Chapter 35

102 2 0
                                    

Chapter 34

"Nag half day ka lang daw?"

I nodded as a response when Van asked. Katawagan ko siya sa telepono ngayon dahil na-bore ako sa condo at walang magawa.

"Oo, ang sakit talaga ng puson ko."

Red days again. Tanghali pa lang at nang hindi ko na nakayanan ang sakit ng puson ay dumiretso ako ng uwi. Hinatid pa ako ni Elias dito kanina, kaaalis niya lang nang tawagan ko si Van.

Nagpumilit pa siyang manatili rito para maalagaan ako ngunit pinabalik ko na siya sa university. Good thing Van's not busy at this moment kaya may nakakausap ako.

"Singhot ka nang singhot, umiiyak ka ba?" tanong nito.

Tumango ako kahit di niya naman kita.

"Sakit kasi e," I said, tapping my lower belly. "Feeling ko mamamatay na ako."

Kahit hindi ko siya kita ay sigurado akong ngumingiwi siya ngayon.

"Do you need something? Food?" tanong niya. "Heating pads?"

Halos himatayin ako sa room namin kanina, kalagitnaan pa ng discussion ni Sir. Beads of sweats were falling off of my forehead. I sure was holding my belly, catching my breath, and all the colors of my face were gone. Kung hindi lang ako tinulungan ni Cherie at i-excuse sa prof namin ay baka tuluyan na akong mawalan ng malay roon.

Elias brought me home, took care of me. He helped my change my clothes into a comfortable one and made sure he left me safe. I was even wearing the sanitary pad he bought for me.

"Meron na, Van. Nilagyan ako ni Eli kanina," sagot ko.

"Mabuti naman," she sighed. "Our prof's here. We'll catch up later, gotta go."

Pagkatapos binaba ni Van ang tawag ay inayos ko ang mga unan bago magpahinga. Kahit tulog ay sinigurado kong steady lang ang posisyon. Pakiramdam ko'y hindi ko yata kakayanin kapag muli na namang sumakit ang puson ko.

My breast hurts so freaking bad. It was swollen at ang nipples ko'y humahapdi. Kahit na walang suot na bra ay hindi pa rin nawawala ang munting kirot nito. Idagdag mo pa ang sobrang bloated kong tiyan. My butt feels so heavy. Parang gusto kong tumae na hindi. It feels so uncomfortable and painful.

Now, I feel like crying. Different kind of emotions built up. I pursed my lips and closed my eyes tightly.

Relax, Isleen, that's just hormones.

Malakas akong napabuntong hininga at kinapa ang telepono sa gilid. I can't sleep, might as well spend my time browsing through my socials.

Nang ma-bored kakascroll, naisipan kong i-chat si Eli. 

Isleen Cosette Mendoza:
I miss you, my boy :(

For sure hindi siya magr-reply dahil nagsisimula na ang klase nila ngayon nang ganitong oras.

Kaya ganun nalang ang gulat ko nang magreply siya.

Elias Nicolin Alviero:
Hi! How's my girl doing?

Is she okay?

Badly wanna go to her and take care of her.

I pouted at his response. Grabe ka na, Alviero.

Isleen Cosette Mendoza:
I am fine. Just bored.

Sinundan ko pa iyon ng isang picture ko na nakahiga ngayon.

Agad naman siyang nagreply kaya mas lalo akong napanguso. Ang dami niya naman yatang free time.

Elias Nicolin Alviero:
Overtime na ang prof namin. Gusto na kitang uwian :(

Between the Fallen Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon