Ate ginabi ka.. Bati sa kanya ni Sherri pagpasok niya sa bahay.
Humalik pa ito sa pisngi niya. Nginitian ni Zoe ang kapatid.Wala na itong sakit, pero maputla pa rin ang kapatid niya. Siguro kung umuuwi lang ang nanay niya mag aalala din ito kapag nalaman na nanggaling na naman sa sakit si Sherri. Nagpadala siya ng sulat dito noong isang buwan pero hindi naman ito sumagot.
Hindi na bago sa kanya ang ganun. Hindi mahilig sumulat si Deinarra. Paminsan minsan, tumatawag ito, kahit na ang inaalam lang nito ay kung ayos pa ba ang bahay, natutuwa na rin siya. Alam niya na ayaw lang nitong ipaalam na nag aalala din ito sa kanila ni Sherri.
Pumasok na sila sa loob ng bahay. Makalat sa living room. Ilang ginupit na papel at karton ang nasa ibabaw ng mesita.
May project ka na naman Sher? Nakangiting tanong niya sa kapatid.
Yung scrapbook ko ate. Nakangiting sagot nito.
Napakunot noo siya ng mapansin na sobrang payat na ng kapatid.
Every month yata may sakit ito. At minsan natatakot siya na baka bigla na lang itong kunin sa kanya ng Diyos.Kumain ka na ba Sher? Tanung niya dito.
Hmmm. Kanina pa gusto mo bang kumain? Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Parang nawala ang pagod niya sa ngiti na yon ng kapatid. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.
Matulog ka na.. Kagagaling mo lang sa sakit.. Baka mabinat ka.. Sunod sunod na paalala niya dito.
Ngumiti ito. Sandali nalang to ate.
Nilapitan niya ito at nagulat siya sa nakita.
Puro pictures ni Cael Kang!
Napangiti si Sherri at namumula ang mukhang itiniklop ang ginagawa.
Sher.. Hanggang ngayon ba.. Hindi na niya tinapos ang sasabihin. Bumuntunghininga na lang siya.
Napatungo naman si Sherri.
Hinaplos niya ang buhok nito. Very vocal si Sherri sa pagsasabi na gustong gusto nito si Cael. Mula pa noong bata ito. Noong hindi na pumunta sa kanila si Cael, sobrang nalungkot ang kapatid niya.Hindi niya akalain na hanggang ngayon pala, ganun pa rin si Sherri.
K-kahit sa pangarap lang ate.. Alam mo naman na gustong gusto ko siya.... Hinaplos pa nito ang cover ng ginagawang scrapbook.
Noong maliliit pa sila, madalas nilang nakakalaro si Cael. Iniiwan lang ito ng ama sa bahay nila at ipinapasundo pag gabi na.
Busy ang ama nito sa trabaho at madalas na wala itong kasama sa bahay kundi mga katulong.Isang beses ay nag laro sila ng kasal kasalan. Si Sherri and bride at si Cael ang groom. Binibihisan niya ang kapatid ng dress na puti at inaayusan ng bulaklak na korona sa ulo.
Naka ngiti lang si Cael sa kanila at nakikitawa. Siya pa nga ang gumanap na pari at nakatawang sinabuyan niya ang mga ito ng bulaklak. Sabay sigaw na "you may now kiss the bride!" Laking gulat niya ng humarap ito sa kanya at ginawaran siya ng halik sa lips. Mag lalabing limang taon siya nuon.
Sa gulat ay hindi siya nakakibo. Napanguso si Sherri dahil siya daw dapat ang hinalikan ng groom. Nagtatakbo palayo si Cael at sumakay sa kotseng nagsundo dito.
Kumaway pa sa kanila.
Pagkatapos nun, hindi na sila muli pang nagkita dahil kinagabihan, umalis ng bahay ang papa niya dala ang isang bag na puno ng damit at hindi na muling bumalik.
Nahilot ni Zoe ang sentido niya.
Naalala ang nangyari sa kanila kanina. Tiyak na magtatampo si Sherri kapag nlaman nito ang nangyari. Pero iba noon at iba ngayon. Hindi na sila mga bata.Kung alam mo lang Sherri.
Iba na si Cael. Hindi na siya yung dati.Isa na siyang bastos at aroganteng lalaki.
Humakbang na siya papasok ng kwarto. Ayaw na niyang magisip. She wants to work away from him. Pero naiisip rin niya na mahirap maghanap ng trabaho.
Patayin mo yung ilaw pagkatapos mo diyan ha. Hindi na ako kakain. Gusto ko ng magpahinga.
Dahan dahan niyang isinara ang pinto ng kwarto at sumandal dito.
Parang tukso namang bumalik sa isip niya ang tagpo sa elevator kanina.
Napahawak siya sa labi.
Cael was her first kiss. Now he took her second kiss. Umiling siya para iwaksi ang naiisip.
Mabuti na lang ang biyernes ngayon. Hindi niya makikita ang binata ng ilang araw. Hindi niya ito kailangang isipin at alalahanin.Tsaka na siya magiisip.
Ibinagsak niyang katawan sa kama at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Naisip niya na pipikit lang siya sandali pero nakatulog na siya.
Alas tres ng madaling araw.
Napahikab si Cael.
Kanina pa siya nanduon. Magkasunod silang dumating ni Zoe at gaya ng dati. Nagbantay siya.Pero hanggang ngayon bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Zoe. Sinabi niya sa sarili na aalis na siya kapag nagpatay na ng ilaw sa kwarto si Zoe. Pero mukhang hindi makatulog ang dalaga.
Nag alala na tuloy siya para dito.
Nabigla siguro siya.
Hindi lang basta pagkabigla iyon.
Hinarass mo siya!Napa pout si Cael sa tinuran ng konsensiya niya. Inaamin naman niya na kasalanan niya talaga.
Muli siyang tumingin sa parte ng kwarto ni Zoe. Nagpasya siya na maghihintay hanggang magpatay ito ng ilaw. Tutal naman may kasalanan siya dito.
BINABASA MO ANG
a Love Story
Short StoryTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊