5.

4.7K 71 14
                                    

Harrisa's POV.

Nagising ako dahil sa init na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nang igalaw ko ang ulo ko, agad na sumakit ito at napapikit akong muli.

Ayoko nang mag-inom!

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at naramdaman kong dumulas ang kumot sa balat ko. Agad akong napatingin sa katawan ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakahubad ako.

Naramdaman kong gumalaw ang kama kaya napabaling ako sa tabi ko. Nakita kong may babaeng walang damit, likod lang yung nakikita ko sakanya dahil natatakpan ng kumot ang iba pang parte ng katawan nya, pero kilala ko sya.

Oh no! no no no no!

Biglang nag flashback yung mga nangyari kagabi.

Gumalaw pa sya at umikot pabaling sakin. Nakita kong nakapikit pa sya kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko saka dahan-dahang ibinaba ang paa ko sa lapag para di magising ang nasa tabi ko. Nang maibaba ko na ang mga paa ko, bumaling muli ako sa  katabi ko at nawindang ang buong pagkatao ng makitang nakadilat na sya at nakatingin sakin.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat at mabilis na napaupo sa kama, naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko at alam kong pulang-pula na ako.

Tinabing nya sa katawan nya ang kumot, ako naman ay kinuha ang malaking unan saka itinakip sa katawan ko.

"Ahhhhhhhh!!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si uky.

"Uky, okay ka lang?!" Nagkatinginan kaming dalawa ni uky ng biglang kumatok si ghio sa pinto, sabay kaming tumingin sa pinto at nagkatinginan ulit kami.

"K-kuya okay lang ako, may nakita lang akong ipis!" Sagot ni uky na kinabigla ko.

"Papasukin mo ko, uky!" Sigaw ni ghio sa labas.

"Kuya naka hubad kam-, ay este ako kuya! Mag bibihis muna ako!" Sagot muli ni uky.

Bumaling sakin si uky at sinenyasan na magbihis na ako, agad ko namang pinulot ang mga damit ko at mabilis na sinuot iyon.

"Nakahubad?! Bakit ka nakahubad?!" Tanong ni ghio.

"A-ano kase magpapalit ako ng damit!" Palusot ni uky.

"Ahh sige, teka nandyan ba si risa?" Nagkatinginan ulit kami ni uky sa huling sinabi ni ghio.

"Ah k-kuya oo nandito sya, tulog pa nga e!" Sagot ni uky sa kuya nya.

"Ah sige, bilisan mo magbihis dyan, pakigising na rin si risa, mag almusal na tayo!"

"Sige kuya!" Sagot ni uky at narinig namin ang mga papalayong yabag.

Nang masiguro na wala na nga si ghio sa harap ng pintuan, agad akong humarap kay uky at medyo nabigla ng makita kong nakatingin na sya sa akin.

"S-sorry." Hingi ko ng paumanhin sakanya.

"Ano bang nangyari?" Tanong nya sakin. Kita ko sa muka nya na kinakabahan at naguguluhan sya dahil siguro sa mga nakita at nangyayari ngayon.

"May nangyari." Simpleng sagot ko.

Kita ko sa mukha nya na naguluhan sya sa sinabi ko at ilang saglit lang nakita kong lumungkot ang itsura nya.

"Hindi ko maalala." Tangigng sagot nya saakin.

Napakagat labi ako ng dumako ang paningin ko sa balikat nya.

"Hoy bakit ganyan itsura mo?" Nagulat ako ng batuhin ako ng unan ni uky.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon