Harrisa's POV.
Hindi ko alam irereact ko nang makita kong nakatingin sakin ng masama si uky. Nataranta ako nang lalong sumama ang tingin ni uky sakin kaya ngumiti ako at nag peace sign sakanya. Inirapan nya lang ako at nag lakad palayo.
"Uky, sandali lang!" Sigaw ko sakanya habang lakad-takbo syang sinusundan.
Nang na sa tabi na nya ako ay tinignan ko sya at nginitian ng malapad. "Hmm.. uky, dun oh maganda view." Turo ko sa malaking puno. Hindi nya ako pinansin kaya napasimangot ako. "Pansinin mo naman ako oh." Pabulong na sabi ko sakanya.
"Pag hindi mo ko pinansin sisigaw ako dito." Panghahamon ko sakanya pero hindi nya parin ako pinansin. "Fine, 'di ako sisigaw." Napasibangot nalang muli ako nang di nya nanaman ako pansinin.
Napatingin ako sa kamay nya at hinawakan ko ito, inaasahan kong bibitiwan nya yun pero hindi. Hinayaan nya lang akong hawakan ang kamay nya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Uky, kakain daw muna." Sabi sakanya ni ivan.
"Sige." Nakangiting sagot nya kay ivan.
"Bakit sya sinasagot mo? May pangiti pa, ha?!" Inis na tanong ko kay uky pero hindi nya parin ako pinansin.
Dahil naiinis na ako sakanya binitiwan ko yung kamay at nagpatiunang mag-lakad.
Bwisit!
Wala akong ganang kumain dahil hindi ako pinapansin ni uky at dahil kay ivan sya ngayon nakatabi. Nagtatawanan pa sila at naghaharutan parang hindi ako yung kaharap nya sa lamesa. Bwisit diba?!
Gusto ko nang batuhin si uky para pansinin nya ako, kahit tignan manlang hindi nya magawa.
"Cr lang ako guys." Paalan ni uky saming lahat.
Nang medyo nakalayo na sya ay nag paalam din ako sa mga kasama namin na mag c-cr lang din ako. Gusto ko syang sundan para makausap ko na rin.
Nang makita kong nakapasok na sya sa cr agad akong sumunod.
Nasa loob na sya ng isa sa cubicle kaya di nya na ako nakitang pumasok. Siniguro ko munang walang ibang tao sa dalawa pang cubicle bago ko ilock ang pinto ng Cr.
Ayaw mo'kong pansinin ah.
****
Uky's POV.
Narinig kong may pumasok sa pinto ng restroom, narinig ko din yung paglakad nya pero nagtataka ako kung bakit hindi ako nakadinig ng sarap ng pinto ng cubicle.
Nang matapos ako ay agad kong binuksan ang pinto ng cubicle pero nasara ko din agad ito dahil sa gulat, nakita ko kasi si risa na sandal sa lababo at nakatingin sakin.
T*ngin@?
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko dahan-dahan buksan ang pinto. Nakita kong nakatingin parin sakin si risa. Inirapan ko sya at nilagpasan, nang malagpasan ko sya ay medyo nakahinga ako nang maluwag pero laking gulat ko ng hatakin nya ang braso ko at ipasok sa cubicle kung san ako galing. isinara nya ang pinto saka nya nilock yun. Itinulak nya ako sa nakasarang pinto.
Pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko pero hindi nya magawa dahil tumitingin ako sa gilid.
"Ano bang problema mo?" Tanong nya sakin. Hindi ko sya sinagot. "Bakit ba kase? May nagawa ba ko?" Tanong nya sakin habang pinagkukurs nya ang mga braso nya sakanyang dibdib.Yung totoo, nagagalit ako sakanya dahil dun sa babaeng kausap nya kanina. Hindi ko nadidinig yung usapan nila pero parang tuwang-tuwa sya. May pakiss at hug pa, astig! Iniinis ko lang sya nung unang hindi ko sya pinapansin pero nung makita ko yon, tuluyan na akong nagalit.
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomanceGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.