Uky's POV.
Nandito ako sa sala ngayon, nakabukas yung tv pero di naman ako doon nakatingin. Iniisip ko na naman kasi sya, inaalam ko kung ano ba yung mga posibleng dahilan para iwan niya ako ng walang kahirap-hirap yung parang ang dali lang sakanyang sabihin na hiwalay na kami, na ayaw niya, na dahil iyon daw yung tadhana namin. Parang hindi nya ko minahal sa mga sinabi nya. Yung ginawa nya pang dahilan yung tadhana para pumayag lang akong hiwalayan sya.
Bwisit!
"Hoy tulala ka?" Tanong sakin ni kuya Ghio habang tinutusok tusok pa ang pisngi ko.
Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala sya.
Pinalo ko yung kamay nya.
"Ano ba para kang tanga!"sigaw ko.
Tatayo na sana ako nang biglang hatakin ako pabalik ni kuya sa sofang kinauupuan namin.
"Ano ba!" sigaw na baling ko sa kanya.
"Iniisip mo na naman sya?." Malumanay na tanong ni kuya ghio sakin.
"Hindi no!" tanggi ko.
Nagkibit balikan nalang si kuya at bumaling sa panonood sa Tv.
Pairap kong inalis ang paningin ko kay kuya bago tumayong muli. Umakyat ako sa kwarto ko at nilock ko ang pinto. Kinuha ko yung cellphone ko sa study table ko at naupo ako sa kama ko saka ko tinawagan si tuod.
"Hoy tuod nasan ka? Gala naman tayo ngayon."
"Tse! busy ako ikaw nalang gumala mag-isa mo!." Nailayo ko pa ng bahagya sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng bunga-nga nya.
"Wow ah at san ka naman busy? Sa jowa? Duh!" Sigaw ko din sa kanya.
"Baka may jowa ako?! Impakta to!."
"Ok sige ganyan ka naman, e. Hindi mo na ako mahal, walang kang kwentang bestfriend pinagpalit mo na'ko." Nagtatampong kunwaring sagot ko.
"Arrgggg! Fine! San mo ba gusto?." Bigla akong nangiti sa sinabi nya.
"Sige, wag na busy ka e. May problema pa naman ako kaya kita inaaya, sayang libre ko pa naman sana kaya lang ayaw mo, busy ka kamo kaya ako nalang mag-isa" Nag tatampo pang kunwaring sagot ko.
"Hoy uky Dela Cruz! Sasama na nga ako di'ba! Ang arte mo nanaman!."
"Okay sige yiiieeee! San tayo? anong oras?" Excited na tanong ko sa kanya.
"Aba! ikaw ang nag aya kaya ikaw ang mag isip!"
"Hmmmmm! Sa ano ahhh sa! Wala akong maisip na puntahan, e." Nawawalan ng pag-asang sabi ko sa kanya.
"Fine, punta nalang ako dyan sa bahay nyo mag dadala akong pagkain."
"Okay! Pakibilisan gutom na ko." Pasigaw kong utos sa kanya.
"Wow!" Angal nya pa.
" Sige bye na dalian mo ah, gutom na talaga ako, e. love you! " Pag papaalam ko sakanya.
Nahiga ako sa kama ko at tumingin lang ako sa kisame ng biglang may kumatok sa pinto ko. Si kuya.
"Uky, tara labas ka muna may papakilala ako sayo." Malumanay na sabi sakin ni kuya.
"Wait lang po." Sagot ko sakanya.
Nung narinig ko ang yabag ni kuya na palayo na, saka lang ako bumangon sa kama ko.
Humarap ako sa salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok bago ako lumabas ng kwrto ko at bumababa papuntang sala.
Nagugutom na ko nang sobra. nakakainis!
Pag baba ko bumungad sakin ang isang magandang babae.
" Hi." Bati niya saakin.
Natulala ako sa di ko malamang dahilan.
Her brown eyes para akong ginawang bato ng titigan nya ko sa mata, her lips hmm yum!
Wait! What?! Yum?!
Wth! Anong nagyayari sakin?"H-hi." Nauutal kong bati sa kanyan.
" Remember me, uky?." Agad na tanong nya sakin.
Nag taka naman ako sa tanong nya dahil parang ngayon ko lang sya nakita.
"No? What's your name?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"I'm Harrisa Dutch friend ako ng kuya mo. Nung nakaraang nag paparty ang kuya mo nandito ako, pinakilala nya ko sayo pero medyo lasing ka kasi nun kaya siguro hindi mo na ako natatandaan." Mahabang sabi nya.
Di ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya habang nag sasalita sya.
"Hey, uky, okay ka lang?." Nagtatakang tanong ni harrisa sakin at hinawakan nya ko sa pisngi ko.
Bigla naman akong bumalik sa realidad dahil parang nakoryente ako sa hawak nya.
"Ah-eh haha. Nagugutom na kase ako e." Palusot ko para alisin nya ang hawak nya sa muka ko. Pero sa totoo lang gutom na talaga ako.
"Hmm, ito may dala akong cupcakes." Nakangitin sabi nya.
"Tara na maupo na tayo at kainin na natin yang cupcakes na yan." Biglang singit ni kuya sa usapan namin.
Nauna silang dalawa pumunta sa sala. Ako naman ay nagpaalam na pupunta sa kusina para uminom ng tubig dahil parang natuyot yung lalamunan ko kanina.
My god! ano bang nagyayari sakin?!!
Nang medyo okay na ako, saka ako naglakad patungo sa sala pero bago pa man ako makarating sa sala, biglang bumukas ang pinto.
"UKY DELA CRUZ! NANDITO NA KO ITO NA YUNG LALAMUNIN MO!!" Pagpasok palang ni tuod sa pinto sumigaw na sya nang sobrang lakas.
Agad ko naman syang hinila papuntang kusina.
"Ano ka ba nakakahiya ka may bisita si kuya." Bawal ko sa kanya.
"Ay sorry naman hindi ko naman alam." Paumanhin nya.
"Sino naman yung bisita ni kuya ghio?" Tanong nya habang nilalapag yung mga pagkaing binili nya para sakin.
"Si Harrisa Dutch."
"What si harrisa?! Nandito yun nung nagpaparty kuya mo ah? yung maganda yung crush ni kuya mo." Pahina nang pahina ang boses nyang sabi sakin.
"What ever! tara dun na natin kainin yang pagkaing binili mo." Aya ko sa kanya sa sala.
Di ko alam kung bakit nawala ako ng ganang ipagpatuloy yung usapan namin.
Agad naman na kaming pumunta sa sala dala yung mga pinamili ni ivan.
Yes! Ivan Scot pangalan nya pero babae sya at maharot sya at speaker ang bunga-nga pero she's my bestfried, dahil sya ang takbuhan ko pag sobrang gutom na ako at may problema hahaha!.
Naabutan namin si kuya at si harrisa na may tinitignan sa laptop, nagulat ako nang biglang tumingin sakin si harrisa, nanindig yung mga balahibo ko sa di ko malamang dahilan. Nagkatitigan kami ng ilan sigundo. Naputol lang yun nung may biglang tinanong si kuya sa kanya dahilan para lumingon si harrisa at maputol ang titigan naming dalawa.
"Risa, okay lang ba kung blue yung kulay nun?" Tanong ni kuya sakanya.
"Oo, okay lang bagay na bagay nga, e." Then she smile, saka sya tumingin ulit sakin.
Ughh!
Oh my god anong bang nangyayari sakin?!
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.