Chapter Nine

219 9 1
                                    


Cael worked beside his sleeping beauty. Apat na araw ng may sakit si Zoe. Pabalik balik ang lagnat nito pero ayon naman kay Reesa ay normal lang iyon.

Ipina fax na lang niya sa kanyang condo ang mga papeles na kailangan ng pirma niya. He read them while letting his fingers sift though Zoe's hair. Maayos na qng kulay ng babae.

Napanatag na rin ang loob niya dahil nagising na si Zoe kagabi. He fed her soup from their own kitchen in Magnum Hotel.

Palipat lipat ang tingin niya sa hawak na papeles at sa babaeng natutulog. Zoe is now wearing only his shirt and an underwear. Umaandar ang pagka pilyo niya pero pinipigilan niya ang sarili. Baka kasi magising si Zoe at ma stress pa dahil sa kanya.

He remembered last night when she woke up. Gulat na gulat ito ng makita siya.

What am I doing here?

Zoe! Its good that you're awake. Nakangiti siya ng makitang nasa huwisyo na ang babae.

I.. I wanto to go home. Nagpilit itong tumayo pero agad ding napahiga ng makaramdam ng hilo.

Whoah! Just take it easy. Alam mo bang ilang araw kang may lagnat?

Huh? S-si Sherri....

Don't worry ok. Nanduon si Rowena.... Tila naguluhan si Zoe kaya idinagdag niya... Si Mrs Rodriguez.

Napatango si Zoe. Agad niyang ininit ang soup at saka sinubuan si Zoe. Pero hindi pa man nangangalahati ay umayaw na ito.

Nagtangka itong tumayo, pero pinigilan niya.

I need to go to the... bathroom. Nahihiyang sabi ni Zoe.

Ok wait for me. Aniya. Dinala niya ang pinagkainan nila sa kitchen, pero gaya ng inaasahan niya kumilos mag isa si Zoe. She almost fell on the floor. Binuhat niya ito at dahan dahan na itinayo sa loob ng banyo.

Please Cael. I- Im ok now.

Sige.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon