Chapter 27

901 21 4
                                    

Risa's POV.

Di ko namalayang nakarating na pala ako dito sa harap ng bahay nila uky. 30 minutes na akong nakatingin sa bahay nila. Bukas pa ang ilaw sa sala nila kaya alam kong may gising pa sa kanilang dalawa.

Natatakot ako sa gagawin ni heejin dahil dito sa ginawa ko, pero mas natatakot akong mawala si uky sakin.

Nakasara na ang gate nila kaya dito na sa gate kailangan mag dodoorbell, madalang magamit to, sa umaga kasi ay bukas yung gate. Kaya kung mag dodoorbell ka ay sa mismong pintuan na nila.

Nag-aalangan akong mag doorbell dahil baka si ghio pa ang gising. Hindi parin ako nag paparamdaman sakanya.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa gate, tinignan ko muna ang bahay nila uky bago ko pindutin ang doorbell.

Napaatras ako nang biglang bumukas ang pintuan, di ko matanaw kung sino yun dahil may kalayuan ang gate nila sa mosmong pinto ng bahay nila.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang may marinig akong yabag ng paa. Kinakabahan ako dahil baka si ghio to pero mas kinakabahan at natatakot pa ako dahil baka si uky ito.

Hindi ko alam kung bakit nadismaya ako nang si ghio ang nasa harapan ko ngayon.

"Oh risa, kamusta ka na?" Nakangiting bati nya sakin habang binubuksan nya ang gate. "Napadalaw ka nang ganitong oras?" Pumasok naman agad ako nang mabuksan nya ang gate.

"Matagal na kasi nung huli kong dalaw." Pag sisinungaling ko. Ngumiti naman sya kaya ngumiti din ako kahit pilit.

"May dala kapang cake ah?" Kinuha ni ghio ang box ng cake sa kamay ko. Hindi ko napansing nakabili pala ako nun. Pagkatapos isara ni ghio ang gate, agad na syang nag lakad papasok sa bahay nila kaya sumunod agad ako.

Nang makarating kami sa kusina, agad nyang binuksan ang kahon ng cake. Nanguha din sya ng plato at kutsara.

Pinapakiramdaman ko si uky , baka kase nasa sala sya o biglang bumaba dito galing sa kwarto nyan.

"N-nasan ang kapatid mo ghio?" Alaganing tanong ko sakanya.

Napahinto naman sya sa pag hiwa ng cake at tumingin sakin. "Na sa kwarto nya na. HindI na nga ako kinausap nung makauwi, napagod siguro dun sa pinuntahan nila."

"S-saan naman ba pumunta?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko naman talaga kung saan.

"Sa party kasama yung kaibigan nya."

"Pinasama mo sya sa party? Malamang may inuman doon pero pinayagan mo parin?" Di ko alam kung bakit naiinis ako, pinipigilan ko lang tumaas ang boses ko dahil baka mahalata ni ghio. Yumuko din ako at tumingin sa plato kong wala pang laman para di nya makita ang reaksyon ng muka ko.

Narinig ko syang bumuntong-hininga kaya napatingin ako sakanya. Nilagyan nya ng cake ang plato ko bago sya nagsalita. "Nitong mga nakaraang araw napapansin ko syang malungkot, kaya pinayagan ko sya sumama para naman malibang sya." Nakita ko ang lungkot at pag-aalala sa mata ni ghio kaya nakaramdam ako kunsensya. "Kumain ka muna." Nilagyan nya ng cake ang plato ko at nag simulang kumain.

Nakakatatlong subo palang ako nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin ako kay ghio nang tumayo ito.

"Saglit lang ah." Paalam nya. Tango lang ang isinagot ko ata agad na bumalik sa pagkain.

Nang makabalik si ghio, may dala na itong plastic, nasisiguro kong ice cream ang laman ng lalagyan na nandoon.

Bigla naman nag init ang ulo ko nang makita ko kung sino ang kasunod nya. Tinignan ko ito nang masama pero tinignan lang ako nito saglit at bumaling muli sa likod ni ghio.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon