Cael left Ross in charge of the company. Masayang masaya siya ng pumayag si Zoe na lumabas ng bansa. Agad siyang nagpa reserve sa HongKong Peninsula.
Ipapasyal niya si Zoe.Umattend sila ng concert ng Limp Bizkit at kahit umiwas sila sa press, gaya ng hiling ng dalaga. May lumabas pa ring article tungkol sa kanila.
Binabasa ni Zoe ang dyaryo ng makita niya ang picture nila. Hindi naman halatang may relasyon siya nakaalalay sa siko niya si Cael at nakatingin sa kanya habang nagsasalita.
Kung mababasa man ito ni Sherri, hindi naman kaselos selos ang kuha nila. Although ang title ng article, "Is she the new apple of the eye of the young tycoon?" Espekulasyon at haka haka lang iyon.
Isang buwan na silang nagsasama ni Cael ng makausap niya si Sherri. Hindi na siya umuwi at mukhang nakabuti iyon dahil naging magiliw ito ng makusap niya sa phone.
Naka assign ako sa Magnum Hotel Sher. Pagbabalita niya dito. Binigyan ako ng room dito para sa mga empleyado. Kamusta ka na? Umiinom ka ba ng gamot sa oras?
OK, ate. Uhm.. Kamusta ka naman? Napangiti siya sa tinuran nito, pero agad ding nawala iyon sa susunod na sinabi nito. Ate nanliligaw sa akin si Cael.
A-anung sabi mo?
Uhm. Hindi pa naman nagsasabi pero duon din yon mapupunta. He always calls me and sends me flowers and chocolates.
Hindi nakaimik si Zoe. Totoong nagpapadala si Cael ng bulaklak at tsokolate pero iyon at dahil sa kanya. He wants her to feel better. Hindi naman niya naisip na mamimis interpret pala iyon ni Sherri. Hindi niya masabi sa kapatid na ang totoo.
She'd, baka naman friendly gesture lang...
No! Akala ko pa naman matutuwa ka lero ayan ka na naman. Sabihin mong totoo, gusto mo ikaw ang bigyan niya!
No, Sher. Ayaw ko lang na umasa ka.
Tumunog and doorbell at narinig niya iyon. Ibababa ko na to. Si Cael na siguro yan. I told you ate. huwag ka ng magulat. He will be my boyfriend soon.
Malamig na ang boxes nito, nawala na ang lambing.
Tita yun Caldereta. Paborito yan ni Cael. Hes already here..
Masayang tinig ang narinig niya ng mag utos ito.Pinariringgan ba siya ni Sherri?
Hindi niya napigilan ang sarili pinaalalahanan niya ito.
Sherri, please listen..Ate, I'm old enough to decide for myself kaya pwede ba, hayaan mo na ako.
Huwag kang mag alala kapag umayos ang health ko magtatrabaho na ako para mawala ako sa kargo mo.Gumuhit ang sakit sa dibdib ni Zoe. Hindi na naghintay si Zoe sa sagot niya agar itong nagpaalam. Naputol ang linya at napabuntunghinga siya.
Niyaya siya kanina ni Cael na sumama sa pagdalaw kay Sherri pero tumanggi siya. Ayaw niyang mahalata ng kapatid niya.
Napaka showy kasi ni Cael at sigurado siyang magwawala ang kapatid niya oras na malaman nito na Kay Cael siya nakatira.Itinupi niya ang mga damit na galing sa laundromat. Isa isang inayos sa closet. Sa condo ni Cael na siya nakatira. Kumuha na ito ng kapalit niya at ginawa siyang Assistant to the COO.
Gusto nga siyang patigilin ni Cael sa pagpasok sa opisina pero siya ang tumanggi. Ayaw niyang magkaruon ng chance na dito lang siya aasa. She still wants to maintain her independence.
BINABASA MO ANG
a Love Story
NouvellesTime and again, Love has proven itself. It is enough. Love conquers all. ----- Thanks for 11.2k reads 😊