Harrisa's POV.
Gusto kong iuntog yung nag tawag saamin ni uky sa kwarto. Akalain mo yun na sa kalagitnaan kami ng chukchakan tinaawag kami.
Bwisit ang sakit ng puson ko!
"Uy, uky." Tawag ko sakanya habang naka nguso. Tumingin naman sya sakin. "Wag na muna tayong kumain. Busok ka pa naman di'ba?" Nagpuppy eyes ako sakanya.
Inirapan nya ako at lumapit sa may pinto at binuksan ito ng konti.
"Kanina ikaw ang nag aaya kumain, kaya tara na." Tuluyan sya lumabas at iniwan ako.
Bwisit naman talaga oh!
Sumunod naman agad ako sakanya. Medyo malayo na sya sakin kaya binilisan ko ang paglalakad. Nang medyo malapit na ako sa likod nya ay binagalan ko na ang lakad ko, pinagmasdan ko ang likod nya at hindi ko maiwasang matakam sakanya.
Gusto ko syang baltakin pabalik sa kwarto namin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka nga gutom na sya.
Mamaya nalang siguro? Hihi.
Napangisi ako sa naisip ko. Binilisan ko ang lakad ko para makasabay ko na sya sa paglalakad.
"Ahm. Uky anong gustong mong kainin?" Tanong ko sakanya.
Tumingin naman sya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Ngumuso naman ako sa pagtaas nya sakin ng kilay at inirapan sya.
"Uyy nagtatanong lang ako ah, baka iba na sa isip mo."Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa mag kahawak naming kamay at napangiti.
"Ikaw gusto kong kainin." Nag angat ako ng tingin sakanya nakatitig lang sya sakin, ako naman ay nag-init ang muka. Paniguradong namumula ako ngayon.
"T-tigilan mo ng ako!" Sigaw ko sakanya at inirapan sya.
"Yiie, gusto rin." Sinundot nya ang tagiliran ko kaya medyo napatalon ako dahil nakiliti ako sa ginawa nya.
"A-ano ba uky, tumigil ka nga!" Binitiwan ko ang kamay nya at nauna nang maglakad sakanya.
"Risa, hintayin mo'ko!" Sigaw saakin ni uky.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya."Bahala ka dyan!" Inirapan ko sya at nag patuloy na ako sa mabilis na paglalakad.
-----
Patapos na kami kumain ni uky pero di nya parin ako pinapansin. Hindi ko alam kung sinasadya nya para mainis ako o dahil nagalit sya sa pag iwan ko kanina sakanya."Galit ka ba?" Malumanay na tanong ko sakanya. Hindi sya umimik kahit tignan ako ay hindi nya ginawa.
Nakakainis na!
"Ano bang problema mo? Kanina okay ka naman ah. May masakit ba sayo?" Malumanay na tanong ko ulit sakanya. Hindi parin nya ako sinagot, nag patuloy lang sya sa pagkain.
"Ano ba uky!" Sigaw ko. Nakita kong natigilan sya sa pagkain. "S-sorry." Hingi ko ng paumanhin dahil napagtaasan ko sya ng boses.
What the hell!
Inubos nya na ang pagkaing natitira sa plato nya saka mabilis na tumayo at nag lakad palayo sakin.
Nagulat ako sa ginawa nya kaya hindi agad ako naka sunod sakanya. nang makabawi ako sa pagkabigla ay agad akong sumunod sakanya pero hindi ko na sya makita.
Pumunta ako sa kwarto namin pero wala sya doon. Tinignan ko din ang Cr sa loob ng kwarto pero wala din sya doon. Tumakbo ako palabas ng kwarto habang tinatawagan ko ang telepono nya. Ring lang to ng ring.
Ano ba uky, sagutin mo!
Naka sampong tawag na ako sakanya pero di nya ito sinasagot. Naiinis na ako.
Naglakad-lakad ako sa beach. Baka sakaling makita ko si uky dito. Hindi nga ako nabigo, natanaw ko agad si uky, di kalayuan, nakaupo sya sa buhangi at may katabing lalaki.
Nakatalikod sya sakin at yung lalaki naman ang nakaharap sa gawi ko. Nakita kong tumatawa yung lalaki, halatang tumatawa din si uky dahil gumagalaw ang mga balikat nito. Hinahampas nya pa ang lalaki sa braso.
Ha? Wow?!!!
Mabilis ang lakad na pumunta ako sa pwesto nila. Nasa likod na ako ni uky pero di nya parin ako napapansin dahil tumawa sya. Napatingin naman saakin ang lalaki at nginitian ako.
"Miss, may kaylangan ka?" Tanong sakin nung lalaki. Napatingin naman sakin si uky at nabigla.
"Risa?" Inirapan ko ang lalaki at hinila ang kamay ni uky patayo at hinatak sya palayo sa lalaki.
"Ano ba risa, nasasaktan ako!" Pilit tinatanggal ni uky ang pagkakahawak ko sa braso nya pero di nya matanggal.
Hinila ko lang sya ng hinila. Sya naman ay pumiglas ng pumiglas sa pagkakahawak ko.
Nang makarating kami sa harap ng kwarto ay binuksan ko agad ang pinto at pabato ko syang pinasok sa silid at malakas na sinara ang pinto.
Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko. Wala na ako sa tamang pag-iisip sa mga oras na to. Nagagalit ako. Naiinis. Nasasaktan. Oa na kung Oa pero iyon talaga yung nararamdaman ko.
"Risa." Tawag sakin ni uky. Nag baba ako ng tingin hindi ako makatingin ng maayos sakanya dahil nahihiya ako sa nagawa ko.
"Ris--"
"Alan mo bang kung saan-saan kita hinanap?!" Nakayuko parin ako nang putulin ko ang iba nya pang sasabihin. "Takbo ako ng takbo, hinahanap kita! Tapos makikita kitang may kasamang iba?" Hindi ko mapigilan ang maiyak. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako nag angat ng tingin sakanya. "Oa na kung Oa, uky pero nasasaktan ako, nag seselos ako sa nakita ko kanina!" Bumagsak na naman ang mga luha ko kaya yumuko ulit ako.
Naramdaman kong may yumakap sakin. Si uky.
"Sorry." Sabi ni uky habang hinahaplos ang buhok ko.
Niyakap ko na rin sya at sa balikat na nya ako umiyak.
"Sorry din." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya. Ganun din ang ginawa nya.
----
Uky's POV
Nakatulog na si risa kakaiyak ang higpit parin ng yakap nya sakin kahit tulog na sya. Hinalikan ko sya sa noo at hinaplos ang buhok nya.
Bukas na ako magpapaliwanag sakaya.
Iniinis ko lang naman talaga sya kanina kaya hindi ko sya pinapansin nung kumakain kami. Nabigla ako nang sumigaw sya, minadali ko yung pagkain ko non dahil alam kong naiinis na sya.
Yung lalaking kausap ko nang makita ako ni risa, classmate ko yun nung high school ako. Nag babakasyon sila ng boyfriend nya dito sa beach. Oo boyfriend.
Sigurado akong ngunguso na naman 'tong si risa pag nalaman nya 'yon.

BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.