Uky's POV
"Risa?" Nilapitan nya ito at sinuri ang muka. "Risa!" Bigla nyang niyakap si risa.
Bigla namang sumama ang tingin ko kay kuya.
"Kamusta ka na?" Tuwang-tuwang sabi ni kuya ghio kay risa habang hawak-hawak nya to sa balikat. "Ang tagal na nung huli kitang nakita."
Dahan-dahan inalis ni risa ang pag kakahawak ni kuya ghio sa balikatt nya.
"Ahmm, pasensya na ah,hindi kita kilala, e"
"Huh? Galit ka parin ba sakin?" Nag aalalang anong ni kuya ghio habang dahan-dahan syang lumalayo kay risa.
"Galit? Pasensya na, ha. Nag ka-amnesia kasi ako, naaksidente ako. Kaibigan ba kita?" Inosenteng tanong ni risa.
Tumingin sakin si kuya ghio na may pag-aalala sa kanyang mga mata, nag kibit balikan lang naman ko. Sa totoo lang hindi pa ako masyadong naniniwala kay risa. Parang may something.
"p-Pasensya na ah, oo, kaibigan mo ako. na-excite lang ako. Ang tagal kasi kitang hindi nakita simula nung--" Napahinto sa pag sasalita si kuya, naalala nya siguro yung huli nilang pag kikita ni risa.
"simula nung?" Huminga ng malalim si kuya.
"S-simula nung umalis ka ng walang paala." Pag sisinungaling ni kuya.
"Ganun? Pasensya na ha." Nakangiting sabi ni risa. Napangiti din si kuya.
Inianot saakin ni risa yung mga papeles na pinaabot sakanya ng sekritarya ko. Sinulyapan nya muna muli si kuya at ngumiti bago lumabas ng opisina ko. Napanga-nga naman ako ginawa dahil hindi ako makapaniwala.
Pairap kong inalis ang paningin ko sa pinto at tamad na tumingin kay kuya.
"Pweding umuwi ka na?" Irita kong sabi.
Nainis naman ako lalo nang ngumisi ito.
"What?" Iritang sabi ko.
"Wala." Natatawant sabi nya. "Uuwi na ako." Nakangiting sabi ni kuya.
Lumabas si kuya ng opisina ko na mahinang tumatawa. Inirapan ko naman sya. Inasikaso ko na kaagad ang mga papeles na dala kanina ni risa.
"Gusto kong umuwi ng maaga." Bulong ko na may kasamang samanng loob.
Lunch time. Lumabas ako ng opisina ko dahil tapos ko nang gawin ang mga gawain ko.
Gusto ko sanang kumain mag isa at lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko maiwasang silipin si risa sa office nya nang mapadaan ako doon, wala sya sa loob. Siguro nauna nang kumain.
Kasalukuyan kong hinihuntay bumukas ang pinto ng elevator. Medyo irita na ako dahil ramdam ko na ang gutom.
Nang sa wakas ay bumakas, muka kaagad ni risa ang nakita ko.
"Oh, ma'am, saan ang punta nyo?" Tanong sakin nito habang palabas ng elevator.
"Lunch." Walang ganag sagot ko sakanya.
"Binili na kita, oh." Itinaas nya ang plastic na hawak nya at pinakita sakin.
"No, thanks." Wala paring ganang sagot ko. Papasok na sana ako ng elevator nang marinig ko syang mag salita.
"Bibigay ko nalang to sa kuya mo. Nasa baba pa naman sya, e" Papasok na sana syang muli sa elevator nang bigla ko syang hatakin palayo doon.
SABI KO UMUWI NA SYA E!
Hinila ko si risa hanggang opisina ko.
Pabato kong binitawan ang kamay nya nang nasa loob na kami.
"Dito nalang pala ako kakain. Nakakatamad bumaba."
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.