Chapter Twenty Two

144 7 5
                                    

Nagkulong si Sherri sa isa sa mga stall sa loob ng comfort room. Tahimik na umiiyak. She cant help the hurt from Denvers assumption. Malinaw naman ang sinabi ni Matt kanina at hindi niya maintindihan kung bakit ganun pa rin ang sinabi nito.

Sa totoo lang, gusto na niyang umuwi dahil sa ginawa nito. Gusto na niyang magsumbong kay Zoe. Hinahanap niya ang maglambing sa ate niya ngayon.

She sat on the closed lid of the toilt bowl. No Sherri? You have to be stronger than this. This is a test so you have to get past it! Sherri talked to herself. Naalala na naman niya ang mga mata ni Zoe na palaging natatakot. Paano kung bibigay siya ng ganun na lang?

Nagpahid siya ng luha at lumabas sa stall.  She made a resolve para maging matatag. Kailangan niya yun hindi pwedeng habang buhay siyang aasa sa ate niya. Hindi rin pwedeng uuwi siya dahil napagalitan siya ng boss niya.

Lumabas siya ng comfort room at bumalik sa pwesto niya sa IT department.  Hindi na siya bumaba para mag lunch. Nawalan na siya ng gana. Naisip niya na tapusin ang ginagawa. Marami ding ledgers ang nalaglag at kailangan na naman niya itong i file ng maayos.

Sobrang busy siya at ni hindi na niya napansin ng dumaan si Matt kasabay ang mga ka team nito. Tatlong teams kasi ang bumubuo ng IT department. Napailing lang lalaki ng makitang gumagawa siya. Mukhang nahulaan nito na nasermunan siya ng boss nila.

Naka tanaw  si Denver sa mga kulumpon ng empleyado na lumalabas at nag lunch break. Exactly 12:00 noon ay break ng buong opisina. Duarte has this rule na kailangan mag lunch on time. Naiiba lang ito kung may kliyente sila na kailangang asikasuhin.

Nasa lounge siya at nagbabasa ng dyaryo. Tanaw ang daan papunta sa mess hall ng building na siyang pinaka canteen nito. Bumaba siya kaninang 11:30 at mag aala una na sa relo niya.

Saan kaya kumain si Sherri?




Nakayuko si Sherri sa isa sa mga desk sa may IT department ng mabungaran ng matandang babae. Napailing siya. Mukhang hindi ito bumaba para kumain.

SHERRI POV

Napagod ako sa dami ng nakatambak na files. And looking at my work mukhang mahigit sa kalahati na ang nagagawa ko.

I felt so accomplished kahit pa sabihing nag file lang naman ako maghapon. I guess I have my full respect for clerks and filers now. Hindi madali ang mag file. Maalikabok pa.

I felt a big sleepy. Magpapahinga na lang muna ako dito. I'll just set my cellphone's alarm.

Nagising si Sherri sa ingay na gawa ng mga empleyadong nagsisibalikan sa mga pwest nito. Nang tingnan niya ang oras, may labing limang minuto pa siya. Nagulat siya sa paper bag na nasa tapat niya pagmulat ng mata.

Weird. Wala naman siyang natandaan na bumili siya ng tinapay kanina.

Nagtatakang tiningnan niya ang laman niyon.
Sandwich at coke in can ang nasa loob. Kanino kaya to galing? Noon niya napansin ang mapa na ipinangako ni Mildred kanina. Nasa ilalim ito ng paper bag.

Ipinatong niya ang bag sa ibabaw ng filing cabinet at saglit na nag inat. She went to the toilet para mag ayos ng sarili, then she went back to her work.

Hindi niya namalayan ang maghapon.

Hindi ka pa ba uuwi? Tanung  ni Cindy na sekretarya ni Ross. Nag angat ng tingin si Sherri. Sampung folders na lanv ang i fi file niya. Tapos na niya iyong ayusin kanina at ibabalik na lang niya sa loob ng cabinet.

a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon