Chapter 22

2.1K 59 16
                                    

Uky's POV.

Natatawa ako kay risa, kanina nya pa kasi tinitignan ng masama yung kuya nya.

-flashback-

Kanina pa nakatingin si risa sa kuya nya nang masama, hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa ginagawa nya, e.

Sinundot ko ang tagiliran nya dahilan para mapatingin sya sakin.

Pinandilatan ko sya ng mata."Tigilan mo nga yan risa, kumain ka nang ayos."

Inirapan nya lang ako at ibinalik ang masamang tingin sa kuya nya. Napairap nalang ako sa hangin dahil sa tigas ng ulo nya.

Susubo na sana ako ng biglang mag salita ang kuya ni risa kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong nakatingin sya kay risa.

"Bakit ganya ka makatingin saakin, may nagawa ba ako?" Tanong ng kuya nya.

Tinignan ko naman si risa, masama parin ang tingin nya sa kuya nya. May laman pang pagkain ang bibig nya kaya hindi agad sya makasagot. Nilunok nya muna yung pagkaing nasa bibig nya bago sagutin ang kuya nya.

"Alam mo kuya, okay ka na sakin kanina, e! Ekis ka na ngayon!" Sigaw nya sa kuya nya sabay subo ulit ng pagkain nang hindi inaalis ang masamang tingin sa kuya nya.

Napanga-nga naman ang kuya sa ginawa nya. Ako naman ay natawa dahil alam ko yung dahilan kung bakit ganya sya.

Tumingin sakin yung kuya ni risa. "Anong ginawa ko?" Tanong nito sakin.

Nagkibit balikat lang ako at nag tuloy na sa pagkain.

-end of flashback-

Sinundot ko ang tagiliran ni risa para tumingin sya sakin.

"Kung nakakamatay lang yung tingin mo kanina pa patay kuya mo."

Ngumuso naman si risa kaya natawa ako.

"Bakit?" Tanong ko habang pinipindot ng hintuturo ko ang labi nya.

"Nakakainis kasi, e." Natawa ako dahil lalo humaba ang nguso nya at dahil alam ko yung dahilan kung bakit sya naiinis.

-flash back-

"Risa, uky kakain na!" Sigaw ng kuya nya sa labas.

Napatingin kaming dalawa sa pinto. Aalisin ko na sana sya sa pag kakaupo sa hita ko nang pigilan nya ako.

"No, hayaan mo syang mag tawag dyan." Itinulak nya ulit ako pahiga at sinimulan ulit akong halikan.

Katok nang katok at tawag nang tawag ang kuya nya kaya humiwalay ako sa halikan naming dalawa. Nag tataka naman sya tumingin sakin.

"Kumain na muna tayo." Ilang segundo pa muna nya akong tinitigan bago sya umalis sa pagkakapatong sakin.

Narinig kong bumuntong hininga sya. "Fine, tara na." Kinuha nya yung damit nya at sinuot ito. Ganun din ang ginawa ko.

"Sabi ko bababa nalang tayo pag gutom na, e." Natawa naman ako sa sinabi nya.

Napatingin ako kay risa pag katapos kong isuot ang damit ko. Natawa ako dahil nakasibangot ito.

Bitin nanaman hahaha!

-end of flashback-

Niyakap ko sya mula sa likod at hinawi ang buhok nyang nasa balikat nya saka ko pinatong ang baba ko don.

Hinalikan ko sya sa batok at hinigpitan ang yakap ko.

"Gusto mo tuloy natin?" Tanong ko sakanya. Hindi sya sumagot kaya nagsalita ulit ako. "Busy naman kuya mo, oh." Tinuro ko ang kuya nya na abala sa panonood ng TV.
"Ano, gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong ko ulit sakanya.

Hindi na sya sumagot, hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako paakyat sa kwarto nya.

Maglalakad na sana ako papuntang kama pero naisip kong hintayin na sya. Isinara nya muna ang pinto bago lumapit saakin at ako naman ang yakapin mula sa likod, hinawi nya ang buhok ko at sinimulang halikan ang batok ko.

Humarap ako sakanya at ipinulupot ang dalawang braso ko sa leeg nya. Humiwalay sya saglit sa halikan namin dalawa at bumulong. "Sure ka ba?" Tanong nya sakin, hindi ko na sya sinagot at sinimulan ko na syang halikan. Malumanay lang nung una hanggang sa maging mapusok na. Nag lalakbay na din ang kamay nya sa katawan ko, naramdaman kong ipinasok nya ang isa nyang kamay sa damit ko. Hinawakan nya ang balakang ko pataas. Mahahawakan nya na sana ang isang dibdib ko ng may biglang nag ring na cellphone.

Napahinto kaming dalawa ni risa. Napatingin ako sa lamesa sa tabi ng kama ni risa dahil nandoon ang cellphone ko. Alam kong cellphone ko ang nag ring dahil mag kaiba kami ng ringtone ni risa.

Hinalikan ko muna ulit si risa sa labi bago ko kinalas ang pag kakayakap ko sa leeg nya at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang cellphone ko.

Pag kakuha ko ng cellphone ko, tumingin ako kay risa na nasa likod ko, sumandal ako sa lamesa at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si kuya!

Napatingin muli ako kay risa na ngayon ay na sa harap ko na. Niyakap nya ako sa bewang at sinimulang halikan ang leeg ko.

Sinagot ko ang tawag at tinapat sa tenga ko ang cellphone.

"Hello, kuya!" Napatigil si risa sa ginagawa nya at tumingin sakin.

"Hello uky ,Nakala risa ka parin ba? Umuwi ka na maya-maya ah?" Sabi ni kuya sa kabilang linya.

Tinignan ko muna si risa bago ko saguti si kuya.

"Opo kuya, nandito pa ako kala risa, uuwi na rin ako. Inaayos ko lang ang gamit ko." Sagot ko kay kuya habang nakatitig sa mata ni risa.

"Okay good, bye na baby, i love you." Natatawang sabi ni kuya.

Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi ni kuya."Whatever kuya. Bye na i love you too saka hindi nako baby!" Ibinaba ko na ang tawag at tumingin ulit kay risa.

Nakita kong nakangisi ito.
"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"Baby kaya kita hahaha!" Napairap naman ako sa sinabi nya at kinalas ang pagkakayakap nya sakin.

"Tigilan mo ako, ate." Pang-iinis ko sakanya.

Natawa naman ako nang bigla syang ngumuso.

"Ate mo muka mo!"

"Joke lang." Lumapit ako sakanya at niyakap sya sa bewang.

"Bitawan mo nga ako." Pag iinarte nya. Pilit nyang tinatanggal ang pag kakayakap ko sa bewang nya kaya hinigpitan ko pa lalo.

Tinignan nya ako ng masama.

Hinalikan ko sya sa baba pataas sa labi nya.

"Joke lang naman, e." Hinalikan kong muli sya sa lips bago ako humilig sa balikat nya. Naramdaman kong niyakap nya na din ako kaya napangiti ako.

"Risa, kailangan ko nang umuwi." Sabi ko habang nakahilig parin ang ulo sa balikat nya.

Humigpit ang yakap nya sakin, naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo.

"Ihahatid na kita." Hinalikan nya muli ang ulo ko. "Pero mamaya na ah? ganto muna tayo." Napangiti ako sa sinabi nya. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sakanya at pumikit.

Sana ganto nalang tayo palagi.
----

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon