Chapter 19

2.7K 35 5
                                    

RIZAxUKY💜

RISA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


RISA'S POV.

Nakatitig ako ngayon sa mukha ni uky, natatawa nanaman ako sakanya dahil nakanga-nga nanaman sya matulog. Pinatulog ko na si uky dahil marami pa akong gagawin. Hihintayin nya daw ako at sabay na daw kaming dalawa matulog ,nung sinabi ko na mauna na sya dahil marami pa akong gagawin, wala pa atang isang minuto nag hihilik na.

Nag-inat ako ng braso at binti bago ako tumayo, nangawit ako kakasulat at kakaupo. Pagtingin ko sa orasan nabigla ako dahil 2am na. Hindi ko na namalayan yung oras.

Nag punta ako sa banyo para maglinis para makatulog na rin. Pagkatapos kong maglinis at magbihis ng pang tulog, pinatay ko na ang ilaw at dahan-dahan akong sumampa sa kama para hindi magising si uky. Binuksan ko muna ang lampshade sa tabi ko para pag nagising si uky, hindi masyadong madilim.

Muntik na akong mapamura nang biglang bumangon si uky.

"Hoy uky, ano ka ba naman kala ko tulog ka na." Mahinang sabi ko. Nag taka ako dahil hindi sya sumagot, tinignan ko ang muka nya at natawa ako dahil nakapikit ito.

"Ano kayang napapanaginip nito." Hinawakan ko ang ulo at likod nya at dahan-dahan sya inihigang muli. "Nakakagulat ka uky, natakot ako sayo haha."

Nang masiguro na ayos na si uky, hinalikan ko na sya sa pisngi at umayos na nang higa sa tabi nya. Napangiti nalang ako nang bigla nya akong yakapin.

"Hmm... Ilalveno." Bulong ni uky, hindi ko maintindihan ang sinabi nya kaya tinanong ko sya.

"Ano uky?" Bulong ko sakanya, di na sya sumagot. Sinilip ko ang muka nya. Nakapikit ito at mahimbing ang tulog.

Nanaginip na naman? Hahaha!

----

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko. Pag mulat ko ng mata, si uky agad ang nakita ko, nakaupo sya sa silya at nakatitig sa muka ko.

"Good morning." Nakangiting bati nya sakin.

"Good morning din." nakangiti rin na bati ko sakanya habang nakahiga pa rin ako. "Bakit ka nakatitig saakin habang tulog ako?" Tanong sakanya.

Ngumiti muna sya at sumandal sa silya bago nya ako sagutin. "Pinapanood ka matulog."

"Ang weird mo."

"Hahaha! So?"

"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sakanya.

"Oo mga 7."

"Anong oras na ba?"

"9 na. Risa."

Bigla akong napabangon sa sinabi nya. "Hindi ka pa kumakain?!"

"Hindi pa. Easy ka lang nga, kakagising mo lang sumisigaw ka aga--"

"Bakit di ka pa kumakain? Kanina ka pa nakaupo dyan? Hinintay mo pa talaga ako magising! Sana ginising mo na din ako." Tuloy-tuloy na sabi ko.

"Huminahon ka nga dyan. Gusto kas kitang kasabay kumain saka nahihiya ako sa kuya mo. Ayaw naman kitang gisingin dahil baka anong oras ka na natulog."

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon