Risa's POV.
"Kuya pano nyo nalaman na ganto ako?" Tanong ko kay kuya.
Humingang malalim si kuya at sumandal sa sofa. "Hmm, nung nag gala kami nila mama at papa, inaaya ka namin nun kaya lang hindi ka sumama kasi sabi mo may pupuntahan ka."
"Tapos?"
"Habang nag lilibot kami nila mama nakita ka namin may kasama kang babae nun, kahawak kamay mo, tatawagin sana kita para makilala yung babae kala kasi namin kaibigan mo, nagulat kami nung hinalikan ka nya."
"Anong sabi nila mama?"
"Wala naman. Akala ko magagalit sila pero nung tignan ko sila nakangiti sila. Tinanong ko sila kung bakit hindi sila nagalit sayo ang sabi sakin ni mama, kung saan ka daw masaya hindi ka nila pipigilan." Nangiti ako sa sinabi ni kuya.
Ang swerte ko sa magulang ko.
"Risa, alam din naming na sobrang nasaktan ka noon, kahit hindi mo sabihin samin napansin namin yun, hinihintay naming mag kwento ka, kaya ka din pinadala nila papa sa ibang bansa dahil dun."
"Sorry kuya, natatakot kasi ako, e."
"Okay lang naiintindihan kita, namin." Nginitan ako ni kuya at niyakap ako. "Sasabihin ko na kala mama to ah? HAHAHA!"
"Kuya naman!"
"Nako little sis, wag kang mag-alala kela mama, wag mo silang problemahin di naman magagalit mga yun. Ang problemahin mo kung pano mo sasabihin kay ghio."
"Yun na nga iniisip ko, e."
"Malalaman't-malalaman yan risa. Walang sekretong di nabubunyag." Kumalas si kuya sa pagyakap sakin at tumayo. "Nako makapag bihis nga muna. Hoy ikaw risa, tulungan mo si uky dun."
Tumayo na din ako. "Oo na."
"Wait risa, may naisip ako." Dimonyong ngumiti si kuya kaya medyo kinabahan ako.
Holy hell!
----
Uky's POV.
Hindi ko mahiwa nang ayos yung gulay dahil nanginginig ang kamay ko. Kinakabahan ako at natatakot dahil nakita kami ng kuya ni risa, siguro pinapagalitan na sya ngayon.
Natatakot ako na baka pag-awayan nila mag kapatid yon. Natatakot ako na baka makarating din kay kuya to.
"Relax uky. Relax lang." Kausap ko sa sarili ko.
Mabagal ang kilos ko dahil nga nanginginig ang kamay ko, baka pag binilisan ko ay baka masugat ako.
Ano na kayang nangyari kay risa?
Nag-aalala na rin ako kay risa. Hindi ko naman nadidinig usapan nila dahil malayo ang kusina sa sala nila, kaylangan pang sumigaw para mag karinigan.
Sana hindi sila mag-away. Please lord.
Ilang minuto pa ang lumipas, wala parin si risa, alam kong susundan nya ako dito pag katapos nila mag-usap.
Kinakabahan na naman ako.
"Uky." Medyo nagulat ako nang tawagin ako ni risa.
Pag tingin ko sakanya, nakita ko agad yung malungkot nyang mukha."B-bakit? Okay ka lang ba? Bakit ganyan itsura mo? Nagalit ba sayo kuya mo?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Bugtong-hininga lang ang sagot nya sakin.
"Hoy! sumagot ka nga!" Yumuko sya at kinutkot ang kuko nya sa kamay na para bang may nakasingit na dumi doon. "Risa?" Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mga kamay nya.
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.