Find her! Im paying you to find her and I need results!
Bahagya lang niya narinig ang sagot sa kabilang linya.
Napayuko si Cael. Hawak ang ulo ng isang kamay.
Its been a month mula ng huling makita niya si Zoe. Nag hire siya ng detective para malaman kung nasaan ito pero hanggang ngayon hindi pa rin ito nakikita.
Gabi gabi ay bumabalik sa isip niya ang araw na nawala si Zoe.
Cael. Si ate... Nanginginig ang boses ni Sherri.
Hindi siya agad naniwala kay Sherri. Kagagaling lang niya sa meeting at inisip niyang nasa comfort room lang si Zoe kaya wala ito sa mesa niya.
Tumawag siya sa intercom pero walang sumasagot.
Paglabas niya sa opisina, kinabahan siya ng makita ang isang note sa ibabaw ng table nito.
May emergency sa bahay.
I have to go home.Pinuntahan niya ang bahay nila Zoe at naabutan pa niya ang mga imbestigador na nagsisiyasat duon.
No sign of force entry.
Pero magulo sa loob ng kwarto ni Sherri. Naiwan pa ang kapares ng sapatos na suot ni Zoe ng umalis sila papuntang opisina.Nanduon din ang kotse nito at ang bag. Naiwan ang cellphone at wallet.
Its a case of kidnapping.
Hindi na rin natagpuan pa ang nanay nito.Ngayon bukod kay Mrs. Rodriguez ay may bodyguard na din si Sherri.
Pero ang isang tao na gustong gusto niyang makita at mayakap ay wala.
Zoe. Nasaan ka na?
ZOE POV
Baby. Umuwi ka may nangyari kay Sherri!
Nagmamadaling umuwi sa bahay nila si Zoe. Nanginginig ang boses ng nanay niya sa phone.
Anung nangyari kay Sherri?
Mahigitvisang linggo na, pinuntahan ni Cael si Sherri at balak sana nitong kausapin pero hindi raw nito hinarap ang lalaki.
Seryoso ang mukha nito. Alam niyang naiinis ito sa ginawang pagsisinungaling sa kanya. Pero pinakiusapan niya ito na pagpasensiyahan ang kapatid.
Tapos eto ngayon ang balita ng nanay niya.Pumasok siya sa bahay nila at nagmamadaling pumunta sa kwarto ng kapatid.
Wow. So totoo nga palang maganda ka. Sabi ng isang lalaki na nakaupo sa kama ni Sherri.
Sino ka? Nasaan ang kapatid ko?
Pasigaw na tanung niya. Nasaan si Sherri, sino ang mga tao na ito?
Bumaling siya sa pinto. Mama! Mama!Hinila siya ng lalaki at natumba siya sa kama. Bitiwan mo ko!
Tumawa lang ito. Pinagkakalmot ni Zoe ang lalaki at sinipa niya ito.
Nabitawan siya nito pero pagbukas niya ng pinto isang suntok sa sikmura ang nagpaluhod sa kanya sa sahig.Bago pa siya nawalan ng malay naramdaman niyang may bumuhat sa kanya.
Ngayon ay panay malabong kamalayan ang kasama niya. Gabi gabi ay hazy ang paligid niya. Samutsaring ilaw at maingay ang paligid niya. Hindi nga niya alam kung nananaginip ba siya o gising.
BINABASA MO ANG
a Love Story
Короткий рассказTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊