at nakita. They definitely suit each other. Bagay na bagay si Jana sakanya. Habang ako ay mapapagkamalan pang nakababatang kapatid niya kapag magkasama kami. Jana has matured features. Habang ako ay parang hindi college tingnan.

Maputi ako. Hanggang balakang ang bagsak at straight na buhok. Bilog ang mga maliliit na mata, hugis puso ang mukha, medyo mataba ang pisngi at matangos ang maliit na ilong. 5'4 ang height at wala pa sa maayos na plastada ang kurba ng katawan.

"May iniisip ka ba? You seem distracted."

Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Eli. Mahina ang tono ng boses, bahagyang nakakunot ang mga noo at nakasulat ang pag-aalala sa mga mata. Ilang beses akong napakurap.

"A lot has been going on my mind lately. Pasensya na."

Binalik ko agad ang atensyon sa inaaral. Lunch time ngayon at sabay na naman kaming nag-aaral ni Elias. We just ate lunch kanina sa grandstand at dito na naisipang tumambay kaagad sa football field para tutoran niya ako. Hindi naman masyadong mainit. The sun's currently hiding behind the clouds.

"May example naman sa libro. Mas madali lang doon dahil maraming explanation. Pwede mo akong i-chat kung nahihirapan ka. I can always meet you at the library." Tumayo siya at isa-isang pinulot ang mga librong ginamit namin. Malapit na rin ang next class ko at tapos na rin naman kami sa ginagawa namin kaya nagligpit na kami.

Tulala akong tumayo at naglakad palayo. Masyado akong wala sa sarili kaya't hindi ako pormal na nakapagpaalam sakanya. Hindi ko nga namalayang sinusundan niya pala ako at naglalakad sa gilid ko.

Napahinto ako. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko at hinarap siya nang hindi man lang siya nag-iba ng daan. Sinusundan niya talaga ako.

Lumambot ang ekpresyon niya, lumamlam ang mga malalim niyang titig at bumuntonghininga.

"Are you really okay? Sobrang tamlay mo ngayon. Ayos ka lang ba talaga?" he asked in a wary voice. His eyes glittered as he narrowed his gaze unto me.

Napaiwas ako ng tingin. I swallowed hard to put moisture on my dried throat. Bumalik ang bara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga sa paraan ng malamyos niyang mga tingin.

"Hey... Is everything alright?" ulit niya, ngunit sa mas mababang boses ngayon. Mas maingat at puno ng lambot.

Napalunok ako. "I'm okay, Eli. Don't worry. I'm just not really in the mood right now."

"Bakit naman? May nangyari ba?"

Napatitig ako sa kanya nang matagal. Marami yata siyang tanong ngayon. Dati kasi kapag ganito ako, tatanungin niya lang kung okay ba ako at tatahimik na pagkatapos non. He would be silent but I can sense that he's worried. Pero hindi niya yata napigilan ang sarili niyang magtanong ngayon.

Elias is harmless. At saka, wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sakanya ang totoo, 'di ba?

"Nothing much happened, really. It's just that... There's this girl that caught Elijah's attention." napatigil ako nang nakita siyang seryosong nakikinig. Bigla tuloy akong nahiya. I feel like it's awkward to talk to my crush in front of the man who has a crush on me. Parang ang harsh ko naman.

Kumunot ang noo niya nang tumigil ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at hindi makatingin sakanya.

"Why did you stop? Kwento ka pa," aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako patungo sa isa sa mga bench at umupo roon.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon