Uky's POV.
Nag tataka na si kuya saakin. ilang-araw na kasi akong lutang, hindi rin ako kumakain nang maayos, panay pa akong puyat kaya ang laki na ng eye bags ko.
ughhhhh! Pumapangit na ako sa totoo lang!
Ilang araw na rin akong hindi nakakaligo. Amoy mandirigma na ako.
Hindi ako makakilos ng maayos parang napapagod agad ako kahit saglit lang ako gumalaw.
Hanggang ngayon walang paramdam si risa sakin.
Wala ba syang balak mag paliwanag? Mahalaga ba ako sakanya? Mahal nya ba talaga ako?
Napahinga nalang ako nang malalim dahil sa mga naiisip ko.
Ayoko pa sanang bumangon sa kama ko pero kailangan dahil naiihi na talaga ako. Napadaan ako sa malaking salamin sa kwarto at napasimangot ako dahil sa itsura ko.
Sabog-sabog ang buhok ko, ang laki ng eye bags ko, namumutla rin ako. Namamaga ang dalawa kong mata dahil sa kakaiyak ko. Ang pangit ko.
Ano ba naman yan, ang pangit na nga ng nararamdaman ko, ang pangit ko pa.
Ang sakit na ng nararamdaman ko, ang sakit pa sa mata ng itsura ko. No choice ako kailangan ko na talagang maligo. Kaylangan ko nang ayusin ang sarili ko.
"Hayy." Bugtong-hininga ko. Napatakip ako ng ilong dahil ang baho ng hininga ko.
Pag katapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na agad ako para kumain. Kumulo kase yung tyan ko habang naliligo ako.
Kakabukas ko palang ng ref namin ng may biglang magsalita.
"Himala lumabas ka sa lungga mo ngayon?" Sinara ko ang ref at bored na tinignan si kuya.
"Nagugutom ako, e." Inirapan ko sya at pumunta sa lamesa.
"Ano bang problema mo?" Tanong ni kuya sakin pero hindi ako nagsalita. Ilang sigundong katahimikan ang lumipas bago ulit sya mag salita. "Uky, kung ano mang problema mo, pwedi mo naman sabihin sakin. Kuya mo parin naman ako." Hinawakan nya ang buhok ko at ginulo iyon. "Pag ready ka na mag sabi saakin, lapitan mo lang ako kahit busy ako." Hinalikan nya ako sa ulo. "Alis na ako." Umalis si kuya at naiwan akong mag-isa sa kusina.
Gusto ko man sabihin kay kuya pero hindi pwedi dahil alam kong mag-aaway kami at maraming madadamay.
Pag katapos kong kumain , umakyat ulit sa kwarto ko at nag palit ng damit na pang-alis.
Gusto ko ulit gumala muna, gusto kong mawala muna sa isip ko yung mga problema ko kahit ngayong araw lang.
Kahit ngayong araw lang.
Nasa gate palang ako ng may biglang nag text sakin. Umasa ako na sya yon pero hindi.
Okay lang ang nireply ko kay ivan at nag tuloy na ako sa pupuntahan ko.
Nag lalakad palang ako papunta sa kanto namin nang mapadaan ako sa park dito sa lugar namin.
May mga batang nag lalaro at may mangilan-ngilang nag lakad at nag jajogging.
Nakatingin ako sa mga batang nag lalaro ng may biglang bumunggo sakin dahilan para mapaupo ako.
"Aray." Daing ko ng maramdamn kong sumakit ang pwetan ko.
Itinayo ko ang sarili ko at pinag-pagan ang sarili ko.
"Ano ba yan di tumitingin sa dinadaana---" naputol ang iba ko pang sasabihin ng mapatingin ako sa sakanya. Mukha syang masungit, medyo matangkad sya sakin, singkit, maputi at ang... ang ganda nya.
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomansaGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.