Masama ang pakiramdam ni Zoe ng umagang iyon. Lunes pa naman pero gusto na niyang maging weekend. Nanghina yata siya dahil dalawang araw siyang hindi kinausap ni Sherri. Ayaw nitong kumain. Ayaw ding uminom ng gamot.
Bumalik si Mrs. Rodriguez noong Linggo ng umaga at pinakiusapan niya ito na dumuon na muna sa kanila. Mukhang ready naman ang matanda dahil may dala na itong malaking bag.
Sabi ni Sir Cael, dito na daw ako sa inyo para may kasama kayo. Kumain ka na ba?
Agad itong nagluto ng agahan at naghain. Mabuti na rin dahil ng malaman ni Sherri na ito ang nagluto, saka lang nito tinikman ang pagkain. Kay Mrs. Rodriguez din ito lumalapit para magpatulong sa ginagawa nitong scrap book.
Sherri. Makinig ka naman sa akin. Pakiusap niya sa kapatid pero naglagay lang ito ng earbuds sa tenga. Napika na siya dahil mabigat ang pakiramdam niya, maiksi ang pasensiya niya.
Ganito na lang ba tayo
Sherri? Ate mo ako. Gusto ko lang naman yung makakabuti sayo.Alam ko naman kung bakit eh.
Kasi gusto mo siya. Akala mo ba di ko napapansin? Mas importante pa sayo ang pag..
Paglalandi kaysa sa kapatid mo.. Nakapameywang pa ito sa kanya at nagpanting ang tenga niya. Umangat ang kamay niya para sampalin ito pero ibinaba niya ng makita niya ang takot na umilag si Sherri. Naalala niya nuong maliliit pa sila. Madalas itong pagbuhatan ng kamay ng mama nila.Im.. Sorry Sherri.. Hindi ko sinasadya.. Tinangka niya itong lapitan pero umiyak ito.
Sasaktan mo ako dahil lang kay Cael.. Puno ng hinanakit ang boses nito. E di sige.. Kayo na lang ang magsama. Im a big nonsense para intindihin mo pa! Nagkulong ito sa kwarto maghapon. Si Mrs. Rodriguez lang ang hinayaan nitong makapasok sa kwarto.
Nanlulumo siyang naggayak. Doble ng suot niya dahil pakiramdam niya masyadong malamig ang panahon. Paglabas niya sa kwarto, nakita niyang nakasalampak sa sahig sng living room si Sherri. Hawak na naman ang scrapbook.
Ipinagbilin niya ang gamot ni Sherri bago siya umalis. Ni hindi nagtaas ng tingin ng magpaalam siya.
Sinasadya siyang tikisin.
Lalong bumigat ang loob niya. Lumabas siya ng bahay ng tumunog ng busina ng taxi n tinawagan niya. Hindi siya nag drive dahil nanginginig ang mga kamay niya.
Dumiretso siya sa comfort room pagdating niya sa opisina. Isinuka niya lahat ng kinain niya kaninang almusal. Nagpahid siya ng pawis. Nakapagtataka na pinagpapawisan siya pero ginaw na ginaw naman siya.
Agad niyang inayos ang mga reports na nareceive niya sa kanyang work email. Matapos is proofread ay isinend niya ito sa senior manager.
Natapos ang umaga na walang Cael na nanggulo sa kanya. Hindi niya ito tiningnan man lang ng lumabas ito para mag lunch. Tinatapos niya noon ang hinihinging proposal para sa sales projects nila. Mula ng ma acquire nila ang Magnum Hotel, sa kanya na ipinaasikaso ni Cael ang daily reports nito.
Hindi na siya bumaba para mag lunch. Hindi rin siya makakain dahil wala siyang gana. Pumunta siya sa comfort room at naupo sa isang cubicle. Nag set na lang siya ng alarm para magising siya 5 minutes before 1:00pm.
BINABASA MO ANG
a Love Story
KurzgeschichtenTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊