Chapter 40

133 8 2
                                    


Wow! I love the place!
Sabi agad ni Zoe ng makita ang view sa labas ng presidential suite na kinuha ni Cael para sa kanila. Tatlo ang kwarto nito. May sariling dining at living room. Nakaharap sila sa dagat.

Ate! Natutuwang tawag ni Sherri sa kapatid at nagyakap sila.

Napangiti naman si Cael. Kanina ay medyo nakasimangot pa rin si Zoe pero biglang nag iba ang aura nito ng makita ang lugar.

Sweetheart! Nakatawang tumakbo ito at niyakap siya. Ang ganda!

Niyakap niya ito ng mahigpit. I can see you like it. Sabi niya.

Tiningnan siya ni Zoe at tumango ito. Thank you. Sabi pa nito sabay halik sa kanya.

Inakbayan niya ang asawa at pumunta sila sa veranda kung saan nandun si Sherri. Busy ito sa pagkuha ng pictures at pag se selfie.

Tumunog ang doorbell at napalingon si Cael. Oh andyan na yata ang food natin. Sumunod na kayo ha?
Bilin niya sa dalawa at pinuntahan ang pinto.

Nag order siya ng brunch para sa kanilang tatlo. Nakaayos na ang mesa ng pumasok ang magkapatid.

Masaya silang kumain at nagpahinga pagkatapos.

Mamaya na tayo lumabas may fire dancers mamayang gabi. Sabi niya sa dalawa na agad namang sinang ayunan ng mga ito.

Sayang talaga na miss ni kuya ang bakasyon..sana humabol siya pagkatapos ng meeting.. Sabi ni Cael pero lihim niyang sinulyapan si Sherri at nakita niyang nag pout ito.

Napangiti siya. Mabagal lang talaga ang kuya niya at mukhang hindi yata aware sa feelings ni Sherri.
Madalas niyang napapansin na inaasikaso ng kuya ni si Sherri nuong hinahanap pa ang kidnapper ni Zoe.

Madalas din itong tumatawag para i check kung naka uwi na ang dalaga. Lahat ito ay ibinabalita sa kanya ni Mrs. Rodriguez. Dahil na rin nagbilin siya dito. Siniguro niyang ligtas si Sherri at alam nila ang nangyayari dito para sa ikatatahimik ng kalooban ni Zoe.

Hindi niya akalain na may namumuo na palang pagtitinginan sa dalawa.

Sabagay kadadating lang namin, he has a lot of time to make a move. Hindi naman siguro torpe ang kuya niya. Napailing siya sa naisip.

Hmmm. Anung nginingiti mo dyan? Mahinang tanung sa kanya ni Zoe na kanina pa pala nakatingin sa kanya.

Nakahilig ito sa dibdib niya. Nasa loob sila ng kwarto at nagpapahinga.

Masaya lang ako. Thank you for coming back to me sweetheart.
Hinigpitan niya ang yakap dito at hinalikan ito sa pisngi.

Sinuklay suklay niya ang buhok nito. Sweetheart...gusto mo na bang magka baby? Maya maya ay naitaning niya. Hindi kumibo si Zoe.
Pag ready ka na...well start our family na...bulong niya dito.

Tiningnan niya si Zoe at nakita niyang nakapikit na ito. Tulog na..

Binuhat niya ito at dahan dahang inilapag sa gitna ng kama. Tapos tinabihan niya at niyakap. Gusto lang niya na mapasaya ito. Lahat gagawin niya para maging masaya si Zoe sa piling niya.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon