Maagang nagising si Zoe ng tumunog ang alarm clock niya at nagulat pa siya na hindi pala siya nakapagbihis kagabi. Agad siyang pumunta sa banyo saka naglinis ng katawan.
Dapat siguro, inaaya niya si Sherri para lumakas ang katawan nito. Matapos magbihis ay sinilip niya muna si Sherri. Pero tulog pa ang kapatid at yakap yakap ang scrapbook na ginagawa nito kagabi. Nilapitan niya ito saka inayos ang kumot. Kinuha niya ang scrap book at natukso siyang tingnan ito. Puno ito ng pictures ni Cael. Ang ilan ay kuha noong maliliit pa sila. Karamihan naman ay ginupit mula sa magazine kung saan ito na feature.
Isa si Cael sa itinuturing na most eligible bachelor. Bukod kasi sa gwapo ay mataas ang pinag aralan at nag iisang tagapagmana.
Napabuntunghininga siya. Tama si Sherri, hanggang pangarap na nga lang ito. Inilagay niya ang scrapbook sa ibabaw ng mesa.
Napailing siya ng bumalik sa alala ang nangyari kagabi.
You have to forget about him Zoe!
Ini lock niya ang pinto ng bahay at saka naglakad papunta sa park. Malapit lang itong park sa kanila. Mga tatlong kanto ang layo. Nag speed walking siya saka nag umpisang tumakbo ng mabagal.
Bahagya pa lang dumudungaw ang araw sa langit pero ayos lang sa kanya. Dalawang ikot lang siguro ang gagawin niya. Dadaan pa siya sa grocery para sa supplies nila sa bahay.
She did some stretches to warm up. Nalibang siya sa paligid. Inilagay niya ang pares ng earbuds sa tenga saka nag umpisang tumakbo.
Hindi niya napansin ang pares ng mata na nakasunod sa kanya. Naglakad ng lumakad siya at sumunod, papunta sa direksiyong tinatahak niya.
Pinawisan na siya at gumaan na ang pakiramdam niya. Huminto siya sandali. Konti pa lang ang nakakasabay niyang tumakbo. Nagulat naman siya ng may lumapit na kapwa jogger at humingi ng tulong.
Nagtatanung kung saan ang pinakamalapit na cr. Kampanteng lumakad siya pasabay dito at itinuro ang cr.
Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong hablutin. Niyakap ang bewang niya at hinila papasok sa cr.Let me go!
He----eelp!Tinakpan ng lalaki ang bibig niya. Nagkakawag siya para makawala pero naipasok na siya nito sa loob ng public cr.
Kahit natatakot ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Kailangan niyang makalabas dito!
Oh my god someone help me please.Pasalya siyang binitiwan nito sa loob ng cr. Napaatras siya
Naghanap ng pwedeng mahawakan para maipagtanggol ang sarili.Let me go! Palabasin mo ko dito! Tila walang narinig ang lalaki. Nakangisi nitong pinasadahan ng tingin ang suot niya.
Natakot siya sa pagtawa ng lalaki habang tinitigan siya.
Palagi kitang nakikita pero mailap ka .. Nakangising sabi nito.
Nilapitan siya nito, humakbang naman siya paatras. Hindi niya napansin na nasa dulo na sila. Wala na siyang aatrasan. Agad nitong hinablot ang suot niya.
Sinipa ni Zoe ang lalaki sa binti saka tumakbo ng mapaluhod ito. Pero gayunman, mabilis nitong nahila ang paa niya. Napilas ang tshirt niya.
Hinablot nito ang buhok niya at naumpog siya sa gilid ng pinto ng cubicle. Napaluhod si Zoe. Nahilo agad siya.
Wala na siyang nagawa ng itulak siya ng lalaki at mapahiga siya sa sahig. Nawalan na siya ng pag asa. She close her eyes as tears fell on her cheeks.
Bahagya na niyang narinig na bumukas ang pinto.
Parang nagkagulo sa loob. She was in and out of conciousness.
Naramdaman na lang niya na may bumuhat sa kanya.Zoe? Please open your eyes.. Tila pamilyar sa kanya ang tinig na iyon.
H-help p-please... Daing niya. Hilong hilo pa siya.
Hold on. Anito at naramdaman niya ang pagdampi ng hangin sa pisngi niya. Nakalabas na siya! She's safe!
Her head was throbbing pero ramdam niya ang unti unti niyang pagkalma. She was tucked into a very warm chest anf she felt safe.
Saglit na huminto ang may buhat sa kanya. Hinawi nito ang buhok niya and she heard a very audible gasp. Shed like to see who helped her pero lumalabo na ang kamalayan niya.
Ang huli niyang natandaan bago siya mawalan ng malay, narinig niya ang boses ni Cael.
What has he done to you!
Shit!

BINABASA MO ANG
a Love Story
Short StoryTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊