Uky's POV
Anim na tao na nung huli kong makita si risa. 26 years old na ako at successful na. Hindi ko magawang mahanap si risa dahil sa sobrang busy ko.
Busy ako kakaasikaso ng mga business ko. Nakakapagod at wala akong time mag bakasyon.
Nakakapagod pero nag eenjoy naman ako. Bukod sa masaya ako sa ginagawa ko, Lumalaki pa ang pera ko.
Sa totoo lang kada oras, araw at bwan. Hindi mawala sa isip ko si risa. Galit ako sakanya pero may part sa pagkatao ko na gusto syang makausap. Sa totoo lang din kaya hindi ako nag babakasyon dahil kapag tumugil ako kakatrabaho. papasok at papasok si risa sa isip ko. BAka imbis na mag bakasyon ako, hanapin ko lang sya.
Masakitg parin hanggang ngayon.
Nag babasa ako ng mga papeles dito sa office ko nang biglang pumasok ang sekretarya ko.
"Nandito na po yung mag a-apply, ma'am." Sabi ng sekritarya ko.
"Papasukin mo na sya." sabi ko sa sekretarya ko.
Narinig ko ang pag sara at pag bukas muli ng pinto. Nakatingin parin ako sa papeles ko at hindi nag abalang tignan kung sino ang pumasok.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkilos nya. Umupo sa sa upuang nasa harap ng lamesa ko.
"Sinabi ko bang umupo ka?" pataray kong sabi pero hindi parin ako tumitingin sakanya, nasa mga papeles parin ang mga mata ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis nyang pag tayo. Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sa ginawa nya.
"Sungit naman nito." mahina nyang sabi pero narinig ko parin.
Biglang bumilis ang tibok ng puson ko dahil pamilyar ang boses nya.
Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko kung sino iyon.
"R-risa?" Biglang nanginig ang mga kamay ko.
"Harrisa po. harrisa Dutch." Pag tatama nya sakin.
Nag taka naman ako sakanya. Yung tingin nya sakin parang kakaiba. Parang hindi nya ako kilala.
"Kaibigan ko po ba kayo?" Tanong nya sakin kaya lalo akong nag taka. "Naaksidente po kasi ako 3 years ago kaya ito po, wala akong maalala. Pasensya na ha." Nakangiti nyang paliwanag.
Hindi ko alam ang ire-react ko. Nag halo-halo nanaman nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim at pinagkaititgan sya. Baka kasi nag sisinungaling sya. Pero walang bahid ng pag sisinungaling sa muka nya.
Ang inoinosente ng itsura nya. ang inosente ng tawa nya.
"Ang ganda naman ng opisina mo." Sabi ni risa habang inililibot ang paningin nya sa buong opisina ko. "Ang aliwalas tignan, kaya lang masungit may ari." Pahina nang pahina ang boses na sabi nya.
Napangit nalang ako sa sinabi nya. Pinilit ko ang sarili kong kumalma. Baka kasi kung anong masabi ko sakanya.
"Umupo ka na." Kalmado kong sabi. Umupo naman sya agad habang inililibot parin ang paningin sa opisina ko.
Nakangiting tumingin si risa sakin. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata nya. Nakakagaan ng pakiramdam yung tingin nyang yun.
"Ang ganda talaga dito." Malaki ang ngiting sabi nya.
"Nasabi mo na yan kanina." Kunwaring mataray kong sabi.
"Sungit talaga."Mahina nya ulit sabi pero narinig ko parin.
Hindi ko maiwasang titigan sya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi nya o hindi, e.
ang dami kong gustong sabihin sakanya pero hindi ko masabi dahil baka totoo yuung sinasabi nya.
"i-interview-hin mo ba ako o tititigan mo nalang ako mag hapon?" Bumalik naman agad ako sa realidad nang mag salita sya.
"Ahm, i'm sorry. Okay hindi ko na papahabain. Tell me about yourself." Pinakatitigan ko sya at hinintay ang sagot nya.
Huminga sya ng malalim at nakangiting tumingin sa mga mata ko. "sa totoo lang wala akong masyadong maalala sa sarili ko, alam mo na amnesia." Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa sagot nya. "Pero confident ako na kaya ko tong trabaho na to."
"Okay." Tangging sagot ko sa sinabi nya. "What attracted you to our company?" Sunod kong tanong sakanya.
"You." Nabigla ako sa sagot nya. "Ang ganda kaya ng kumpanya nyo. ang dami ko ngang nadidinig na magagandang bagay tungkol sa company na to. Naging inspirasyon kita no. Kaya nga gusto kong mag apply bilang sekritarya mo."
"Walang kwenta mga sagod mo risa, umayos ka."
"May isa pa pala!" Sigaw ni risa habang nakataas ang isang kamay. "Malaki din sahod hehe!"
Natampal ko nalang ang noo ko sa sagot nya.
Kung hindi lang mag papakasal tong sekritarya ko hindi naman ako mag hahanap ng iba.
Si risa palang nai-interview ko ngayong araw, sumasakit na aga ulo ko.
May dalawa pang sumunod kay risa na initerview ko. Nag dadalawang isip ako kung sino yung pipiliin ko sa dalawa, parehas kasi silang qualified. Si risa naman hindi ko alam ang gagawin sakanya.
Gusto kong makausap ang kuya nya pero wala naman akong idea kung nasaan. Wala na akong ibang maisip na paraan kung di ang...
"Ngayo ang simula ng training mo para maging sekretarya ko. Kapag hindi mo inayos papalitan agad kita kaagad. Naiintindihan mo?"
"Yes ma'am!" Masiglang sagot sakin ni risa habang naka salute pa.
Isip bata talaga.
"Basahin mo lahat ng papele na'to." Inabot ng sekretarya ko sakanya ang isang-damukal na papel. "Sabihin mo sakin kung dapat ko bang pirmahan yan o hindi." Sinamahan sya ng sekretarya kong lumabas ng opisina ko.
Nshilot ko nalang ang sintido ko dahil sa ginagawa ko ngayon.
Kabaliwan to, risa. Ang tanga mo!
Gusto kong sabunutan sarili ko! Hindi ko na alam gagawin ko! PUNYETA!!!!
Qualified yung huling dalawa na interview ko pero si risa parin ang pinili ko. Wala na talaga ako sa katinuan. Gusto ko din makagawa ng way para makausap ang kuya ni risa. Gusto kong makumpirma kung totoo ba yung sinasabi ng gaga na to.
Ang dami kong gustong malaman ngayon. Ang daming paliwag ang kailangan ko galing kay risa. Gusto ko ding malaman kung saan at ano ang mgan ginawa nya sa nakaraang anim na taon. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman lahat.
Sana gumana tong plano na to.
Ilang oras na ang lumipas wala paring risa na pumapasok sa opisin ko. Napag disisiyunan kong silipin sya sa office nya.
Napangiti nalang ako nang Makita ang itsura nya na tutok na tutok at salubong ang mga kilat sa binabasa nya.
"Ma'am?" Nagulat ako nang biglang mag salita ang sekritarya ko na nasa likod ko. Tinignan ko sya at sinamaan ng tingin.
Tumingin muli ako kay risa, nakatingin na ito sakin at nakangiti, kumaway pa muna ito bago bumalik nsa pag babasa sa mga papeles.
Hindi ko nanaman alam mang mararamdaman ko. Malungkot,nag tatampo galit? Ewan ba. Pero may isa akong sigurado. Masaya. Masaya akong nanditong muli si risa.
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.