Chapter 7

145 5 0
                                    

Chapter 7

"I can't believe your dad would do that to you!" Avy said.

Tinikom ko ang bibig ko habang nakatingin lamang sa harapan. Nanonood kami ng Netflix, kasama ko ang mga kaibigan ko, habang ako ay walang pakialam na pinapapak ang chichirya. Andito ako sa condo ni Van at kompleto kaming magbabarkada.

Sana ako rin may condo. I would love to be alone at my place. That will give me the peace I want and the privacy I need.

Ang dalawang magpinsan ay naka senior high school uniform pa at halatang kagagaling lang sa skwela bago dumeretso rito.

Kinwento ko na sakanila ang nangyari. Namula kasi at namaga ang pisngi ko dahil sa sampal ni Dad at tinanong nila kung anong nangyari. I tried to lie but it won't just work on them kaya sinabi ko na sakanila ang totoo.

I remembered crying in front of them while telling them the whole story behind my bruised face.

"Hindi ba masyado namang harsh 'yon?" may bahid na pag-aalala sa boses ni Arci.

"Yeah. Paano ka nalang?" nguso ni Faye. "Wala ka ng hatid-sundo. May kotse ka naman, diba?"

"Yeah..." bahagya akong tumango, hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinapanood. "Bawal ko ring gamitin. Kuya Gio has the keys," sagot ko.

"Unfair," dinig kong bulong ni Avy.

"Your allowance? Paano ka makakabili ng mga gagamitin mo kapag may project kayo?" Faye asked.

"May ipon ako, Alana," I tried to sound cool and okay with it but deep inside, I don't.

Hindi sapat ang ipon ko. Nag-ipon lang naman ako para may pambili akong merch at kpop album ngunit magagastos ko siguro iyon dahil sa pangangailangan sa skwela. Hindi kasi ako nanghihingi sa mga magulang ko ng pera pagdating sa mga bagay na hindi naman importante sa paningin nila. Gusto ko pinag-iiponan ko talaga ang perang pambili ko roon para mas lalo kong maappreciate.

Hindi rin naman ako magasto kapag may dala akong credit card pero ngayong wala na, magtitipid siguro muna ako.

Malakas akong napabuntong-hininga kaya awtomatikong lumipad ang mga tingin ng kaibigan ko saakin. They all looked worried at me but I just gave them an assuring smile.

"We'll figure it out," tinapik ni Van ang balikat ko. "We'll help you naman. Huwag kang mag-aalala," she casually said before smiling.

"I know... Salamat sa inyo," I wholeheartedly said and tried to drive away the negative thoughts in my mind.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok pa. Nang papunta na ako sa university ay nahirapan pa akong maghanap ng taxi sa loob ng village. Ang ending, naglakad nalang ako palabas ng village namin para roon makahanap ng taxi na masasakyan patungo sa UST.

It was a good morning exercise really. Kaya lang, haggard na ako nang makaabot sa university.

"Wew, ba't ka nagtaxi patungo rito? Where's your personal driver and your car?" iyon kaagad ang bungad na tanong saakin ni Nathalie nang salubungin niya ako sa harap ng main building.

Agad ko siyang hinila para sumunod saakin sa paglalakad. Hanggang sa makaabot sa tapat ng building namin ay hindi niya pa rin ako tinigilan tungkol doon. Sinabi ko nalang sakanya ang totoo para tumigil na siya.

I saw her lips gradually parted. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin saakin.

"Hayop," I heard her muttered in a hard voice. She shook her head before holding my chin using her one hand to make me face her. "Kaya pala namamaga ang mukha mo," aniya bago binitawan 'yon.

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon