Chapter Forty One

122 7 2
                                    



Nagpahatid ng almusal si Cael at isinet up ito ng waiter sa terrace.

Contiental ang ni request nya mula sa restaurant sa ibaba ng hotel.  Cut up fresh fruits, ham, hotdogs, bacon, boneless daing na bangus, sunny side up at scrambled eggs, white bread, baguette at java fried rice ang nasa mesa. May butter, jam, mayo at mustard pa sa gilid nito.

Namilog ang mata ni Zoe sa nakahanda at natutuwa siyang pagmasdan ang asawa. Gumawa agad ito ng sandwich na may bacon, pero nainis siya nang iabot nito kay Denver ang sandwich.

Tumabi pa ito sa kapatid nya at akala mo bata na nakatingin dito.

Masarap? Tanung ni Zoe kay Denver.

Hmm.. Oo masarap nga.. Ikaw kumain ka na din.. Sabi naman ni Denver na napapatingin kay Cael. Kitang kita ang disgusto sa mukha nito.

Ipagtimpla mo ko ng gatas.. Sagot ni Zoe kay Denver na ikinatawa ng huli.

Ako na sweetheart.. Sabi naman ni Cael.

No! Biglang sabi ni Zoe. Gusto ko si Denver magtitimpla... Nag pout pa ito.

Siya namang dating ni Sherri na katatapos lang maligo. Naka sundress ito na pink at lavender stripes.

Good morning! Bati nito sa lahat at umupo sa tapat ni Denver. Ate kumain ka na? Baling nito sa kapatid. Pero hindi siya pinansin ni Zoe.

Denveeerrr! Sabi ni Zoe na nag puppy eyes pa.

Tumayo si Denver para magtimpla ng gatas pero palingon lingon ito kay Zoe na nakakunot ang noo. Naglilipat lipat ang  tingin sa kapatid niya at sa asawa nito na nagtatanong ang mata.

Nagkibit balikat si Cael pero magkasalubong ang kilay nito. Hindi rin ito nakatiis.

Sweetheart stop acting like this.. Sabi nito kay Zoe.

Ininom agad ni Zoe ang gatas na binigay ni Denver. Hmmm.. Sarap.. Kain ka pa.. Sabi nito at gumawa ulit ng sandwich. Lahat iyon ay inilagay niya sa pinggan ni Denver.

Kumuha ng isa si Cael pero pinalo ni Zoe ang kamay niya. Pinandilatan niya si Cael. Huwag... Gumawa ka na lang ng sayo..

Nag pout si Cael pero hindi ito kumilos.

Namilog ang mata ni Sherri sa nakikita. Aliw na aliw siya sa ikinikilos ng ate niya. Maya maya ay napabulalas ito. Ate! Naglilihi ka ba?

Nagkatinginan naman si Denver at Cael. Nagbago ang ayos ng mukha ni Cael lumiwanag ito saka tinitigan ang tiyan ng asawa.

Hmmm.. Sabi ni Zoe na umiinom ng gatas.. Ewan ko.. Tapos tumingin ulit kay Denver at iniabot ang baso niya na wala ng laman.

Napakamot ng batok si Cael at lumapit sa asawa. Sweetheart... Ginagawa mong katulong si Denver.. Ako na lang ok? Bulong niya dito.

B-bakit n-nagagalit ka na ba Denver? Namula ang ilong ni Zoe at akala mo ay iiyak na. Tiningnan nito si Denver bago yumuko pinipigilan na maiyak.

Hindi. Nataranta si Denver, agad na tumayo siya at nagtimpla ng gatas. Napailing siya.

Mukhang naglilihi nga yata ang sister- in - law niya. Mabuti na lang at alam ng binata ang pagiging moody ng mga buntis na naglilihi. Huwag ka ng umiyak.. Ipagtitimpla kita ng gatas. Anu pang gusto mo?

Natutuwang nagtaas ng tingin si Zoe. Sinusundan ng mata nito ang kilos ni Denver habang nagtitimpla ng gatas. Maya maya ay humilig ito kay Cael.
Hmm. Bango naman ng sweetheart ko.. Sabi nito habang nakasubsob sa dibdib ng asawa. Natawa si Cael sa ikinikilos ng babae. Kitang kita sa mukha ni Cael ang saya.

Tumayo si Zoe kinuha ang gatas na iniabot ni Denver  at nagpaalam saglit na maliligo muna siya. Naiwan ang tatlo na sinusundan siya ng tingin.

Huwag mong kokontrahin ang gusto ng asawa mo. Sabi ni Denver kay Cael.

Bakit naman? Tanung nito.

Emotional ang mga buntis kapag naglilihi. Konting di mo lang mapagbigyan sa gusto nila pwedeng magtrigger sa emotions nila. Mahabang paliwanag nito. Nagagalit at nagtatampo agad.

Natawa si Cael. Ang dami mong alam. Kumadrona ka ba? Pangaasar niya sa kapatid.

Nung buhay pa kasi si mama may boarders kami. Ganyan ganyan maglihi. Ako lahat pinagagawa. Kulang na lang subuan ko yun. Natatawang kwento ni Denver.

Buti di nagselos yung asawa.. Sabi naman ni Cael.

Nagseselos nga parang ikaw kanina... Buti pinaliwanagan ni mama. Apat na buwan yata yun naglihi.. Sabi nito sabay subo sa sandwich n ginawa ni Zoe.

Magsasalita pa sana si Cael pero sinalpakan siya ni Denver ng tinapay. Tulungan mo kong ubusin to dahil pag balik ng asawa mo magagalit yun pag may tira pa.

Lihim naman na napangiti si Sherri. Nakikinig lang siya sa usapan ng magkapatid habang kumakain. Inubos niya ang laman ng pinggan.

Noon niya napagisip na mabait talaga si Denver. Taliwas sa lalaking nakilala niya nung unang araw niya sa Expoland.

Inabutan ni Denver ng gatas si Sherri. Ngumiti naman ang huli.

Siyanga pala kuya bakit sa sofa ka natulog? Tila wala sa loob na tanong ni Cael.

Ha? Hindi ko namalayan. Magpapahinga lang dapat ako eh. Napakamot ng batok si Denver. Pasensiya na.. Naistorbo ka pa. Naglabas ka pa ng kumot at unan.

Namula si Sherri sa sagot ni Cael.

Hindi ako. Si Sherri nag asikaso sayo kagabi. Tumingin ito sa hipag niya at nakakalokong ngumiti.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon