Hustong anim na buwan matapos makalabas sa ospital ay nagpaalam si Zoe na papasok sa opisina. Pero hindi siya pinayagan ni Cael. Ilang araw nilang pinagtalunan ito pero hindi talaga napahinuhod ni Zoe ang asawa.
Sweetheart stay here na lang..
Lambing ni Cael sa asawa ng makita niyang nakasimangot na si Zoe.Hindi na rin naman kailangan pa nitong pumasok. Money isnt an issue between them.
Ikaw kaya dito, tapos ako sa opisina nang malaman mo kung paano maburyong dito ng mag isa. Hindi maiwasan ni Zoe na magtampo. Pakiramdam niya kasi ay nakakulong siya sa kanilang condo. Humalukipkip siya at lumayo kay Cael.
Ilang ulit na siyang nagpabalik balik sa mall. Saglit lang siyang naaliw. Kasama pa nga niya si Sherri at Cael noon. Naglaro sila sa arcade saka kumain sa restaurant.
Minsan naman ay nagpunta sila sa exhibit ng painters sa Japan Expo pero hindi naman iyon palagi.
Nilapitan ni Cael ang asawa.
Bumalik na ang pagiging masayahin ni Zoe at ikinatutuwa iyon ng lahat. Pero siya lang ang naiiwan mag isa sa condo. Kahit si Mrs Rodriguez ay lumalabas kasama ng ilang kamag anak nito samantalang siya ay naiiwan mag isa. Naghihintay sa pag uwi ni Cael o kaya ni Sherri.Paminsan minsan napapanaginipan pa rin nito ang nangyari, pero hindi na kasing dalas ng dati at hindi na rin ito nag pa panic.
Nang hindi kumibo ang asawa ay padabog na umupo ito sa sofa at pinindot ang remote. Naghanap ng magandang channel sa cable.
Napangiti si Cael. Kdrama marathon na naman ang gagawin nito. Tinabihan ni Cael at sinuyo ang asawa. Ipinatong niya ang baba sa balikat ni Zoe saka tumingin sa palabas.
Tila bata naman na palipat lipat ng channel ang babae. Nang magsawa ay nilakasan nito ang volume.
Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Kasi wala kang magawa kundi manuod niyang mga koreano mo. Panunukso pa ni Cael sa asawa. Nahuhumaling itong manuod ng grupong SS501. Gayundin ang korea drama. Hinalikan niya ang pisngi ni Zoe pero umiwas lang ito. Napakunot noo si Cael. Mukhang malaki ang tampo ni Zoe at di madadala sa paglalambing niya.
Gawa na tayo ng junior. Bulong niya dito.
Magtigil ka! Saway ni Zoe matapos na halikan ni Cael ang leeg niya.
Tse! Huwag mo kong daanin diyan sa karinyo mo Cael.Tumayo ito pero bago pa siya nakalayo hinila na siya ni Cael.
Natumba sila sa sahig. Aww.. Sabi ni Zoe hinihimas ang siko.Oh..sorry sweetheart... Tiningnan ni Cael ang siko nito na namumula saka pinagahahalikan ito. Sumalampak ng upo si Zoe sa carpet. Hindi nawala ang pagkainis nito. Dati ay nadadala siya sa mga paglalambing ni Cael pero iba ngayon.
Hinawakan ni Cael ang mukha ng asawa. Malungkot ang mga mata ni Zoe. Tiyak niya na mag uumpisa na naman itong mag isip kapag hinayaan niya. Niyakap niya ito. Pasensiya ka na. Please understand me. I'll not worry knowing na nasa bahay ka. Isa pa pwede ka namang mag shopping with your sister. Safe na sa labas. Ayoko lang na mapagod ka pa sa work. Hindi na naman kailangan.
Bumuntong hininga si Zoe. Naisip din niya na tama si Cael. Kahit siya kapag lumalabas sila ni Sherri hindi siya nagpapaka kampante. Palagi niyang tinitingnan ang paligid niya.
Kahit na wala ng nakaambang panganib ay nagiingat siya.
Ayaw niyang maranasan ng kapatid niya ang pinagdaanan niya.Napangiti si Cael ng makitang naka pout na naman si Zoe. Bigla niya itong kinabig at hinalikan. Noong una ay tila tuod ito. But he suck on her lips like its candy. Napasinghap si Zoe hanggang sa gumanti na rin ito ng halik. Tumaas ang kamay nito at napasabunot sa buhok ni Cael habang kinakabig niya ito.
Maybe its time that they try having their own family. Nasisiguro niya na mas magiging masaya sila.
Dahan dahan niyang itinayo si Zoe saka hinapit niya ito sa bewang. Sweet heart...tulog na tayo...bulong niya dito.
Napahagikgik si Zoe ng pangkuin niya at ipasok sa kwarto. Maingat niya itong ibinaba sa kama.
Lets take a vacation para naman makalanghap ka ng sariwang hangin. Bulong niya habang pinapaliguan ng halik ang mukha nito. Ungol lang ang naisagot ni Zoe. Naglalakbay na kasi ang kamay niya at nadadala na ito ng agos.
He grinned on Zoe's skin. Dadalhin na lang niya ito sa Hawaii, naisip ni Cael. Noon dumilat si Zoe at nakangiting hinila siya at hinalikan.
Hindi na nag atubili si Cael. He promised to love Zoe and he showed her how much. Zoe moaned his name till they were both tired and sated.
Anne, please ask Sherri to go to my office. Bilin ni Denver sa supervisor ni Sherri.
Na promote si Tara at si Anne ang pumalit dito. Si Sherri naman ay isa nang senior consultant, gaya ng posisyon ni Zoe nuon.
Hinarap ni Denver ang mga papeles sa mesa niya. Kailangan niya iyong tapusin. Gustong gusto niyang sumama sa anyaya ng kapatid na magbakasyon sa Hawaii. Pwede naman niyang iwan kay Marco ang opisina.
Kanina tinawagan siya ni Cael at humingi ng one month vacation para kay Sherri. Balak daw nitong pumunta sa Hawaii tapos ay tutuloy sa Caribbean para sa isang cruise.
Sumama ka na din bro. Para naman hindi ma bore si Sherri. Baka mainggit sa amin ni Zoe at sagutin ang makilala niyang blue eyes dun. Natatawang yaya sa kanya ng kapatid.
Nag check siya ng schedule at nadismaya ng makitang dalawa ang naka schedule niyang meeting na isang linggo ang pagitan. Hindi maaaring i re schedule dahil ilang ulit na irong nagawa.
Sir nandito na si Ms. Lee. Pagbibigay alam ng secretary niyang si Hannah. Ito ang ipinalit niya kay Mildred.
Ok let her in. Sagot niya.
Tahimik na pumasok si Sherri. Tiningnan niya ito. Naka short pink dress ito na pinatungan ng gray cardigan. Walang make up maliban sa lipgloss na nasa labi nito.
Still her presence makes him hold his breath. Para itong anghel na maamo ang mukha.
Ngumiti ito ng makitang nakatingin siya.Sir ipinatawag niyo daw ako?
Tanong nito at agad siyang sumagot. Inabala niya amg sarili sa pag fill up ng isang form habang nakikipag usap dito.
Oo. You'll be given a one month leave, effective tomorrow.Nagulat si Sherri. Sir? Nagtatanung ang mga mata nito.
Magbabakasyon daw sila Cael sa Hawaii tapoa me cruise pa. So he requested a one month leave. Gusto nila na kasama ka nila. Sabi niya dito habang pinipirmahan ang papel na kailangan nitong ipasa sa HR.
Iniabot ni Denver ang papel kay Sherri. Binasa naman ito ng huli.
Ahm..hindi ako makakasama kasi may meeting ako in a weeks time.
Sabi ni Denver at napatingin sa kanya si Sherri.Paki sabi na lang kay Cael. Dagdag agad niya.
Tumango si Sherri. Thankyou sir.
Tumayo na ito at ihinatid niya pa sa pinto. May...may lakad ka ba mamaya? Naitanung niya dito bago niya ipinagbukas ng pinto.
Ah..wala sir. Didiretso ako sa bahay kasi masama ang pakiramdam ni tita Weng. Sagot naman ni Sherri.
Ganun ba. Sige, take care.
Nakangiti niyang sabi dito saka ibinukas ang pinto.Tanaw ang elevator mula sa pinto niya kaya hinintay pa niyang makasakay ito sa elevator bago siya bumalik sa loob.
Hinayang na hinayang siya. Tila mahihirapan siya dahil parang ang tagal yata ng isang buwan na hindi niya makikita ang mukha ng dalaga.
BINABASA MO ANG
a Love Story
NouvellesTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊