Chapter Thirty Seven

156 8 4
                                    

Saglit na huminto si Denver sa Stop light. He placed his phone on the dock and dialed his brother's number.

Naka tatlong ring bago ito sinagot ni Cael.

Hmm. Denver...kuya...
Mahina ang boses ni  Cael sa pagsagot sa kanya. Bahagyang natawa si Denver. Halatang nagising niya si Cael.

Sorry bro.. Nagising kita. San ba si Sherri umuuwi?

Hmmm..nasa bar daw siya ngayon.. Sagot naman ni Cael at humikab...teka magkasama ba kayo?

Natahimik sandali si Denver. Nagdalawang isip pa kung itatanggi niya o hindi.

O-oo bro. Kaso nakatulog sa kotse ko. Sagot niya dito.

Mmkey..sa 28th floor.. directly below my condo. Andun naman si Wena. Sabi nito ulet.

Magsasalita pa sana si Denver ng marinig niya ang boses ni Zoe. Saglit na nawala si Cael sa linya. Narinig niyang pinababalik ito sa pagtulog ni Cael.

Cael. Bakit kasama mo si Zoe? Tanong niya ng bumalik na ito. Ang alam niya walang balak magpakita si Cael sa asawa hanggat hindi ito gumagaling. Maganda ang resultang sinabi ng duktor nito at tuwang tuwa si Cael ng ibalita iyon sa kanya.

Mahinang tumawa si Cael. Relax bro. Binigyan na ko ng 'go' signal ni dok. Lalabas na kami bukas..tsaka di niya alam nandito ako. Nananginip pa..akala ko nga nagising.

Napangiti si Denver sa tono ni Cael. Ilang araw din kasi itong hindi ngumingiti. Ok thanks. Matulog ka na....

Bago pinutol ni Cael ang tawag, may pahabol pa ito. Bata pa yan si Sherri ha...

He chuckled. Loko talagang kapatid niya.
Relax ok. My intentions are honorable. Sa isip ay gusto niya itong asarin, Ikaw na ang protective brother-in-law. Bye.

Ginising niya si Sherri ng makarating sila sa building ni Cael. Its a residential building a few blocks away from the train station.

May grocery store, gym at cafe sa ground floor nito. Mayruon ding laundromat sa isang gilid. Bahagyang dumilat si Sherri pero mukhang ngayon nito naramdaman ang epekto ng nainom. Bahagya itong sumuray kaya nakahapit siya sa bewang nito nang maglakad sila.

Ayos lang ako sir. Paulit ulit na sabi nito at nagpipilit dumiretso ng lakad.

Its ok just walk, Sherri.

Just walk Sherri.. Tila nangiinis na inulit ni Sherri ang sinabi niya.

Natawa si Denver. So mature Sherri.

Umingos naman ang dalaga. Sa private elevator sila sumakay. Nang makarating sa tamang floor binuhat na niya ito palabas hanggang makarating sila sa pinto ng suite ng dalaga. Dahan dahan niya itong ibinaba.

Sherri. Were here. Give me the keycard. Sabi niya dito. Kinapa ni Sherri ang card sa bag at iniabot kay Denver. Nang bumukas ang pinto, binuhat niya ito papasok.

Sir marunong akong maglakad. Pabulong na sabi ni Sherri pero nakapikit na ito. Napatayo naman si Mrs. Rodriguez na naghihintay pala sa living room.

Sherri naku, bata ka. Bakit ka uminom ng marami. Sabi nito.

Nauna itong pumasok sa kwarto ni Sherri at sumunod si Denver. Dahan dahan niya itong ibinaba sa kama. Hinaplos pa niya ang mukha ni Sherri pero bigla itong bumalikwas.

How are you fee..... Hindi na niya natapos ang sasabihin ng ilabas nito ang laman ng tiyan.
Basang basa ang pantalon niya
pero mukhang hindi pa ito tapos.
Binuhat niya ito at dinala sa comfort room.

Napangiti si Mrs. Rodriguez sa hitsura nilang dalawa. Agad na lumuhod si Sherri sa tiles at yumakap sa toilet bowl. Sunod sunod ang paghilab ng tiyan nito. Naiiling na hinubad ni Denver ang suot na pantalon at itinira ang boxers niya. Inabutan naman siya ng matandang babae ng tuwalya na agad niyang itinakip sa ibabang bahagi ng katawan.

Sa wakas, natapos din si Sherri. Sumandal ito sa dingding pero nakatulog na ito agad. Tinulungan niya ang yaya nito na iupo ang babae sa bath tub. Lumabas siya ng banyo at naupo sa tapat ng vanity mirror. Iniikot niya ang tingin sa buong kwarto. Masinop si Sherri sa kwarto nito. May kanya kanyang lugar sa bawat gamit. Isang may kalumaang teddy bear ang nakaupo sa loveseat na malapit sa bintana, samantalang isang basket ng pocket books ang katabi nito.

Natawa si Denver pagkakita niya ng hitsura niya sa salamin. Napailing siya. Bumukas ang pinto at sumilip ang matanda. Lumapit siya dito.

Is she ok? Tanung niya at tumango naman ito. Sumunod siya ng ibukas ng matanda ang pinto. Nakasuot ng robe si Sherri at nakadukdok sa nakatakip na toilett bowl. Muli niyang binuhat ang babae bago ihiniga sa kama.

Duon na siya naligo sa banyo. Maya maya ay kumatok ang matanda.

Heto na munang isuot niyo sir. Pinaglumaan yan ng papa ng alaga ko.

Naku Denver na lang po. Wala naman tayo sa opisina. Sagot niya saka magalang na nagpasalamat sa babae. Matapos maligo ay lumabas siya ng kwarto. Tulog pa rin si Sherri.

Sir.. Denver, naghanda ako ng sopas. Kumain ka muna. Ihinanda ko na rin yung isang kwarto.

Tumango siya at tumuloy na sa dining table. May tatlong kwarto pala ang suite ng dalaga. Isang maliit na island naman na may indoor plants ang naghahati sa kusina at living room.



Medyo masakit ang ulo ni Sherri ng magising ito kinaumagahan. Napailing siya. Ngayon lang siya naka experience ng hang over, at ayaw na niyang maulit pa iyon.

Matapos mag shower at toothbrush ay lumabas na siya ng kwarto. Naka pambahay lang siya. Isang pares na short at tshirt na may print ng paborito niyang anime.
Tita...? Tita....pahingi ako ng gamot ang sakit ng ulo ko.

Hindi niya pansin ang paligid. Umupo agad siya sa paboritong pwesti saka idinikit ang pisngi sa lamesa. Pumikit na siya.

Eto na iha. Bakit ka kasi uminom ng marami? Magagalit ang ate mo kapag nalaman niya yan.
Sabi naman ni Mrs. Rodriguez na hinaplos haplos ang buhok niya. Parang batang naglambing siya sa matanda.

Eh tita huwag mo kong isusumbong ha?

Nagulat siya ng makarinig ng mahinang tawa at agad na dumilat. Nakatingin sa kanya si Denver. Mukhang aliw na aliw sa reaksiyon niya.

Goodmorning pretty miss. Sabi nito.

Napanganga si Sherri saka namumulang nagbawi ng tingin.
Waaahhh...bakit nandito si sir??

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon