Kain ka na. Yaya sa kanya ni Denver na parang walang nangyari. Inilapit nito amg pinggan ng hotdogs at ham sa kanya. Gayundin ang tinapay na nasa gilid. Kape... Muling yaya nito.
Umiling si Sherri. Hiyang hiya siya dahil sa inasal niya kanina. Para siyang bata.
Nanlaki ang mata niya ng mapansing suot nito ang lumang pajama ng papa niya.
Ipinihiram ko muna iyon. Tila nahalata naman ng matandang babae ang tinatakbo ng isip niya. Ikaw naman kasi. Naiiling na dugtong nito.
D-dito ka natulog?
Oo. Hindi na ako nakauwi. Ang dumi kasi ng damit ko bukod pa sa basang basa ang pantalon ko. Sagot naman ni Denver at tinaasan siya ng kilay.
Tumaas ang kilay ni Sherri. Pinilit alalahanin yung nangyari kagabi pero wala siyang matandaan. Ang alam nya ihinatid siya nito pauwi. Pero hanggang duon lang ang naalala niya.
Lumabas sandali si Mrs. Rodriguez matapos magpaalam, may kailangan daw sa grocery. Tumango naman sila Denver at Sherri.
Tahimik na nakayuko si Sherri na tila may iniisip. Hindi pinapansin ang kaharap.
Patingin tingin naman si Denver sa dalaga. Napapangiti ito.
Naubos ni Sherri ang chocolate na tinimpla ng yaya niya. Kumain lang siya ng kaunti.
Are you ok? Nagaalalang tanong ni Denver ng mapansin ang paghinto niya.
Uhm. Baka kasi masuka ako. Sagot niya.
Bumuntong hininga ang binata. Next time. Kakain ka muna bago ka iinom ng kahit anong alcohol.
Napasimangot si Sherri. Ayoko ng uminom.
Natawa si Denver. Marami ng nagsabi niyan.
Hmpft. Ayoko na talaga. Ang sakit ng ulo ko. Ganun palang hang over.
First time? Tanung nito at tumango din ng tumango siya.
Naghari ang katahimikan sa kanila hanggang bumalik si
Mrs. Rodriguez. May bitbit itong plastic ng groceries at isang clothes bag.Naabutan niya ang dalawa na nakaupo pa rin sa dining table umiinom ng kape si Denver at pinaglalaruan naman ni Sherri ang mga daliri. Hindi nag papansinan ang dalawa . Napailing siya.
Sir Denver...eto na pala yung damit nyo. Nakasalubong ko yung maghahatid kanina...sabi nito sabay abot ng clothesbag kay Denver.
Naku. Thank you po. Sana hinayaan nyo na lang sila magdala dito..sagot ni Denver na bahagyang namula. Hindi siya sanay na pinagsisilbihan siya.
Ay wala po yun sir...nakangiting sagot nito.
Tumayo si Denver saka pumasok sa banyo para maligo. Sumunod naman si Sherri sa matandang babae. Nagumpisa na itong maghanda ng lulutuin.
Tita magluluto ka na ba? Tanung ni Sherri habang nagaayos ng groceries.
Oo. Ako ng bahala dito. Asikasuhin mong bisita mo. Sagot nito sa alaga. Napatingin naman si Sherri dito.
Bakit nga ba dito siya natulog? Mahinang tanong niya.
Hindi mo ba naalala? Dyaskeng bata ka. Huwag ka ng iinom ha. Mabuti si sir Denver ang kasama mo kagabi kung iba yan, baka me masama ng nangyari sayo. Nag aalalang sabi nito. Tiningnan niya ang bukas na mukha ng alaga niya.
Nasukahan mo siya kagabi. Dugtong niya ng makitang nagugluhan si Sherri.
Hindi nakakibo si Sherri sa nalaman. Hiyang hiya siya, nasisi niya ang sarili dahil sa pagsama niya sa bar. Bakit kasi napadami ang inom ko?
Lumabas ng banyo si Denver saka pumunta sa kwartong tinulugan nito kagabi. Humakbang naman papunta sa kwarto niya si Sherri ng bumukas ang pinto at magtama ang tingin nila ni Denver. Napatingin ang dalaga sa suot nito. Malinis at plantsado na.
Ngumiti si Denver saka umupo sa couch. Dahan dahang lumapit si Sherri. Naupo ang lalaki at nagbasa ng dyaryo.
Nagtaas ito ng tingin ng mapansin siya. Nagtatanong ang mga mata.
Eh...anu..sir..sorry sa...sa nangyari kagabi. Namumulang sabi niya dito.
Ngumiti si Denver. Inapuhap ang kamay niya saka pinisil.
Wala yon. Next time kapag iinom ka make sure na may laman ang tyan mo ok? Sabi nito at ibinaling na ang pansin sa dyaryo ng tumango siya.Nakapout na pumasok sa kwarto niya si Sherri. Pero hawak niya ang kamay na pinisil ni Denver kanina. Tila nararamdaman pa rin niya ang init ng palad ng lalaki. Naupo siya sa kama.
Nagtataka siya sa ikinikilos ni Denver. Kagabi lang ay nagsungit pa ito sa kanya. Pero ngayon naging mabait at pala ngiti pa ito.
Dumiretso siya sa closet saka pumili ng isusuot. Naisip na niya na magsuot lamang ng simpleng is sweat pants pero nagbago ang isip niya.
Naglabas siya ng ilang summer dress. Isa isang isinukat iyon sa harap ng salamin. Dapat maganda ako paglabas ng kwarto para matuwa si ate kapag nakita niya ako. Bulong niya sa sarili.
Sigurado siya na ang ate niya ang dahilan. Walang kinalaman ang lalaking nasa living room niya at tahimik na nagbabasa ng dyaryo.
Tumawag si Cael ng malapit na sila sa building. Dumaan pa daw sila sa cakeshop dahil gusto ni Zoe na makatikim ng paborito nitong caramel cake.
Inayos ni Sherri ang nilutong carbonara. Saka ginadgaran ng maraming keso. Mataman namang nakatingin si Denver.
Gusto mong tumikim? Nakangiting tanung ni Sherri sabay kuha ng tinidor at subuan ang binata.
Namilog ang mata ni Denver bago ngumiti. Hmmm. Nag thumbs up pa ito.
Makalimutan mo ng pangalan mo sa sarap no? Natatawang tudyo ni Sherri.
Iiling iling naman si Mrs Rodriguez sa dalawa. Natutuwa siya sa nakikita niya. Isinalin na niya ang nilutong beef stew sa plastic container.
Eleven thirty ng umaga ng umakyat sila sa condo ni Cael. Dala ni Mrs. Rodriguez ang niluto nito at dala naman ni Denver ang niluto ni Sherri.
Marunong ka din palang magluto.. Nakangiting puri ni Denver sa dalaga. Impressed siya sa sarap ng luto nito.
Tinuruan ako ni ate. Sagot ni Sherri na napatingin sa binata. Kumindat pa si Denver na ikinapula ng mukha nito.
Si Zoe ang nagbukas ng pinto. Agad na nagyakap ang magkapatid ng magkita. Hinila ni Zoe si Sherri saka pinaupo sa couch. Nag umpisa ng magkwento ito. Dumiretso naman sila Denver at Mrs. Rodriguez sa kusina. Naabutan nilang nagtitimpla ng juice si Cael. Nakahanda naman sa mesa ang cake at java rice.
Domesticated Cael. Bagay sayo.nakatawang bati ni Denver sa kapatid.
Ngumiti si Cael saka tinawag na ang asawa. Masayang kumain ang lima. Pagkatapos ay bumalik na si Mrs. Rodriguez sa condo ni Sherri dahil marami daw siyang ligpitin.
Masaya na si Cael. Buo na uli sila. Pwede na silang mag umpisa uli. This time wala na silang pangamba.
BINABASA MO ANG
a Love Story
Короткий рассказTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊