Uky's POV
"Ge na, baba ka na." Nakangiting sabi sakin ni risa.
Nandito pa kasi ako sa loob ng sasakyan nya dahil ayokong bumaba. Gusto ko pa sya makasama, e.
"Maya-maya na." Naka-ngusong sabi ko sakanya at yumakap pa ako sa braso nya. "Gusto pa kitang makasama."
"Uky, mag kikita pa naman tayong dalawa bukas."
"Fine, pero kiss mo muna ako?" Yumakap ako sa leeg nya ako nilapit ang labi ko sakanya. "Ge na, baba na ako, bye na." Bumaba naman na agad ako sa kotse nya. Nginitian at kinawayan nya muna ako bago nya paandarin ang sasakyan nya.
Nakangiti at palundaglundag pa akong naglakad papasok sa gate namin hanggang sa makarating ako sa pintuan ng bahay namin.
Hahawakan ko palang yung doorknob nang biglang bumukas ang pinto. Napakamot nalang ako ng ulo nang makita si kuya.
"Bakit ngayon ka lang?" Nag crossarms si kuya at deretso ako tinignan.
"A-ahmm... May dinaanan pa si risa." Palusot ko. Tinaasan nya maman ako ng kilay kaya napanguso ako.
"Pumasok ka na namili ako ng ice cream." Sabi ni kuya bago ako talikudan at pumasok sa loob ng bahay.
Whoooooo ice cream!!!
Someone's POV
Nandito ako sa harap ng bahay ni risa. Gusto ko sana syang maka-usap. Gusto kong mag paliwanag.
Bababa pa lang sana ako sa kotse ko nang makita ko si risa na lumabas ng gate nila. Napangiti ako pero nawala rin iyon nang makitang may kasunod syang babae, nainis ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ni risa at mag kahawak kamay silang lumapit sa sasakyan ni risa.
B*llsh*t?!
Hindi ko na nagawang makagalaw dito sa sasakyan ko kaya hinintay ko nalang sila sumakay at paandarin ang sasakyan. Nang umandar ang sasakyan ni risa. Medyo pinalayo ko muna sila bago ako sumunod para hindi ako mahalata.
Huminto ang sasakyan ni risa sa harap ng isang simpleng pero malaking at magandang bahay. Kahit malayo ako at medyo madilim, kitang-kita ko kung pano sya yakapin at halikan nung babae. Naikuyom ko nalang ang kamay ko at napahampas sa manibela.
Bakit ang bilis nya akong palitan?! B*llsh*t!
---Risa's POV
Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko yung ginawa ni uky sakin kanina. Kinikilig ako na ewan.
Malapit na ako sa bahay nang mapansing kong may sumusunod na sasakyan saakin. Nakita ko na yong sasakyan na yon kanina bago kami umalis ng bahay pero hindi ko nalang pinansin. Baka kase parehas lang talaga kami ng ruta. Para makumpirma ko kung sumusunod nga o hindi yong sasaktan sakin, imbis na ideretso ko yung sasakyan ko papuntang bahay, niliko ko ito papunta sa tulay. Konti lang naman ang dumadaan doon kaya doon ko nalang naisipan pumunta.
Nakita kong sumunod parin sya sakin. Kahit medyo kinakabahan huminto ako sa gilid ng daan at bumaba ng sasakya. Huminto din ang sasakyan hindi kalayuan sa pwesto ko.
Agad akong lumapit don at kinalampog ang bintana ng sasakyan nya.
"Hoy! ano bang problema mo? Bakit mo ako sinusundan?!" Sigaw ko kahit hindi ko alam kung naririnig nya ba ako o hindi. Hindi ko sya nakikita sa loob dahil printed ang salamin ng sasakyan nya.
"Ibaba mo 'tong bintana mo!" Sigaw kong muli habang sumesenyas. Binaba nya naman ang bintana nya at laking gulat ko nang makita kung sino ang nakasakay doon.
"H-heejin..."
"Hello... Love." Talagang idiniin nya ang pagkakasabi ng love.
What the hell?!
---Uky's POV.
Kanina pa ako tawag nang tawag kay risa pero hindi nya sinasagot. Text din ako ng text pero wala akong reply na natatanggap. Nag-aalala na ako sakanya. Limang oras na kasi ang nakalipas simula noong ihinatid niya ako rito sa bahay.
"Nag-aalala na ako sayo risa, naiinis na rin ako." Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.
Ilang oras pa akong nag hintay ng text at tawag nya hanggang sa makatulugan ko na ang pag hihintay.
Pag dilat ng mata ko, cellphone ko agad ang kinuha ko baka kasi nag text na o nag miss call si risa, pero wala. Kahit isang text, wala.
Minutes, hours, Days and weeks ang lumipas walang paramdam si risa. Hindi ko alam kung nagagalit, naiinis o namimis ko lang talaga sya. Dalawang linggo na kasi ay wala parin akong balita sakanya.
Nag tanong na ako sa ibang kaibigan nya pero hindi raw nila alam kung nasaan si risa, kaya napagdisisyonan ko na syang pumunta sa bahay nila.
Kuya nya lang ang naabutan ko sa bahay nila. Tinanong ko kung nasaan si risa. Nasa bataan daw ito pero hindi nya alam kung saan yung mismong lugar.
Nalungkot ako sa nalaman ko. Bakit hindi manlang sya nagpaalam?
Kaya ito ako ngayon nag kukulong sa kwarto, minsan hindi pa ako kumakain, kumain man ako ay konti lang. Wala kasi akong gana.
Sinubukan ko ulit tawagan si risa pero hindi nya parin talaga sinasagot. Napabuntong hininga nalang ako at sumalampak sa kama ko. hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Ilang araw na akong hindi lumalabas ng bahay kaya naisip ko ngayong araw na mag mall. Stress na stress na rin ang itsura ko kaya naisip kong pumunta sa parlor.
Kumain muna ako bago ako pumunta sa parlor. Pinaiklian ko ang buhok ko. Hindi ko alam ang tawag sa style na'to, sumugal lang ako sa style ng buhok na'to. Worth it naman dahil talagang bumagay saakin.
Nang matapos ako sa parlor, kumain muli ako. Naisipan ko bigla mag sine. Matagal na rin nang huli akong nanood ng movie sa sinehan.
Gusto kong matanggal si risa sa isip ko kahit ngayong araw lang. Gusto kong mag relax kahit ngayong araw lang.
Nawala naman si risa sa isip ko nung mga oras na nanonood ako pero bumalik na naman sya sa isip ko nang lumabas ako ng sinehan.
Palabas na sana ako ng mall nang may makita akong pamilyar na tao. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, naexcite din ako.
"Risa!" Sigaw ko sakanya. Hindi nya ata ako nadinig dahil medyo maingay dito sa mall at dahil malayo rin ako sakanya. "Risa!" Sigaw kong muli. Nadinig na nya ako pero hindi nya alam kung nasaan ako kaya lilinga-linga sya. Nag lakad ako papalapit sakanya. Napahinto ako sa pag lalakad nang biglang mag tama ang mga mata namin. Nginitian ko sya pero nawala rin ang ngiti ko nang may biglang humawak sa braso nya.
"Love, bakit?" Tanong sakanya nung babae. Ilang segundo pa nya akong tinignan bago sya bumaling sa babae.
"W-wala naman. Tara na." Nginitian sya ng babae at hinatak si risa paalis.
Hindi na muling tumingin si risa saakin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit, maiinis, malulungkot o masasaktan ako.
Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi dito sa bahay. Iyak ako ng iyak kanina pa. Ang sakit-sakit nung nakita ko kanina.
Risa bakit? Bakit mo ginawa sakin to?
----
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.