Chapter Twenty

168 7 5
                                    

Marami ang dumating at nakipaglibing.. bilang pagbibigay galang sa ama ni Cael. Tahimik lang ang lalaki tila lumilipad ang isip niya.

Nasa tabi niya si Zoe at si Sherri naman ay kasama si Mrs. Rodriguez na nakaupo sa isang gilid. Nagmamasid naman si Marco at ang elite team ng security guards.


Hindi siya makaiyak. Sa tagal ng panahon na inilagi ng papa niya sa malayo, pakiramdam ni Cael nandun lang ulit ito sa ibang bansa para mag asikaso sa negosyo nito.

Bahagya lang niya naramdaman ang pagdating ni Denver at pagtayo sa may likuran nila. Nakatitig siya sa kabaong ng ama. Gusto niyang awayin ang ama. Bakit hindi ito naghintay na maging maayos ang lahat? Kailan lang sila muli nagkaharap at di niya naisip na mawawala ito. Ni hindi maayos ang huli nilang paguusap.

Pinisil ni Zoe ang kamay niya at humilig sa kanyang dibdib. Kahit paano gumaang ang puso ni Cael.

Thank you for giving me back my wife...papa. Mahinang usal niya.
Nakangiti ang ama niya sa pagkakahimlay sa puting kabaong he cant help but ask, Are you with mom now?

Napakunot ang noo niya ng maalala ang umagang iyon....



Sabay silang dumating ni Denver.

Nagkasabay sa elevator pero hindi nagpapansinan. Hindi naman kasi ito naipakilala sa kanya. Sabi lang ni Duarte sa sms na ipinadala nito,
may ipapakilala ako sayo.


He didn't acknowledge him ng ng sabay silang naglakad papunta sa opisina ng ama niya.

Alas otso ng umaga nuon.
Kumatok siya sa pinto pero hindi sumagot ang papa niya. Mildred was surprised to see them.

T-tulog pa si Sir. Naghanda na nga ako ng kape para mamaya pag nagising siya.

Nagtaka siya. Kilala na punctual ang papa niya kaya inisip niyang may sakit ito. Inikot niya ang seradura ng pinto saka pumasok siya sa opisina at agad na lumapit sa couch. Parang may nagsasabi sa kanya na may mali.

Papa... Tawag niya dito pero hindi ito kumilos. Kinakabahang pinulsuhan niya ito.

Walang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang siya sa mukha ng ama. He was shock and his mind cant grasp whats happening.

Narinig niyang nagpatawag ng duktor si Denver na sumunod pala sa kanya.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakaluhod sa tapat ng couch at nakatulala. Naramdaman na lang niya na inaalalayan siya ni Denver at Marco na tumayo dahil dumating na ang duktor.

Pagkatapos, si Marco na ang nagasikaso ng lahat.

Nagpunta sila sa conference room dahil dumating si Atty. Nicolas Park, ang abogado ng pamilya.


a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon