Nasaan na ba si Zoe? Natatarantang sabi ni Cael. Hindi daw ito lumabas sabi ng security.
Siguradong nasa loob lang ng building si Zoe. Sabi ni Marco. Tinawagan nito ang mga bantay nila Cael. Naghahanap sila sa buong building.
Bumalik naman si Mildred sa opisina ni Denver ng makarinig siya ng mahinang daing.
Zoe? Zoe! Anung nangyari sayo. Napaluhod si Zoe sa sahig malapit kay Mildred. Tinulungan siya nitong tumayo at iniupo sa secretary chair.
Agad na tumawag siya sa reception. Tiningnan niya si Zoe maga ang pisngi nito at may kalmot sa braso. Nanginginig ito at tinulungan niyang ayusin ang damit ng babae.
Janice. Tawagin mo sa sir Cael nandito na si Zoe.
Paulit ulit na bumubulong si Zoe hindi nito pinapansin ang inaabot na tubig ni Mildred. Iisa lang ang nasa isip niya.
Kailangang mailigtas si Sherri!
Nakakuyom ang palad ni Cael habang naghihintay na sapitin ang opisina ni Denver. Ramdam na ramdam ang tensiyon sa tatlong lalaking sakay ng elevator. Wala ni isa man na nagsasalita.
Zoe! Sigaw ni Cael ng makita ang asawa. Madumi ang suot nito may pasa sa pisngi at putok ang labi. Sinong gumawa nito. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay nito. Nakahawak si Zoe sa tiyan niya. Nakangiwi pero pilit na nagsasalita.
S-si S-sherri... Cael...si Sherri..
Sweetheart..are you ok? Inulit ni Cael ang tanung sa asawa. Hindi niya malaman kung saan ito hahawakan. Nag ikot naman ang security na kasunod nila at hinalughog ang lahat ng malapit na kwarto.
Si ....si Sherri...baka kunin niya si Sherri. Nanghihinang sabi nito.
Agad ba tinawagan ni Marco ang ibang security at ang elite forces. Nagpahanap ng kahina hinalang tao sa loob ng building at hiningi ang CCTV footage ng nakaraang tatlong oras.
Ako ng bahala kay Sherri. Sabi ni Denver. Humakbang na siya papunta sa elevator ng marinig niya ang sigaw ni Cael.
Oh my God! Napalingon siya. Nakita pa niya na unti unti naupos si Zoe. Tila slow motion na natumba at nasalo ni Cael, umaagos ang dugo sa mga binti nito.
Sherri... Busy ka pa din?
Napalingon si Sherri kay Matt. Nagtataka man ay nginitian niya ito.Oh. Kuya Matt. Nagawi ka yata sa Finance. Masiglang bati ni Sherri.
Ano.. Nagdala lang ako ng files dun. Napakamot ng batok ang lalaki. Dahan dahan itong lumapit kay Sherri.
Matatapos na ako. Isinalansan niya ang mga hawak na ledger. Ipinasok niya iyon sa loob ng steel cabinet.
Pag-angat ng mukha niya ay saglit siyang natigilan. Hinigpitan niya ang hawak sa tatlong ledger.
Lumalakas ang kaba sa dibdib niya na tila di naman napapansin ni Matt.Yayayain sana kitang mag meryenda. Sabi pa ni Matt hanggang makalapit ito sa kanya.
Bigla ang kilos ni Sherri.
Hinampas niya ito ng matigas na bahagi ng ledger sa mukha. Napaatras si Matt at natumba sa sahig.
Sinamantala ni Sherri ang pagkakatumba nito saka nagtatakbong palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
a Love Story
Short StoryTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊