Chapter Eighteen

161 8 2
                                    

May customer ka sa room twenty. Pumunta ka na dun.

Nakatulala si Zoe ng tumayo. Gumegewang gewang siya ng lumabas sa maliit na kwarto.
Isa na siyang robot na sumusunod sa utos ng kanyang master.  Hindi niya alam kung anung araw na. Wala na siyang pakialam sa paligid.

Noong unang linggo ay nanlalaban siya sa tuwing may pupunta sa kwarto at iiniksiyunan siya. Sampal at suntok ang inaabot niya. Nararamdaman niya ang bawat kamay na humahawak sa katawan  niya. Ilang tauhan sa club ang unang gumamit sa katawan niya. Panay ang tulo ng luha sa mga mata niya. Hanggang magmanhid na ang pakiramdam niya.

Hindi na siya kumatok. Dirediretso siyang pumasok sa kwarto. Umupo sa kama at naghintay ng utos. Blangko ang expression ng mukha niya.

Take your clothes off.
Narinig niyang sabi ng lalaking nakaupo sa recliner. Tumaas ang kamay niya saka isa isa niyang binukas ang butones ng blouse na suot.

Yun ang uniform nila sa club. Blouse na maraming butones para daw ma turn on ang bawat customer nila. Paldang halos isang dangkal lang ang haba at gartered stocking. Matapos maibukas ang damit, lumantad ang suot niyang see thru brassiere.

Isinunod niyang hubarin ang stocking.

Naramdaman niyang tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya.
Pag hawak nito sa balikat niya, hindi niya maipigilan ang takot.
Napapikit siya.

Relax. Narinig niyang sabi nito.

Itinaas nito ang kamay para haplusin ang pisngi niya pero bahagya siyang umilag. Pumikit siya ng mariin. Inaasahan na niya ang sampal na madalas niyang nararanasan sa mga lalaking nagbabayad para makasama siya.

Napainhale naman ang lalaki ng makita ang takot sa mukha niya.
Bahagyang nagrehistro sa kanya ang gulat ng yakapin siya nito.

Zoe.  Umuwi na tayo.
Pamilyar sa kanya ang boses pero alam niya na  imposibleng mangyari iyon. Napaka layo niya sa may ari ng boses na iyon.

Kapag nakabalik na siya sa kwarto, naiisip niya minsan ang maamong mga mata ni Cael. Ang masuyong mga ngiti nito. Pero, hanggang duon lang.

Gabi gabi bago sila ihatid sa bahay aliwan na iyon sinasaksakan siya ng kung anu mula sa heringgilya kaya nalilimutan na niya kung sino siya. Kung ano siya dati.

Nuong una nahihilo siya at nagsusuka sa sobrang high.
Pero kalaunan ay nasanay na siya sa malabong mundo na nakikita niya kapag high na siya sa drugs.

Napangiti siya sa narinig niya mula sa lalaking nakayakap sa kanya.

Zoe. Look at me. Naawa si Cael sa nakikita niyang hitsura ni Zoe. Pumayat ito at nanlalalim ang mata. Pero ang mas masakit ay ang makita niyang walang buhay ang mata nito.

Hinawakan niya ang mukha nito.
Para itong robot. Pangiti ngiti habang nakatingin sa kawalan.
Shit. Nakadrugs ka ba? Tanung niya dito pero hindi na siya nag expect ng sagot. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa niya. Hinubad niya ang suot na jacket at isinuot iyon kay Zoe. Tama ng pagpapanggap gusto na niyang umalis at iuwi ang asawa.

Dumayal siya sa dalang cellphone. Inspector Shane. I got her pwede na kayong pumasok.

Hudyat iyon.

Mahirap makapasok sa lugar na yon kaya kailangan pa niyang magpanggap na customer ng masiguro na nanduon nga si Zoe.
Maya maya pa nagkagulo na sa labas ng kwarto nang dumating ang mga pulis. Bukod pa sa local police may kasama siyang mga NBI agent. Dinig na dinig ang sigawan mula sa labas ng kwarto at sa bawat tunog ay halos mapatalon si Zoe sa takot.

Nanginginig ang katawan  at panay ang bulong.

Cael. Help me.
Tumutulo ang luha nito at niyakap siya ng mahigpit ni Cael.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon