Chapter 34

132 4 3
                                    

Uky's POV.

Talagang nabigla ako sa mga sinabi ni risa. Parang may biglang dumagan sa dibdib. Hindi ko alam mararamdaman ko.

Hindi ko alam kung maiinis o malulungkot ako.

Ang hirap namang mag mahal. Kailangan ba talagang humantong sa ganto?

Alam kong nadasaktan ko si kuya pero nadasaktan din ako, nasasaktan nya din si risa.

Parang ayoko nang paalisin si risa sa tabi ko. Natatakot ako na baka hindi ko na ulit sya makita.

"Bakit ganun yung sinabi mo? Hindi ka na talaga mag papakita sakin kapag natapos na tayo dito?" Hindi sumagot si risa. Niyakap nya lang ako ng mahigpit.

"Iiwan mo na talaga ako?" Pilit kong tinatanggal ang pag kakayakap nya sakin pero hindi ko magawa.

"Thank you, uky." Hinalikan nya ako sa pisngi. "Thank you for everything. Thank you sa memories. Thank you sa pag mamahal at tiwala na binigay mo sakin." Hinalikan nya ako sa labi.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko hindi na talaga sya mag papakita sakin pag katapos nito.

Ayaw tumigil ng luha ko kahit anong pigil ko. Nasasaktan ako.

"Sana maintindihan mo 'tong gagawin ko. Para sayo at sa kuya mo naman 'tong gagawin ko." Hinawakan nya ako kamay ko at hinalikan iyon. "Ayokong masira kayo ng kuya mo. Ako nalang yung mag aadjust kahit masakit, kahit mahirap. Gagawin ko 'to kasi mahal kita." 

Inilagay nya ang kamay ko sa pisngi nya at tinitigan nya ako sa mga mata.

"Sana maintindihan mo ako. Mahal kita, uky. Sobra." Nag simulang malaglag ang mga luha sa mata nya.

Niyakap ko sya nang mahigpit. Iyak parin sya ng iyak kagaya ko.

Hinalikan nya ako sa ulo. Hihiwalan na sana sya sa pag kakayakap nya nang higpitan ko ang yakap ko sakanya.

"No, no please? Wag mo akong iwan. Isama mo nalang ako." Umiiyak na sabi ko.

Hindi sya nag salita. Pilit nya tinatanggal ang braso kong nakayakap sakanya.

Bigla namang pumasok si kuya ghio sa kwarto. Pinag hiwalay nya kami ni risa. Nakaharang sa harap ko si kuya ghio. Hindi ko makita si risa na nasa likod nya.

"Kuya." Pilit kong hinahawi si kuya pero hindi sya tumitinag.

Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako. Unti-unting nag didilim ang paningun ko pero pinilit ko paring hawiin si kuya para makita ko si risa. Nang maitulak ko si kuya, nakita ko ang pag sara ng pinto. Wala na si risa.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako na may doctor na sa kwarto ko. Pinapagalitan si kuya ng doctor.

Sa mga nag daang araw hindi ko kinakausap ng matino si kuya. Isang tanong, isang sagot lang ako pag dating sakanya.

Minsan gusto nyang makipag-usap sakin pero hindi ko sya pinapansin. Minsan naman nag kwekwento nalabg sya basta, pero hindi ko sya binibigyang-pansin.

Ang sama ng loob ko sakanya. Nag sakripisyo si risa para hindi kami mag away ni kuya pero heto ako, hindi pinapansin si kuya. Walang pakialam sa mga ginagawa nya.

Kada makikita ko sya parang nasisira agad yung araw ko.

Nagagalit din ako kay risa. Parang ang bilis nya naman akong sinuko? Mahal nya ba talaga ako? Minahal nya ba talaga ako?

Lumipas ang araw, bwan at taon. Hindi na nag paramdam si risa. Dalawang taon na nung huli ko syang makita. Ang huli kong balita sakanya sumunod sya sa magulang nya dun sa State.

Two years ago din napag disisyunan kong mag aral ulit. Nag business management ako.

Okay naman ang pag-aaral ko. Hindi naman ako masyadong nahihirapan. Nalilibang ako at natututo.

Si kuya may girlfriend na. Hindi ko parin kinakausap ng matino si kuya. Kapag nag tatangka syang kausapin ako, isang tanong-isang sagot lang ako sakanya.

Lumayo yung loob ko kay kuya. Kada mag mag kikita kaming dalawa, humihingi sya ng pasensya sakin. Pasensya daw sa mga ginawa nya noon. Chu chu chu, blah blah blah.

Hindi ko sya pinapakinggan kapag nag sosorry sya. Hindi ko pinapakinggan yung mga paliwanag nya.

Lumipat na din ako ng bahay. Isang taon na ako doon. Nasisira kasi talaga ang araw ko kapag nakikita ko si kuya.

Sa dalawang taon na lumipas puro aral lang ang ginawa ko. Minsan gumigimik din ako kapag inaaya ako ng mga classmates ko.

Kinekwento nga sakin ng mga kaklase ko na may binabanggit daw akong pangalan kapag lasing ako pero hindi nila maintindihan dahil pabulong ko lang daw iyon binabanggit.

Lumipas pa ang isang taon. Umuwi sila mama at papa galing ibang bansa. Kahit na ayokong pumunta sa bahay, napilitan parin ako para kala mama. Ayoko mang makita si kuya, kailangan ko syang makita dahil gusto kong mayakap at makausap sila mama at papa.

Kumain lang kaming apat sa labas. Nag kwento sa mga buhay-buhay namin. Tinanong ako nila mama kung ayos lang pag-aaral ko. Si kuya naman ay tinanong yung negosyong pinapatakbo nya. Tinanong din kami tungkol sa mga lovelife namin. Syempre si kuya lang ang nakapag kwento. Ako ito, parang walang balak mag mahal muli.

Nang makauwi. Doon na ako pinapatulog ni mama sa bahay ni kuya pero tumanggi ako. Kahit anong pilit nila hindi ako pumayag. Nag dahilan nalang ako na may mga assignment pa akong gagawin.

Isang bwang nandito sila mama at papa, kaya isang bwan kong nakikita si kuya.

Hayys!

Last day na nila ngayon. Nasa Enchanted Kingdom kaming apat. Napag disisyunan nila mama at papa mag date ng solo. Iniwan kaming dalawa ni kuya.

Hindi na ako nakatanggi dahil umalis agad silang dalawa. Gusto ko pa sanang tumanggi pero hindi nila ako pinapakinggan.

Mag lalakad na sana ako palayo kay kuya nang tawagin nya ako.

"Uky, pwedi ba tayong mag usap?" Hindi ko sya pinansin. Napairap pa ako sa hangin.

Mas gusto ko pag mapag isa kesa makasama at makausap si kuya.

Nag lakad ako palayo sakanya. Tinatawag nya ako pero hindi ko sya pinapansin.

Akala ko hindi ako sinundan ni kuya. Nabigla ako nang may biglang humawak sa braso ko.

"Uky, mag usap naman tayo. Ilang taon na tayong ganto."

Umirap muna ako sa hangin bago ako tumingin sa mga mata nya.

Pinilit kong alisin ang pag kakahawak nya sa braso ko.

"Kuya, pweding next time nalang? Masama kasi pakiramdam ko, e." Pag sisinungaling ko. Humawak pa ako sa ulo ko at nag panggap na masakit iyon.

Tinalikudan ako agad sya nang tumanggo sya.

"Sure yan ha?" Huling sabi nya bago ako mag lakad papalayo sakanya.

Kinabukasan, hinatid namin sila mama at papa sa airport. Sasakyan ni kuya ang gamit namin kaya wala akong choice.

Nang makaalis na ang eroplano nila mama. Lumabas na agad ako ng airport at nag hintay ng taxi. Hindi ko na hinintay si kuya.

Habang nag hihintay ng taxi, biglang pumarada sa harap ang sasakyan ni kuya. Pinipilit nya akong sumabay sakanya pero hindi ako pumayag kahit anong pilit nya.

Ayoko syang makasama sa iisang sasakyan. Parang hindi ako makahinga.

Lumipas muli ang mga taon. Puro aral ang inatupag ko. Hindi na ulit kami nakapag usap ng ayos ni kuya. Yung sinabi kong next time nalang kami mag-usap, hindi natupad.

Gusto kong makatapos agad para may maipag-malaki na ako sakanila.

Gusto ko na agad makapag trabaho para hindi na nila pakialaman ang buhay ko.

Gusto kong makatapos agad para mahanap ko na si risa.

Hindi ko alam. Kahit na galit ako kay risa, gusto ko parin sya makita. Gusto kong marinig yung mga paliwanag nya.

Gusto kong marinig ang sorry nya.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon