Chapter Thirty Four

141 8 2
                                    


Sweetheart. Dadaan ako mamaya sabay tayong uuwi. Sabi ni Cael sabay halik sa pisngi ni Zoe.

Nakabalik na sila mula sa Hongkong ng magsabi si Zoe na gusto nitong puntahan si Sherri sa opisina. Natuwa si Cael dahil nag uumpisa na namang lumabas si Zoe. Unang beses nitong pupunta na siya lang sa opisina.

Sige. Pupunta na ako kay Sherri. Magiingat ka. Nakangiting sabi ni Zoe sa asawa.

Hinintay muna ni Cael na makapasok sa loob ng building si Zoe bago sinabihan si Mr Kim na umalis.

Bahagya pang nag bow sa kanya ang bantay ni Zoe bago ito pumasok kasunod ng asawa niya.

Kahit na wala ng nakaambang panganib dito hindi niya pinatanggalan ng bantay ang magkapatid. Maging si Denver ay nagreklamo sa mga sumusunod sa kanya kaya naman sa dalawang babae lang nag concentrate ang mga bantay nito.

Cael kept Mr Kim as his personal assistant.

Hindi pinahalata ni Zoe sa asawa na natatakot siya. Ang huling punta niya sa building na ito, matinding hirap ang naranasan niya sa kamay ni Matt.
Sinabayan siya ng isang lalaki pero natatakot pa rin si Zoe. Pakiramdam niya pag labas niya ay may hihila sa kanya papunta sa isang maliit na kwarto.

Pumikit siya. Nagulat pa siya ng may humawak sa balikat niya.

Are you alright? Tanung ni Denver.

Napatango si Zoe. Nakahinga siya ng maluwag. Isa si Denver sa mga pinagkakatiwalaan ni Zoe.
Are you here to see Sherri? Tanung nito at timango naman siya.

Nasa 7th floor siya. Sa finance department. Gusto mo ihatid na kita? Hinintay ni Denver na sumagot ang babae. Halatang nate tensiyon ito at alam niya na makakatulong siya. Mula ng makita niya ang mga nangyari kay Zoe, napalagay na ang loob niya dito. Gusto niya itong protektahan kasama ni Sherri.

P-pwede ba? Nahihiyang tanung ni Zoe. Nilakasan lang nya ang loob dahil alam niyang nandito si Sherri.

Tumango si Denver.  Inalalayan niya si Zoe at hinawakan sa siko.
Nakayuko lang ito ng maglakad sila papasok sa department ni Sherrri. Nababahala si Denver sa ipinapakita na Zoe. Ayaw nitong  tingnan ang paligid niya.

Ate! Nakangiting bati ang isinalubong ni Sherri sa kapatid. Hinalikan niya ito sa pisngi.

I'll go to my office now. Ahm..ladies.. Can I invite you both to lunch? Tanung ni Denver.

Ah. S-sige sir. Pagsang ayon ni Sherri.

Sige. Daanan ko kayo mamaya.
Tumalikod na si Denver at iniwan silang dalawa.

Bahagyang ngumiti si Zoe. Inilibot niya ang tingin sa cubicle. Maayos ito may personal touch ni Sherri. Nakadisplay sa ibabaw ng mesa nito ang picture nilang dalawa.

Hindi ka ba nahihirapan dito Sherri? Nag aalalang tanung ni Zoe. Umiral na naman ang pagiging ate niya.

Tinitigan niya ang kapatid at hinaplos ang buhok nito. Natutuwa si Zoe na makitang mas maayos ang pangangatawan ng kapatid. Hindi na rin ito masasakitin. Masaya ka ba dito?
May boyfriend ka na ba? Nagulat si Sherri sa tanung ng ate niya at napatingin siya dito. Bahagyang namula ang pisngi niya.

Sherri, si C-cael...
Hinawakan ni Sherri ang kamay ng kapatid. Ate. Ok lang. Naiintindihan ko. Pasensiya ka na sa mga sinabi ko noon.
Mahal na mahal ka ni Cael. Nakangiting sabi ni Sherri. Napatunayan ko yan nung...nung ibinalik ka niya dito mula sa Macau. Hes so patient with you.
Hinawakan niya ang mukha ng ate niya hinagkan sa pisngi tapos ay niyakap ito ng mahigpit.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon