Chapter Thirty Six

129 7 5
                                    

Biyernes.

Alas singko na sa wall clock nang mapatingala si Sherri. Tinapos niya ang report na kailangan para sa meeting sa lunes. Isang assistant ng managing director si Sherri. Maayos niyang ginampanan ang naiwang pwesto ni Zoe. Magiliw naman sa kanya ang kanyang mentor na si Tara. Nagkahulihan sila ng loob at nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Kahit na ganuon, pinagbubuti lalo ni Sherri ang trabaho para di mapahiya sa kanyang boss.

Sherri... Sama ka mag bar tayo.
Nakangiting tawag sa kanya ni Corrine.

Oy! Namilog ang mata ni Sherri. Isa ito sa mga kasama niya nuon sa IT department. Saang bar naman kayo pupunta?

Sa Tukushigi bar. Sige na sama ka na. Palagi ka na lang tumatanggi. Naka pout na sabi nito.

Biglang sumulpot si Mike na boyfriend ni Corrine. Sherri sama ka na! Sabi nito sabay akbay sa nobya.

Sinu sino bang sasama? Nakangiting tanung ni Sherri.

Kasama sila Anne at tsaka dadating sila Andy. Sama ka na ha? Pamimilit pa nito.

Sige na. You've been working so hard for this project. Nakangiting susog ni Tara.

Tumango si Sherri. Matagal na ng huli siyang sumama sa mga katrabaho. Noong bago dinala sa ospital si Sherri ay lumabas ang buong finance department para mag unwind sa Takeshi grill and bar. Hindi naman umiinom si Sherri. She only ordered one glass at sapat na iyon.

Tumawag siya sa yaya niya. Tita Weng... gagabihin po ako ng uwi. Pupunta kami sa bar ng mga ka officemate ko.

Napangiti naman si Mrs. Rodriguez ng magpaalam ang dalaga. Natutuwa siya na nagumpisa ng lumabas labas ang alaga niya. Napamahal na rin ito sa kanya, palihasa balo siya at waang anak. Natutuwa siya na itinuturing siya nitong kamag-anak.

Magsabi ka kay sir Cael. Paalala ng matandang babae na sinang-ayunan naman niya.

Nag send ng sms si Sherri kay Cael ng di ito sumagot sa tawag niya. Agad naman itong nag reply na huwag siyang pagagabi.

Weird huh! Ayaw sagutin ang phone pero nagtext naman agad.
Nahawa na si Cael kay ate.
Natatawang naisip niya.

Dumiretso sila sa bar. Puro ladies drink ang inorder ng grupo at light beers naman sa mga lalaki.
Pito silang lahat. Isinama ni Anne ang boyfriend nito at isa pang officemate.

Sherri! Sasayaw muna kami!
Pasigaw na sabi sa kanya ni Corrine.

Tumango lang siya. Kailangan talaga nilang magsigawan kung gusto nilang magusap dahil maingay sa bar.

Naiwan sila ni Len na umiinom sa mesa dahil wala din itong partner gaya niya.

Nagkwentuhan lang sila ng kung latest showbiz tsismis at nag relax si Sherri.

Naalala niya na bukas uuwi na si Zoe at mag luluto sila ng paborito nito.

Masaya siya ng matanggap ang balita na hindi na ito matatakutin at nakakakilos na ng normal. Noon niya naisip na baka kasama ni Cael ang ate niya ngayon. Alam naman niya na di ito matiis na di makita ni Cael.

Sa paglipas ng ilang buwan ay nalimutan na rin niya ang nararamdaman para sa brother in law niya. Sherri felt genuine happiness for them.

Sherri sali kayo sa snake dance! Natatawang tawag ni Mike sa kanila at hinila sila ni Len sa gitna. Nagumpisang lumakad ang grupo at sumali ang iba dito.






a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon