Chapter Three

319 6 6
                                    

Katatapos lang niya magligpit ng mesa at naghahanda na siyang umuwi. Naisend na rin niya ang email na hinihingi ng senior manager mula sa sales division.

Kanina ay nilapitan siya ni Aliyah at niyayang mag bar. Kahit na alam naman nito na panay ang tanggi niya, hindi nito nakakalimutan na yayain siya tuwing may lakad ang mga ito.

Sure ka ba? Paniniguro ni Aliyah. Napangiti si Zoe ng tumango.

Maghihintay si Sherri. Hindi iyon natutulog hanggat di ako dumadating. Sagot niya.

Ang swete talaga ng sister mo. Sige mauna na kami ha? Kumaway pa si Tanya na kasama ni Aliyah bago tuluyang umalis ang mga ito.

Matapos imisin ang papel  na kalat, dinampot na niya ang bag at isinukbit sa balikat. Napangiwi si Zoe ng maisip na dapat sa kwarto ng COO siya nakapwesto. Kung di lang sana ibinenta ng mama niya ang share nila sa Expoland, mas mataas sana ang  posisyon niya.

Nagapply siya sa kumpanya ng tito Duarte niya dahil iyon ang bilin ng papa niya nung huli silang mag usap. Hindi naman niya akalaing aatakihin pala iyon ng sakit niya.

Natigil ang pagmuni muni niya ng mahagip ng ilong niya ang bangong galing sa kwarto ng COO. Noon lang niya napansin na palabas na pala si Cael.

Napakurap kurap pa siya ng makita ang pares ng singkit na mata ni Cael. Direktang naka titig sa kanya. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin at kunway inayos ang gamit niya. Pagbaling niya nakatayo ito sa tapat ng mesa niya at matamang nakatingin sa kanya.

Sir? Awtomatikong tanung niya sabay atras dito. Tumaas ang kamay ni Cael at hinawakan ang pisngi niya. Nagulat siya. Tila libo libong boltahe ng kuryente ang naramdaman niya sa hawak na iyon.

Zoe you look pale, are you ok? Tanung ni Cael.

Napansin nito na lumingon lingon siya. Are you looking for someone? Napapitlag siya ng marinig ang boses nito sa malapit sa kanya.

Nahigit niya ang hininga ng maramdamang halos magkadikit na ang mga katawan nila.
Nagugulumihanang tiningnan niya ito.

Sir. I think you should move. Tinigasan niya ang boses niya ng bitawan ang mga salitang iyon sa kabila ng sobrang kaba na nararamdaman niya. Nai invade na kasi nito ang personal space niya.

Napatiim bagang naman ang lalaki. Hindi maiwasang alalahanin ni Zoe ang nakaraan. Tahimik na bata si Cael at madalas na naiiwan ito sa kanila. Maliit pa noon si Sherri kaya naman mas madalas na ito ang kasama niya. Dala dala ang comic books niya, sa may garden sila tumatambay ni Cael. Binabasahan niya ito ng mga kwentp sa comics at nakikinig naman ito.

Close sila nuong mga bata pa sila at alam niyang gentleman si Cael. Nagkalayo sila ng dalhin ito sa America. Hindi malayong nagbago na ito hindi lang dahil sa lugar na kinalakhan kundi hatid rin ng pagbabagong dulot ng magkaiba nilang estado.

Im sorry Zoe...I just... Hindi na nito tinapos ang sasabihin. Humakbang ito ng isa palayo sa kanya. Pero hindi umalis.
Halika na. Ihahatid kita sa inyo.

Napamaang siya dito.
Ihahatid?

May kotse ako Sir.

Na nasa talyer ngayon Zoe. Dont look at me like that. Kanina nag taxi ka lang ng dumating, nakita kita mula sa parking space ko.
Nakangiting sabi nito.

He looked so damned gorgeous with that smile.

Hindi niya maiwasang humanga dito. Alam niya na marami sa opisina ang may crush sa boss niya. Alam din niya ang usapusapan na playboy si Cael. Umano, noong nasa US pa ito, iba iba ang kasama nito sa bars  bawat gabi. Napayuko si Zoe.

Hold your horses Zoe Lee. Hindi na kayo magka level.

Walang imik na lumakad na siya palayo dito. Alam niya na gusto siyang kausapin ni Cael pero umpisa pa lang ay sinopla na niya ito. Ayaw niyang makipaglapit kay Cael. Hindi kasi niya maipaliwanag ang kaba sa dibdib niya tuwing lalapit ito. Mula pa noong una niya itong makita sa opisina, kaiba na ang nararamdaman niya para dito.

Nagulat siya ng hatakin nito ang kamay niya papasok sa private elevator pagtapat nila duon. Hindi na siya nakatanggi. Pinindot nito ang button papuntang basement.

Tahimik silang dalawa at tila parehong nakikiramdam.
Magsasalita pa sana siya ng humarap sa kanya si Cael at walang sabi sabing hinawakan ang mukha niya at inangkin ang mga labi niya.

Itutulak sana niya ito pero nahawakan na ng lalaki ang dalawang kamay niya. She opened her mouth to scream at him pero ginamit ni Cael ang pagkakataon na yon para palalimin ang halik nito.

Napapikit siya when his tounge invaded her mouth.

Zoe. Do something! Sigaw ng utak niya.


Napakapit siya sa polo ni Cael at unti unting nadadala ng marahas na paghalik nito sa kanya. Halos mapugto ang hininga niya pero hindi siya makatanggi. Tila nawalan siya ng lakas ng magdikit ang katawan nila. Isinandal siya ni Cael sa elevator doors. Ramdam na ramdam niya ang arousal nito.

Sandali itong huminto at nakahinga siya. Sunod sunod ang ginawa niyang pagsagap ng hangin. Napasubsob pa siya sa dibdib nito. Zoe was gasping for air. Hindi siya makapaniwala na puamayag siyang gawin ni Cael sa kanya iyon.

Hinawakan naman nito ang pisngi niya at hinawi ang buhok niyang nakakalat sa mukha niya.
Tinitigan siya nito at pakiramdam niya, matutunaw siya.

Napapikit siya. Nagiisip. She can't let him do this. Ayaw niyang mapabilang sa mga babae nito.
Tumunog ng bell ng elevator, indicating nasa basement na sila.
Nakakuha siya ng pagkakataon at ubod lakas niya itong itinulak saka nagtatakbo palabas.

Hindi ito inaasahan ni Cael kaya nawalan siya nga panimbang at natumba, kasabay ng pagsara ng pinto ng personal elevator niya.


Nagmamadaling tumakbo si Zoe at hindi siya huminto hanggat hindi siya nakalabas sa building.
Dirediretso siya sa park at naupo sapo sapo ang ulo.

This is going to complicate things.

Ahhh! anu ba kasing naisip ni Cael?! Mukha ba akong isa sa bayarang babae niya?

She look at herself. Hindi naman daring ang suot niya. May pagka konserbatibo pa nga ito. She tug at her hair in annoyance. Maya maya pa kumalma na siya.  Hindi niya alam kung gaano ba siya katagal na nakaupo sa bench. Inayos niya ang sarili.



Lumilingon lingon pa siya baka biglang sumulpot si Cael sa harap niya. Nakahinga isya ng maluwag ng walang nagpakita sa kanya hanggang makasakay siya ng taxi pauwi.




Mula sa malayo nakatingin si Cael kay Zoe. Pinagalitan din niya ang sarili. Alam niya na mas magiging mailap na si Zoe  sa kanya . Kaya lang hindi rin niya maintindihan, ng sumara ang elevator tila nawala siya sa sarili di niya mipaliwanag kung bakit niya ginawa iyon.

Nakita niyang lingon ng lingon si
Zoe at parang natatakot pa. Iniisip siguro na bigla siyang dadating at tatangayin ito.

Napasuntok siya sa manibela. Zoe looks so stricken and lost ng nakaupo ito sa park bench. Naihilamos niya ang kamay sa mukha.

Paano kung mag resign si Zoe sa Monday? Ano na ang gagawin niya. Magulo ang isip na sinundan niya ang taxi na sinasakyan ni Zoe. Magbabantay na lang muna siya sa labas ng bahay nito.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon