Uky's POV
Halos lahat ng trabaho ko pinagawa ko sa sekritarya ko at kay risa dahil wala ako sa mood mag mag trabaho ngayong araw. Pati yung dalawang meeting ko ay pina-cancel ko dahil hindi ko talaga kaya. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Nasusuka at nahihilo ako.
Tumayo ako para punta sa cr pero muli akong napaupo dahil bigla akong nahilo.
"Ma'am, okay lang kayo?" Alalang tanong saakin ni risa na kapapasok lang ng opisina ko.
"O-okay lang ako." Pinilit kong tumayo kahit na hilong-hilo ako. Aalalayan pa sana ako ni risa pero tinabig ko ang kamay nya. "Kaya ko." Alanganin ang ngiting sabi ko kay risa. Pumasok ako sa cr at doon nag suka.
"Ma'am, okay lang po ba talaga kayo?" Tanong saakin ni risa habang pinipilit nyang buksan ang pinto. "Ma'am?"
Pinunasan ko ang bibig ko bago sumagot sakanya.
"Okay lang ako." Medyo nahihilo pa ako pero pinilit ko paring tumayo.
Si risa agad ang bumungad sakin ng buksan ko ang pinto ng cr.
"Ma'am--" Hahawakan nya sana ako pero tinabig ko ang kamay nya.
"Okay lang sabi ako." Iritang sabi ko sakanya.
Bumalik ako sa lamesa ko at pinag patuloy ang ginagawako na parang walang nangyari.
Lumabas din kaagad si risa nang mailapag nya yung mga papeles na pinaayos ko sakanya kanina. Kita sa mga mata ni risa ang pag-aalala. Pinilit ko paring basahin yung mga papeles kahit na parang hihimatayin na ako sa hilo, ramdam ko na din yun yung init ng katawan ko. Si risa naman ay hindi na muling pumasok sa opisina ko, panay nalang yung sekritarya ko. Panay din ang tanong ng sekritarya ko kung okay lang ako, panay nlang akong sagot ng oo kahit hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko.
Sinandya kong magpa-late ng uwi para konti nalang ang tao. Inilibot ko muna ang paningin ko bago ang mag lakad. Ang nandoon nalang ay yung mga nag over time at yung mga papauwi palang. Bigla kong naisip si risa, Nakauwi na kaya sya? Hindi ko na kasi sya ulit nakita kanina.
Pinilit ko ang sarili kong mag lakad papunta at papasok sa elevator. Nakahinga ako ng malalim nang nasa loob na ako. Pinindot ko ang ground floor bago ko isandal ang katawan ko sa pader ng elevator, napapikit nalang ako nang lalong umikot ang paningin ko. Pilit kong itinayo ang sarili ko nang tumunog at bumukas ang pinto ng elevator. Dahan-dahan akong nag lakad. Nginingitian ko lang ang mangilan-ngilan na bumabati saakin. Kahit pag sasalita ay hindi ko na magawa ngayon dahil sa ibinubuhos ko ang lahat ng lakas ko sa pag lalakad.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si risa na nasa pinto ng building at kausap ang guard namin.
"Ito talaga si kuya palabiro, alam ko namang maganda ako wag nyo na sabihin." Hinampas nya pa si manong guard sa braso at sabay silang tumawa.
Napangiwi naman ako sa nakita ko. Bigla namang napatingin sa gawin ko si risa. Bumakas agad sa muka nya ang pag-aalala ng makita nya ako. Lakad takbo syang lumapit saakin at hinawakan ako sa braso. Tatangalin ko sana ang pag kakahawak nya sakin pero bigla syang nag salita.
"Wag mong sabihing okay ka dahil halata namang hindi. Ang init-init mo na, oh." Hinawakan nya ang noo ko, hinawi ko naman kaagad iyon.
"May sakit na ang sungit parin." Bulong nya. "Hahatid na kita pauwi, ma'am." Nakangiti nyang sabi sakin habang inaalalayan ako mag lakad.
Tatanggi pa sana ako pero bigla syang nag salita ulit.
"Oh, wag ka nang tumanggi. Baka imbis na sa sakit ka mamatay, sa aksidente ka kunin ni lord." Napairap nalang ako sa hangin nang sabihin nya iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/128299321-288-k236657.jpg)
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomansaGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.