Chapter 17.

2.8K 44 4
                                    

Risa's POV.

Simula nung lumangoy ako palayo kay uky, hindi ko na ulit sya nakita kaya umahon ako sa pool para hanapin ito.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong swimming pool area baka sakaling makita kong muli si uky doon pero wala, kaya napagdisisyunan ko nang mag banlaw baka kase nasa kwarto na namin sya.

Papasok na sana ako ng restroom nang marinig ko ang boses ni ivan.

"Nahahalata ko na kayo ni risa. Halata na girl wag mo na itago, bestfriend mo ako. Kayo na no?"

"S-sorry ivan, sasabihin ko naman sayo humahanap lang talaga ako ng tyempo."

Medyo nagulat ako nang marinig ko ang boses ni uky. Kaya hindi muna ako pumasok, medyo sumilip ako sa pinto para makita sila at pinakinggan ko pa muna ang usapan nila.

"Gusto mo ba talaga sya o nangu-ngulila ka lang kay dindo?" Tanong ni ivan kay uky. Bugtong-hininga lang ang sinagot sakanya ni uky.

"Alam mo girl kung yun yung nararamdaman mo, putulin mo na agad yung ugnayan nyo ni risa, kase masasaktan mo lang sya."

Bigla namang sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko.

"Tara na nga baka hinahanap na tayo." Aya ni ivan kay uky.

Medyo gumilid naman ako para hindi nila ako makita.

Nangungulila lang ba talaga si uky sa ex nya?

****


Uky's POV.

Akala ko magagalit sakin si ivan saakin. Nahalata nya na pala. Hindi ko na nagawang itanggi dahil nga halata na at dahil bestfriend ko sya. Alam nya kung may tinatago ako sakanya.

Kumain muna kami ni ivan bago ako nag paalam sakanya na aalis na ako dahil gabi na at nilalamig na ako. Bumalik na ako sa kwarto namin ni risa dahil baka hinahanap na nya ako. Hindi kasi sinabi sakanya kung saan ako pupunta.

Pag-pasok ko sa kwarto, nagulat ako nang hindi ko makita si risa. Akala ko nandito na sya dahil hindi ko na sya nakita mula nung nasa umahon pool area kami.

Nasan na yon?

Tumuloy na ako sa cr para makaligo na agad, nilalamig na kasi talaga ako. Nakita ko yung swimsuit na suot ni risa kanina, nandito sa cr kaya nabigla ako.

Galing na sya dito? Nasan na yun?

Binilisan ko na ang pagligo ko para mahanap ko na agad si risa. Nag alala ako bigla.

Bago ako magbihis tinext ko muna si risa, tinanong ko kung nasan sya pero wala akong natanggap na reply. Hanggang sa matapos ako mag bihis. Naka-ilang tawag na rin ako sa numero nya pero hindi nya sinasagot.

Habang hinahanap sya sa may beach, tinatawagan ko parin sya pero hindi parin nya sinasagot. Kinakabahan at nag-aalala na ako, dahil kalahating oras na akong nag hahanap sakanya.

Tinext ko na rin si ivan pero hindi sya nag reply, kaya tinawagan ko na sya pero nakapatay naman ang cellphone nya. Hindi ko naman alam yung number nung mga kaibigan ni risa.

Sh*t! Nasan ka na ba?!

Naiiyak na ako dahil sobrang nag-aalala na ako sakanya. Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa may nakita akong lalaking may inaalalayang babae palabas sa bar. Napatakbo agad ako palapit dito dahil namukaan ko yung inaalalayan nya.

"Hoy anong ginagawa mo sakanya?!" Sigaw ko sa lalaki.

"Wala po miss. Inaway nya po kase yung isang costume namin sa loob kaya po inilabas ko muna sya."

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon