Chapter 25

655 18 0
                                    

Uky's POV

Ilang araw na akong lutang, sumasakit na ang ulo ko, napapabayaan ko nanaman sarili ko. Ilang araw na naman akong hindi kumakain at nakakatulog nangg ayos. Alam kong nag-aalala na si kuya saakin pero malungkot kasi talaga ako kaya ako ganito, e.

kahit na ganon ang ginawa saakin ni risa, hindi ko parin magawang magalit sakanya. Nag tatampo, oo pero yung nagagalit, hindi.

Kahit na nasasaktan ako, kahit na nahihirapan ako at kahit na napupuyat, nagugutom at nauuhaw ako kakaiyak. Hindi ko magawang magalit sakanya. Iniisip ko nalang na may rason sya kaya sya nag kakaganun.

Sana nga merong rason.

Kahit na ayaw ng katawan ko, pinilit ko paring bumangon. Kumuha ako ng damit ko saka ako pumasok sa banyo para maligo.

Labag sa loob kong kumilos ngayon pero dahil iniisip ko si kuya na alam kong nag-aalala na sakin, pinili ko ang sarili ko.

Medyo nawala ang sakit ng ulo ko pagkatapos kong maligo. Hindi na ako nag suklay, bumaba ako sa kusina at naabutan ko si kuya na nag luluto ng agahan.

"Good morning." Bati ko kay kuya. Nag taka naman ako dahil di manlang ako tinignan ni kuya. Alam kong narinig nya ako dahil malapit lang ako sakanya, di ako sanay.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang manggas ng damit nya.

"G-good morning, kuya." Nakayuku kong bati ulit sakanya.

Narinig kong bumintong-hininga sya kaya agad ako tumingin sa mukha nya. Salubong ang mga kilay nito.

"Morning." Simpleng bati nya saakin at agad na nag tuloy sa pagluluto.

Napanguso naman ako dahil sa inasta nya, 'di ako sanay na ganto sya. Kapag kasi binabati ko sya sa umaga, niyayakap at hinahalikan nya ako sa ulo.

Niyakap ko sya sa tagiliran at nakangusong tumingin sakanya.

"Galit ka?" Tanong ko. Huminga muna sya nang malalim bago nya ako tignan.

Sakrastiko pa sya tumawa. "Sinong di magagalit sa ginagawa mo, uky? Nakikita mo ba ang sarili? Pinababayaan mo na ang sarili mo!" Lalo akong napanguso dahil sa sigaw nya. Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at nag paawa.

"Sorry na, kuya." Inirapan nya lang ako at ibinalik ang paningin nya sa niluluto nya. "Sorry na, kuya huhu!" Kunwaring iyak ko pa.

"Okay fine!" Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya. Hinarap nya naman ako at pinitik ang noo ko. Napanguso naman ako dahil sa sakit non. "Basta kumain ka ng marami ngayon at sa mga susunod na araw." Sabi nya habang mahinang pinipitik ang noo ko.

Bumuntong-hiniga muna ako bago sumagot. "Oo na! Sorry kuya kung pinag-aalala kita palagi." Naiiwas ko ang paningin ko sakanya dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"Okay lang basta wag mo na uulitin yon, naiintindihan mo?" Nakangiting tumango ako at niyakap syang muli.

Natapos ang niluluto ni kuya, kumain agad kami, kahit na sobrang dami nyang nilagay na ulam at kanin sa plato ko, inubos kong lahat iyon dahil ayaw ko na syang magalit.

Nasa kalagitnaan ako ng pag huhugas ng pinag-kainan namin ni kuya ng may biglang mag doorbell. Hahakbang na sana ako nang senyasan ako ni kuya na sya na ang mag bubukas ng pinto.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag huhugas. Narinig kong bumukas ang pinto.

"Ano ang kailangan mo?" Dinig kong sabi ni kuya.

"Hinahanap ko po si uky." Nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Nandoon sya sa loob. Pumasok ka." Dinig kong sabi ni kuya. Binilisan ko ang pag huhugas ng huling plato at agad akong lumabas ng kusina. Hindi ko na sila nakita sa harap ng pinto kaya, pumunta na agad ako sa sala.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon