Naglalakad na papunta sa kotse si Zoe at Sherri ng makatanggap ng tawag si Mr.Kim.
Sige po. Sagot nito at binuksan ang pinto para makapasok ang dalawa.
Maya maya ay humalo na ito sa traffic. Nagtaka si Zoe dahil iba ang tinatahak nilang daan.
Mr. Kim? Saan tayo pupunta? Tanung niya sa driver bodyguard nila.
Maam. Huwag po kayong mag alala. Si sir Cael po ang nag utos na ihatid ko kayo sa airport. Nakangiting sabi nito.
Hindi kumibo si Zoe pero nagtataka siya dahil wala namang sinabi sa kanya si Cael kanina.
Sabay silang mag almusal gaya ng nakagawian nila. Two months na silang nakakabalik at palagi siyang nagsusuka sa umaga. Noong isang linggo ay dinala siyang muli ni Cael sa ospital para sa checkup. Sabi ng duktor na healthy naman sila ng baby.
Kailangan lang daw niya magpahinga. Pero pagkataos nuon ay tila naging busy na sa trabaho si Cael. Ganun pa rin ang uwi nito pero nagigising siya na siya lang mag isa sa kama.
Noong isang gabi ay nakita niya itong nakatulog sa couch hawak hawak pa ang phone.
Two days ago may kausap si Cael sa cellphone nito at ng makita siyang nakatingin ay pumasok ito sa loob ng banyo. Hindi na niya pinansin. Alam naman ni Cael ang labas at loob ng business nito. Hindi siya nakikialam sa mga desisyon nito.
Kinakabahan siya sa biglaang desisyon nito. Napansin naman ni Sherri na nag uumpisa na siyang mag panic.
Hinawakan nito ang kamay niya. Ate chill. Papunta lang tayo sa airport. Baka nandun na si Cael. Pag aalo nito sa kanya.
Ngumiti si Zoe at pinakalma ang sarili. Tama naman ang tinatahak na daan ng driver at maya maya ay nakarating na sila sa airport.
Sinalubong sila ni Ross at inabutan ng ticket at passport. Nauna na daw si Cael dahil nagmamadali ito. Napasimangot si Zoe pero di siya kumibo. Kasama nila si Mr. Kim at sa katapat na upuan sa business class ito nakaupo. Pinisil ni Sherri ang kamay niya para mag relax siya at pilit na ngumiti si Zoe.
Maam sa Tokyo po didiretso tayo sa venue kung saan yung meeting ni sir Cael. Nakangiting sabi ni Mr Kim para mapalagay ang loob niya.
Nang tingnan niya si Sherri nakapikit na ito at nagpapahinga. Sumandal na rin siya sa upuan at pumikit matapos hawiin ang buhok ng kapatid. Parang pagod at puyat ito.
Naisip niyang paalalahanan si Denver na huwag masyadong pagurin sa trabaho ng kapatid at baka bumalik ang sakit nito.
Kumalma na siya sa isiping
makikita na din niya si Cael mamaya.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog pero naramdaman niya na may bumuhat sa kanya. Ihiniga siya sa isang malambot na upuan at naramdaman niyang nagbiyahe sila.
Antok na antok si Zoe. Hindi kasi siya gaanong nakatulog dahil sa pag aalala niya sa asawa ng nagdaang mga araw.
Pinilit niyang dumilat pero hindi niya magawa. Natakot siya.
Nasaan si Cael? Maya maya naramdaman niyang may yumakap sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kilala niya ang halik ni Cael kaya naman kumalma siya. Para pa siyang nananaginip. Narinig niya ang mahinang boses nito.Sleep sweetheart.
Relax. Go back to sleep.Nag dumilat siya nasa isang kwarto siya na may mapusyaw na ilaw. Malambot ang kama at iba na ang suot niyang damit. Nagtatakang umupo siya.
Maliit pero maganda ang kwarto. May canopy ang kama nito na akala mo ay kama ng prinsesa. May malapad na salamin sa gilid.
Mag isa lang siya sa kwarto.
Cael? Tawag niya sa asawa pero walang sumagot sa kanya.
Lumapit siya sa salamin. Sinipat amg suot na damit. Ano naman kaya ang naisipan ni Cael at pinagsuot siya ng ganitong damit?
Puti na silk ang bodice ng damit. Napapaligiran ng light blue na lace na naka over lay sa bandang bewang pababa. Tila buntot tuloy ang sobrang tela.
Sweetheart neckline ito at may suot siyang kwintas na may pendant na sapphire stone.
Naka lace up shoes siya na silver na two inch ang heels.Nakarinig siya ng ingay sa labas ng kwarto at lumabas siya.
Maraming tao sa labas ng kwarto mga babae na nakabihis fairy. O maaring sabihin na kamukha ng costume ni Tinker bell.Marahil ay nasa party sila. Hindi na siguro siya nagising ni Cael dahil nanduon na ang business partners nito. Maging si Sherri ay wala na sa tabi niya. Nanduon lamang si Mr. Kim na tila may kausap sa walkie talkie nito. Nginitian siya ng lalaki.
Dito po tayo maam. Lumakad sila papunta sa isang double door. Huminto si Mr.Kim at iminuwestra ang pinto.
Nginitian siy ng kambal na Tinker Bell sa may pinto at isinuot sa kanya ng gwantes na light blue. Pagkatapos ay dahan dahan nitong ibinukas ang pinto.
Napamulagat si Zoe.
Ano 'to?

BINABASA MO ANG
a Love Story
Short StoryTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊