Chapter Forty Two

137 8 3
                                    

Nagaayos ng gamit si Sherri sa kwarto. Huling araw na nila sa Hawaii. Napaka daming nangyari pero natutuwa naman siya.

Paano ay sila na ni Denver!

Kahit siya ay hindi makapaniwala na magiging sila. Sa sobrang sungit sa kanya ng boss niya, hindi niya naisip na may gusto pala sa kanya ng lalaki.

Inalala ni Sherri ang nangyari ng umagang iyon ng mapansin nilang tila naglilihi si Zoe.




Iniiwas ni Sherri ang tingin kay Cael nang banggitin nito ang ginawa niya kagabi.

Nahiling niya na sana hindi siya isumbong ng lalaki kay Denver..
Nuon naman lumabas si Zoe. Naka sundress ito bitbit ang baso na wala ng laman. Umupo sa pagitan ni Denver at Cael. Nagumpisa itong mangulit sa asawa at nawala ang atensiyon ng mga tao sa kanya.

Lihim na nagpasalamat si Sherri sa pagdating ng ate niya.

Sweetheart saan mo gustong pumunta? Tanung agad ni Cael sa asawa.

Mamulot tayo ng shells. Sagot ni Zoe habang nagpapak ng hotdog.

Isinasawsaw niya ito sa strawberry jam bago isubo. Ang lapad ng ngiti ni Zoe habang nails ng naman si Sherri. Parang bata si Zoe sa ikinikilos nito.

Napangiwi si Cael sa ginagawa ni Zoe. Hindi na ito nagdalawng isip kung naglilihi na nga ang asawa.

Cael...ahhh...sabi ni Zoe sabay lapit ng hotdog sa bibig ng una.
Nanlaki ang mata ni Cael sa pinipilit na isubo sa kanya ni Zoe. Tila nagpapasaklolo ito na tumingin kay Sherri pero nginisihan niya lang ito. Napatingin si Cael kay Denver pero pinadilatan siya nito.

Walang nagawa si Cael. Pikit matang isinubo niya ang hotdog na may jam. Mabuti at hindi ito nasuka. Dahan dahan na nginuya ang hotdog saka pilit na ngumiti sa asawa.

Sarap noh? Tanung pa ni Zoe.

O-oo nga ....masarap nga. Nakangiwing sagot nito.

Nakatutok siya sa mag asawa kaya di niya napansin na nakatitig sa kanya si Denver.

Denver...baling ni Zoe sa katabi. Mamulot tayo ng shells ha. Isasama natin si Sherri. Padamihan tayo ng shells. Sabi nito habang ngumunguya ng hotdog. Nanunulis tuloy ang nguso nito.

Natawa si Denver.

Dapat magpa check up na kayo. Sabi niya sa dalawa. Tumango naman si Cael.

Tumayo na sila pero kinuha ni Zoe ang pinggan ng hotdog at bote ng jam. Oh sweetheart, gusto mo bang dalhin yan sa beach? Tanung ni Cael. Tapusin mo muna yung pagkain mo. Bawal magdala ng food malapit sa dagat.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon