9.

3.4K 62 2
                                    

Harrisa's POV.

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila uky. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o uuwi nalang.

Tatlong araw kase akong hindi nag paramdam sa kanila. Tatlong araw kong inisip kung bakit ganto yung nararamdaman ko kay uky, at tatlong araw akong di makatulog dahil sa sinabi sakin ni ghio.

'Mahal kita, risa.' Napangiwi ako nang maalala ulit ang sinabi ni ghio.

Sinabi sakin ni ghio yan nung nasa kusina kaming dalawa.

Sorry ghio, hanggang kaibigan lang talaga.

Bumaba na ako ng sasakyan ko nang mapagdisisyunan kong tumuloy.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano haharapin si ghio. Maayos naman ang pag papaalam namin sa isa't-isa pero nahihiya parin ako.

Kinakabahan din ako kay uky dahil hindi ko sya pinansin bago ako umalis non, baka nagalit sya sakin. Hindi ko kasi alam mararamdaman ko nung mga oras na 'yon.

Sinabi sakin ni ghio na mahal nya ako at nakita kong hinalikan ni dindo sa pisngi si uky. Nag halo-halo na yung nararamdaman ko nung mga oras na yun.

Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa gate nila. Napahinto ako nang makita si dindo kakalabas lang ng pintuan at nakasimangot ito. Nanlaki ang mga mata nya ng bumaling sya sa kung nasaan ako at nakita nya ako.

Humakbang sya papalapit sakin. Masama ang tingin nya sakin na pinagtaka ko.

Nasa harap ko na sya, dinuro nya ako sa mukha. "Kasalanan mo to, e!" Tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi nya.

"Kasalanan mo talaga to, e!" Sigaw nya sakin. Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa saka ko sya inirapan at nagtuloy sa paglalakad.

Whatever.

Pumasok agad ako ng pintuan nila ng walang katok-katok.

Boss ako ,e. 

Nagulat ako nang makita ko si ghio na nakatigin at nanlalaki ang mga mata, nakabuka din ang bibig nya.

"H-hi?" Alanganing bati ko sakanya. Kumaway pa ako at pilit na ngumiti.

Bigla sya sumimangot at tinaasan ako ng kilay.

"Bakit ngayon ka lang nagparamdam!"

"Ahmm. Ano. Kase. Basta. Wag ka na ngang magtanong!" Inirapan ko sya at naglakad papunta sa kusina nila.

"Wow ah! Bahay mo 'to?!" Rinig kong sigaw ni ghio pero hindi ko na sya pinansin.

Nagtuloy na ako sa kusina. Nauuhaw din kase ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ko nang may mag salita sa likod ko.
"Nakakatampo ka!" Muntik ko nang maibuga yung tubig nainiinom ko dahil sa gulat.

Humarap ako sakanya at hinampas sya sa braso.
"Ano ba ghio, wag ka ngang nanggugulat. Kita mong umiinom ako, e!" Inirapan ko sya at tumalikod saka ko inubos ang laman ng basong hawak.

"Alam ko namang kaibigan lang tingin mo sakin, risa." Humarap ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Sorry, ghio." Tangging nasabi ko.

Pero napangiwi ako ng ngumiti sya at sabihing "Pero hindi ako susuko magugustuhan mo rin ako. Mamahalin mo rin ako." Ginulo nya pa ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko.

Napairap nalang ako sa hangi. "Whatever, ghio." Inalis ko ang kamay nya sa mukha ko at umupo sa upuan. "Nagugutom ako ghio, paghain mo naman ako." Nag puppy eye pa ako sakanya.

"Opo, boss."

Napairap sya sa hangin at kumuha ng plato at ng pagkain sa ref.

Pinagmasdan ko si ghio habang hinhanda ang kakainin ko.

Mabait naman si ghio. Masipag , maalaga at gwapo pero kaibigan lang talaga tingin ko sakanya. Matalik na kaibigan.

"Bilisan mo ghio, gutom na ako." Parang boss na utos ko sakanya.

Inirapan nya ako bumuntong hininga.
"Whatever, risa." Natawa naman ako sa sinabi nya.

*****


Uky's POV.

Kanina pa ako tapos maligo. Nakapag bihis na rin ako, parang walang talab yung pag ligo ko parang di naman umaliwalas pakiramdam ko.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon. Nakatulala nanaman sa kisame. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako.

Siguro miss ko lang si risa o si dindo o si ano. si ano. Basta!

Bumangon ako sa kama ko nang makaramdam ako ng uhaw.

Walang gana akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Para akong may sakit pero wala naman, nanlalambot lang talaga ako. Ewan ang weird.

May narinig akong tunog ng mga kubyertos galing sa kusina. Akala ko si kuya lang yung kumakain pero pag pasok ko sa kusina nakita ko si risa.

Nanlaki ang mga mata ko at napabuka ang bibig ko.
Natigilan naman sa pagsubo si risa nang mapansin ako sa pinto ng kusina.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Habol ko rin ang pag hininga ko.

Napabaling ako kay kuya ghio na katabi nya. Napasimangot ako agad ng makitang titig na titig sya kay risa .

Inirapan ko sila at nag tuloy sa ref. para kumuha ng malamig na tubig.

Pag kaubos ko ng isang basong tubig, nag salin ulit ako. Dadalin ko sa kwarto ko para hindi na ulit ako bumaba.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad, 'di ko na sila tinignan, wala na akong pakialam kung nakatingin ba sila saakin.

Pag akyat ko sa kwarto ko, nilapag ko ang baso sa side table ko at padapa na binagsak ang katawan ko sa kama.

Kusang ngumiti ang mga labi ko. Hindi ko napigilan. Pati ata gilagid ko lumabas nang ngumiti ako.

Nakadapa pa din ako nang may biglang pumasok sa may pinto ng kwarto ko. Napahiga ako bigla.

Bigla akong naranta ng makitang si risa iyon. Napa-upo ako at tinitigan sya sa mga mata.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

Ngumisi muna sya sakin bago tumalikod. Kala ko lalabas na sya pero sinara nya ang pinto at nilock ito.

Napalunok ako sa ginawa nya. Bumibilis ang tibok ng puso ko, nanlalamig ang mga kamay ko at pinapapawisan ako kahit naka-aircon naman ang kwarto ko.

Dahan-dahan syang lumapit sakin. Naka-upo parin ako sa kama ko. Bawat hakbang nya papalit sa kama ay umaatras ako.

Nakatitig parin ako sa mga mata nya. Ganun din sya saakin.

Umupo sya sa dulo ng kama ko. Ako naman ay na sa uluhan na ng kama kakaatras.

"A-ano bang ginagawa mo rito?" Tanong kong muli sakanya.

"May sasabihin lang ako." Nakangiting sagot nya sakin.

Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin sakanya.

"Pinaalam na kita sa kuya mo." Napatingin ulit ako sakanya. "Sasama kita sa beach bukas, dapat 7am ready ka na. Isama mo yung kaibigan mo o kaya isama mo yung ex-boyfriend mo." Tumayo na sya at naglakad patungo sa may pintuan.

Akala ko lalabas na sya pero humarap ulit sya sakin.

"Saka liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." Kinindatan nya muna ako bago binuksan ang pinto at lumabas.

Naiwan akong nakanga-nga at tulala sa loob ng kwarto ko.

Oh my god!

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon