Uky's POV.
Sobrang cute ni risa habang naka nguso hahaha! Sinabi ko na kasi sakanya kung sino talaga yung lalaking kasama ko kahapon.
So, ngayon nag tatampo sya sakin dahil doon.
"Bakit hindi mo agad sinabi?! Umiyak pa ako!" Sigaw ni risa sakin.
"HAHAHAHAHA! ang cute mo." Inis ko sakanya.
"Tigilan mo'ko!" Sigaw nyang muli sakin, tinawanan ko ulit sya kaya binato nya ako ng unan. "Ano ba tumigil ka nga! Nakakainis ka na ah!"
"Hay nako risa, bahala ka dyan para kang bata." Pinigilan kong matawa hanggang sa makatalikod ako sakanya.
"Saan ka pupunta?!" Tanong nya sakin.
Humarap ako sakanya at inirapan sya."Maliligo, sama ka?"
"Pwedi?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya sakin.
"Syempre hindi!" Sigaw ko sakanya at nag tuloy na ako sa banyo.
Ilang minuto palang ako sa ilalim ng shower nang may kumatok sa pinto.
"Uky, sabay na tayo!" Sigaw ni risa sa labas, napairap nalang ako sa hangin at hindi pinansin ang sinabi nya. "Uky?" Tawag nyang muli sakin pero hindi ko muli sya pinansin.
Bahala ka dyan.
Hanggang matapos akong maligo ay kumakatok at tumatawag sya sa labas ng pinto ng banyo.
Pinunasan ko muna ang basang buhok at katawan ko bago ko tinapis sa katawan ko ang twalya.
"UKY ANO BA?! SABA--" hindi na natapos ni risa ang iba pa nyang sasabihin dahil bigla kong binuksan ang pinto.
"Ano bang problema mo?!" Tanong ko sakanya. Nakatulala lang sya sakin. Tinignan nya ako mula sa mata ko hanggang sa paa ko, napapalunok pa sya. "Tabi ka nga dyan magbibihis na ako!" Tinabig ko ang balikat nya at nag lakad papunta sa lugar kung saan nakalagay ang maleta ko. "Maligo ka na rin, risa."
"H-huh?" Sagot nya sakin, napatingin naman ako sakanya. Nakanganga sya habang nakatingin parin sa katawan kong nababalutan ng twalya.
"Maligo ka na kako."
"B-bakit?!" Tanong nya sakin.
"Anong bakit? Bilisan mo na may pupuntahan pa kamo tayo di'ba?"
"A-ah HA-HA, oo nga pala." Napakamot sya sa ulo nya habang pekeng tumatawa. Napairap naman ako sakanya.
Ano kayang iniisip nito?
Pag kapasok ni risa sa Cr, agad akong nag bihis at nag-ayos ng sarili. Nanguha na din ako sa maleta ni risa ng damit na susuotin nya at nilapag ito sa kama.
20 minutes na sa banyo si risa mukang nalunod na ata sa loob.
"Hoy risa, bilisan mo naman dyan!" Sigaw ko sa harap ng pinto.
"Oo, patapos na ako!" Sagot nya sakin. Napabuntong-hininga nalang ako sa sagot nya.
Habang hinihintay kong matapos maligo si risa, humiga muna ako sa kama at pumikit.
Matatagalan pa naman yon si risa, mag bibihis pa saka mag-aayos ng itsura. Hays, nakaiglip nga muna.
-----
Risa's POV.Sinadya kong tagalan maligo dahil ayokong makita si uky na nagbibihis, baka kung ano pang magawa ko.
Lumabas ako ng Cr na twalya lang ang nakatakip sa katawan. Hinanap agad ng mga mata ko si uky at natagpuan ko sya nakahiga sa kama at nakapikit.
Tulog?
Lumapit ako sa kama at pinagmasdan sya, malalim ang paghinga nya, sigurado na akong tulog sya.
Kukunin ko na sana yung maleta ko para manguha ng damit nang mapatingin ako sa may tabi nya, nakita ko ang short, t-shirt, panty at bra. Namula naman ako sa nakita ko. Nakakahiya pero ang sweet.
Bakit pati panty at bra?!
Pagkatapos kong magbihis ay bumaling ako sa kamang hinihigaan ni uky para gisingin na ito. Nag lakad ako papalapit sa kama at umupo sa gilid, hahawakan ko sana ang balikat nya nang mapatingin ako sa mukha nya.
Ang cute nya. Napangiti nalang ako sa naisip ko.
Dahan-dahan akong dumapa sa tabi nya para di sya magising, tinitigan ko ang mukha nya at napangiting muli. Maganda ba sya o cute?
Medyo nilapit ko ang mukha ko para mapagmasdang mabuti ang mukha nya.
Habang tinititigan sya ay nakaisip ako ng kalokohan. Pisilin ko nga ilong nito. Hmm? Umayos ako ng dapa para madali kong magawa ang kalokohang naisip ko.
Pipisilin ko na sana ang ilong nya nang bigla syang dumilat kaya nagulat ako.
"Ay dyusko naman, uky!"
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya sakin habang dahan-dahan bumabangon sa pagkakahiga nya. Umupo ako sa kama at nakangusong tinignan sya. Palpak!
"Gigisingin ka sana."
"Gigisingin ako na ganun kalapit ang mukha mo?" Parang inis na tanong nya sakin.
"Ahmm, pipindutin ko sana ilong mo HA-HA." Alanganing sagot ko sakanya.
Inirapan nya ako at bumangon sya at bumaba ng kama. Napanguso naman muli ako dahil sa ginawa nya.
"Galit ka?" Tanong ko sakanya, di nya naman pinansin kaya napanguso nanaman ako. kinuha nya ang backpack nya at tinignan ako ng masama. "G-galit ka?" Tanong ko ulit.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong nya sakin.
"Sagutin mo muna tanong ko." Sabi ko sakanya habang nakanguso.
"Hay! Bahala ka dyan!" Naglakad sya papunta sa pinto at padabog itong binuksan, napatayo naman ako at agad kinuha ang bag na dadalin ko. Napabaling ako sa pintuan nang malakas itong sumara.
"Ahhhh! Uky hintay!"
Ano ba naman yan!
----Nandito na kami sa isla kung saan kami mag gagala. Mula kanina sa bangka hanggang dito hindi ako kinausap ni uky, kahit ata tignan hindi nya ginawa. Kainis.
Kanina ko pa sinusubukang kausapin sya pero parang wala syang nadiding. Kay ivan sya nagpapakuha ng litrato at nagseselos ako dahil doon. Alam ko namang walang something sakanila pero ewan, baliw lang ata talaga ako.
Nagulat ako nang may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod ko, bumaling ako sa likod ko para malaman kung sino iyon.
"Uy risa, nandito ka rin pala? Long time no see!"Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang humawak sakin. Si Yuri, classmate ko nung highschool. Maganda na sya noon pero mas gumanda sya ngayon.
"Oh my god yuri, kumusta?" Tanong ko sakanya.
Natawa naman sya sakin. Nilapitan nya ako, nabigla ako nang yakapin nya ako at halikan sa pisngi.
Lumayo sya sakin at inayos ang buhok nya na medyo nagulo dahil sa hangin. "Ito okay lang, honeymoon ko ngayon, e."
Nanlaki ang mata ko at napanga-nga sa sinabi nya.
"Oh my god! congrats!" Niyakap ko sya saglit."Ikaw kaylan kasal?" Tanong nya sakin habang pilyang nakangiti.
Natawa naman ako sa sinabi nya at napakamot sa ulo. Sasagot na sana ako nang may biglang tumawag sakanya.
"Honey, tara na."
"Ow sorry risa, kaylangan ko nang umalis." Muli nya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Bye." Kumaway sya sakin at lumapit sa kanyang asawa.
"Sige, ingat kayo, enjoy!" Nang medyo nakalayo na si yuri at ang asawa nya saakin, tumingin akong muli si gawi kung saan nag papakuha ng litrato si uky kay ivan.
Nabigla ako nang makitang nakatingin sya ng masama sakin.
Ano nanamang ginawa ko?!
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.