Chapter 29

321 10 1
                                    

-Uky

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Uky.
HMMM? HAHAHAHAHA Char!
---
Risa's POV

Kaninang umaga pa ako tigang dito kay uky dahil sa paraan ng pag gising nya saakin.

Minanyak ako tapos di pinanagutan!

Habang marahas kong hinahalikan si uky, gumagala naman ang mga kamay ko sa katawan nya. Lalo akong nag init nang umungol si uky nung pisilin ko ang isa nyang dibdib.

Binuhat ko sya at iniupo sa lababo nang hindi pinuputol ang halikan naming dalawa.

Ililipat ko na sana ang halik ko sa leeg nya nang bahagya nya akong itulak. Tinignan nya ang relo nya na nasa bisig nya at hinalikan ako nang mabilis sa labi.

"7:46 na malalate ka na." Nginitian nya ako at bumaba sya sa lababo.

"Pero baby..." Angal ko.

"No! Mag bihis ka na at pumasok ka sa trabaho mo. Di ba kakasimula mo palang? Absent or late ka agad?" Napanguso naman ako sa sinabi nya.

Lumapit sya sakin at niyakap ang bewang ko. "Ayaw lang kita mawalan ng trabaho dahil sakin." Napanguso naman lalo ako sa sinabi nya. "Please?"

"Fine." Sagot ko nalang dahil di ko kinaya yung pag papaawa nya.

"I love you." Biglang sabi nya, di agad ako nakasagot dahil sa gulat. "Hoy i love you kako."

"I-i love you more."
---
Habang nasa trabaho di ko maiwasang isipin yung ginawa sakin ni uky. Napapapikit at napapahinga nalang ako nang malalim.

"Humanda talaga yun sakin, e." Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa pag tatrabaho para mawala ang mga iniisip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nang may pumasok sa loob at tarantang-taranta ito.

"Risa! Risa! May nag hahanap sayo dun sa labas. Nag wawala!"

"What?!" Agad ako lumabas, naabutan ko si heejin na nag wawala sa harap ng pinag-tatrabahuhan ko.

"Nasan na yung risa na yan?! Akala nya ba tapos na kami ha?!" Sigaw ni heejin.

"Miss wag po kayo mag iskandalo dito." Awat ng guard kay heejin.

"Ilabas nyo si risa!" Sigaw muli ni heejin.

Naiinis at nahihiya ako sa pinag gagagawa nya ngayon.

"Heejin!" Sigaw ko. "Hindi ka ba nahihiya!" Nilapitan ko sya at hinatak palayo. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong ko sakanya.

Tinanggal nya ang pag kakahawak ko sa braso nya.

"May pinag-usapan tayo di'ba!?" Napayuko naman ako sa sinabi nya. "Pag sisisihan mo to, risa. Pag sisihan mo to!" Sigaw nya at talikuran ako. Pero bago sya makalayo saakin, sinabi ko na ang dapat sabihin.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon