Risa's POV.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung ihatid ko si uky sa kanila. Hindi ko na ulit sya nakita.
Nagkaka-text naman kami at nag tatawagan pero parang hindi sapat sakin iyon.
Hindi ako makapunta sa kanila dahil busy ako sa pag paplano sa business na gagawin namin ng kuya nya. Busy din sya dahil balak nya atang mag-aral ulit.
Kanina ko pa tinext si uky pero hanggang ngayon hindi sya nag rereply kaya tinawagan ko na sya pero di naman nya sinagot. Nakailang tawag na ako pero hindi parin nya sinasagot.
Baka naliligo o may ginawa?
Hayss!Pinatong ko ang cellphone ko sa lamesa sa tabi ng kama ko. Sumasakit ang ulo ko at gusto kong munang matulog. Padapa akong humiga sa kama ko at pinikit ang mga mata.
----
Napamulat ako bigla nang may biglang bumaksak sa katawan ko."A-ano ba uky!" Sigaw ko nang malaman kung sino yun. "Bakit bigla mong binaksak katawan mo sa katawan ko? Hindi ako makahinga bumangon ka nga!" Imbis na bumangon isinubsob nya pa lalo ang mukha nya leeg ko.
"Namiss kita, baby." Nanigas ako sa kinahihigaan ko ng biglang sabihin ni uky ko yon. Niyakap ko sya at hinalikan sa ulo.
"Namiss din kita. Sorry busy ako masyado."
"Naiintindihan ko naman yun, e."
"Oh, napunta ka dito, di'ba busy ka rin?"
"Okay na. May pinapabigay si kuya sayo na mga papeles para sa gagawin nyong business kaya napunta ako dito."
"Bumangon ka na nga para makabangon na rin ako." Utos ko sakanya pero hindi nya ako sinunod. "Uky, tayo na."
"Ayoko, mamaya na aamuyin muna kita, ang bango mo naligo ka na?" Tanong nya sakin habang inaamoy-amoy ang leeg ko.
"Hindi pa ako naliligo nakatulog ako, e. Bangon na uky, masakit katawan ko."
Hinalikan nya muna ako sa labi bago sya bumangon sa katawan ko at kinapa ang noo ko. "Medyo mainit ka nga, e. May sinat ka."
"Ligo lang katapat nito. Liligo muna ako."
"Oh baby, may dala nga pala akong pagkain, bilisan mo maligo."
Baby?
"S-sige bibilisan ko, dyan ka lang muna, ah?"
"Wag ka na mag tagal sa cr baka kung ano pang magyari sayo. Baka lumala yang sinat mo.
"Oo na, baby." Pumasok na ako sa banyo para makaligo na.
Pagkalabas ko ng banyo wala na si uky dun sa kama ko.
"Ang kulit sabi nang dito lang. Hayss." Nag bihis muna ako bago ako lumabas ng kwarto at bumaba.
Naabutan kong kausap ni kuya si uky sa may sala.
"Si risa, masarap magluto yan." Mayabang na sabi ni kuya kay uky, napairap naman ako sa hangin.
"Wow sana---"
"Uky sabing doon ka lang di'ba?" Napatingin silang dalawa sakin ng bigla akong mag salita.
"Gusto ko mag libot sa bahay nyo, e, ang laki kasi." Nakangusong sabi ni uky.
"Hayaan mo na, risa." Nakangiting sabi ni kuya.
"Nasan na yung papeles, uky? Pati yung pagkain na dala mo?" Tanong ko kay uky na nakaunguso parin.
"Yung mga papeles na sa may lamesa sa kwarto mo, yung pagkain na sa kusina nyo na." Tumingin sya kay kuya at tumingin ulit sakin. "Yung adobo naubos na ng kuya mo nasarapan ata sa luto ko." Bigla akong napatingin ng masama kay kuya, bigla naman syang kunwaring nagkukutkot ng kuko sa kamay.
"Kuya!"
"Ahm uky, may gagawin pa ako ah, alis muna ako bye hihi." Paalam ni kuya kay uky saka biglang tumakbo palabas ng bahay.
Parang tanga!
Bumaling ako kay uky at kita sa muka nitong naguguluhan sya sa inakto ng kuya ko.
"Bakit mo pinakain?" Tanong sakanya.
"Pinatikim ko lang naman sya, e. Nasarapan kaya pinakain ko na. Ahmm, meron pa namang sinigang dun luto ko din. Tara na?" Aya nya sakin at nagpatiunang pumunta sa kusina.
Mamaya ka sakin kuya!
Pagdating namin sa kusina ay ayos na ang lahat. Nakahain na.
"Upo na." Utos ni uky sakin. Umupo naman ako, sya naman ay umupo sa kaharap kong upuan.
Nagsandok na ako ng kanin at nilagyan ko ito ng sabaw ng sinigang
Susubo na sana ako ng mapatingin ako kay uky. Nakita kong nakatingin ito sa kutsara na hawak ko.
"Hoy uky, bakit?" Napatingin naman agad sya sa muka ko nang tawagin ko sya.
"W-wala naman , bilis na kain na." Nagkibit balikat nalang ako at agad na sinubo ang pagkain ko.
Ang sarap!
"Uky, ikaw talaga nag luto nito?" Tanong ko sakanya at sumubo ulit.
"O-oo, b-bakit hindi ba masarap?" Kabadong tanong nya sakin.
"Anong hindi masarap? Ang sarap nga, e!" Nakita kong malapad sya napangiti sa sinabi ko kaya napangiti din ako. "Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Kala ko kase hindi masarap, e." Nakangiti paring sabi nya.
Kinuha ko ang isang plato at nilagyan ng kanin at ulam na dala nya.
"Tikman mo sarili mong luto, masarap promise." Nakanginiting sabi ko sakanya bago ko ilapag ang plato sa harap nya.
"Uy para sayo yan, e." Tanggi nya pa.
"Kukutusan kita o kakain ka?" Pananakot ko sakanya kaya agad nyang kinuha ang isang kutsa at ginamit iyon para kumuha ng kanin at ulam sa plato atsaka sunod-sunod na sumubo.
"Easy lang uky, joke lang yun hahaha!" Napanguso naman sya sa sinabi ko. "Uky, pagluto mo ulit ako ng adobo ah, yung demonyong kuya ko kase patay gutom, e."
"Oo naman ikaw pa. Punta ka sa bahay pag may time ka na pag luluto ko kayo ni kuya ghio."
"Promise?" Tanong ko sakanya.
"Promise." Nakangiting sagot nya sakin.
Pagkatapos naming kumain ni uky, nilinis agad namin ang pinagkain namin. Ako ang taga sabon at sya ang taga banlaw. Kahit ganon lang masaya na ako, nag eenjoy na ako.
---+"Uy uky, 8pm na, ihahatid na kita baka magalit kuya mo."
"Dito ako matutulog may dala na nga akong damit, e, saka alam ni kuya dito ako matutulog."
"What?!"
"Ayaw mo ba?" Nakangusong tanong nya sakin.
"Hindi naman sa ganun pero bakit ngayon mo lang sinabi sakin?"
"Wala lang trip ko lang haha!"
"Dyosko, uky. Maglinis ka na ng katawan mo matutulog na tayo."
"Maaga pa, risa." Nakangusong ungot nya sakin.
"Malamig na masyado mamaya uky!"
"Oo na!" Sigaw nya sakin.
"Aba?! Wag mo akong sinisigawan ah, mas matanda ako sayo!"
"Oo na ate!" Napahilamos nalang ako sa muka ko dahil sa tinawag nya sakin.
Dyusko lord! Bakit sakanya ako nainlove?!
---
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomansaGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.