16.

2.8K 44 5
                                    

Uky's POV.

"Oh uky, hindi ka na nakapag-ayos ng sarili ah. Gutom na gutom?" Pabirong tanong sakin ni eva. Kaibigan ni risa.

"Opo hahaha!"

"Nasan si risa-- oww speaking. Uyy bat ganyan itsura mo risa? Hindi ka na din nakapag-ayos, gutom na gutom din? Haha!" Napabaling ako sa tinitignan ni eva at nakita ko si risa na nakatayo doon. Nakasimangot ito at gulo-gulo ang buhok.

Pinipilit kong di matawa sa itsura nya. Medyo nagulat ako nang tignan nya ako ng masama. Nag peace sign naman ako at ngumiti.

HAHAAHAHAHA

Tinalikudan ko si risa at nagsimula nakong kumain. Naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan kaya napabaling ako doon.

Muntik nakong mabulunan nang makita si risa yun, masama ang tingin sakin.

"B-bakit?" Utal na tanong ko sakanya.

Nilapit nya ang mukha nya sakin kaya medyo napaatras ako. Masama parin ang tingin nya sakin kaya dahan-dahan akong humarap muli sa lamesa at nagsimula ulit kumain.
---


Nang matapos akong kumain, nagpaalam muna ako na babalik sa kwarto namin ni risa para mag-ayos at maligo. Bago ako maglakad sinulyapan ko muna ang likod ni risa, kumakain pa ito.

Nang makapasok ako sa kwarto, nagtuloy-tuloy agad ako sa banyo para makaligo na agad.

nang matapos akong maligo, pinunasan ko ang aking katawan. Nag suot ako ng bathrobe para matakpan ang hubad kong katawan.

"Putang-- anong bang ginagawa mo dyan?!" Sigaw ko nang makita ko si risa na nakatayo sa pintuan ng cr.

Naglakad sya palapit sakin kaya umatras ako. Lakad sya ng lakad palapit sakin ako naman atras nang atras hanggang sa tumama ang likod ko sa lababo.

"A-anong gagawin mo?"
Di nya ako sinagot humakbang pa sya ng isa kaya sobrang lapit na ng katawan nya sakin.

"U-uyy anong gagawin mo?" Utal na tanong ko.

"Mag hihilamos." Sagot nya.

"H-huh?"

"Mag hihilamos ako. Pano ako makakapag hilamos, nakaharang ka dyan sa lababo?"

"O-oo nga no? HA-HA s-sorry. L-labas na ako ah? HE-HE." Medyo pahiya ako dun ah.

"Parang tanga." Rinig ko pang sabi ni risa bago ko isara ang pinto.

Napahiya ako dun ah.
---

Risa's POV.

Paglabas ko ng banyo wala na si uky.

Umalis agad?

Kinuha ko ang cellphone ko para sana itext si uky pero biglang nag text sakin si eva, na sa swimming pool area daw sila, mag suot daw ako ng swimsuit at maliligo kami.

Hayss gabi na!

Nag suot ako ng itim na two piece, nag suot din ako ng over size T-shirt na hanggang taas ng tuhod ko. Wala lang panakip lang bakit ba?

Pumunta na ako sa swimming area ng resort buti nalang nakita ko agad si eva kaya hindi na ako napagod mag hanap sakanila.

Umupo muna ako sa upuan malapit sa pool at omorder ng orange juice. Inaaya na nila ako maligo pero sabi ko mamaya nalang.

Inililibot ko ang panigin ko sa buong swimming pool area pero hindi ko makita si uky. Medyo marami rin kasing tao.

Nasaan na kaya yun?

Muntik ko nang mabuga yung juice na iniinom ko nang umahon si uky sa swimming pool nang naka red na two piece lang. Literal akong napanga-nga sa ganda ng katawan nya.

Bumalik ako sa realidad ng may biglang humawak sa baba ko at itaas ito para sumara yung bibig ko.

"Tingin-tingin lang walang nga-ngahan." Natatawang asar sakin ni uky. Hindi ko namalayan nakalapit na pala sya sakin.

Yan kakapantasya mo yan.

Bigla kong naalala na galit pala ako kay uky. Oo galit ako kase kanina muntik na punyeta lang talaga.

Oww? Galit ka ba talaga self?

Umupo si uky sa katabi kong upuan kaya medyo napigil ko ang paghinga ko.

"Wag mo kong kausapin galit ako sayo."

"Okay." Bigla akong napanga-nga sa sagot nya sakin.

Tinignan ko sya ng masama.
"Bakit?" Maang-maangang tanong nya sakin.

"Okay? Yun lang sasabihin mo?" Galit na tanong ko sakanya.

Nginisihan nya naman ako kaya lalo akong naiinis.

"Anong gusto mo sabayan ko galit mo? Saka hihdi ko nga alam kung bakit ka galit, e." Sumbat nya sakin.

Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi nya, inirapan ko nalang sya at tumingin sa malayo.

"Uky." Tawag ko sakanya habang nakatingin parin sa malayo.

"Hmm?" Sagot nya.

"B-bakit ganyan suot mo?" Tanong ko sakanya.

"Bakit naaakit ka?" Napasinghap ako bigla sa tanong nya, napigil ko ang pag hinga ko ng bigla nyang ilapit yung bibig nya sa tenga ko. "Okay lang yan ako nga, naka T-shirt ka palang naakit na ako, e. Pano pa kaya pag hinubad mo na yan?" Malambing na bulong nya sakin, ngumisi pa sya kaya nag taasan ang buhok ko sa buong katawan.

Naramdaman ko ding nag-init ang pisngi ko at alam kong namumula na ako ngayon.

"Baka pag hinubad mo yang T-shirt mo lantakan kita bigla dito. Gusto mo yon di'ba?" Nanigas ako sa kinauupuan ko, nakalimutan ko na ding huminga dahil sa kabang nararamdaman ko."oww, san mo gusto. dito o sa kwarto?" Dagdag nya pa.

Tumayo si uky at biglang tumalon sa pool. Doon lang ako nakahinga ng ayos pero naninigas parin ang katawan ko. Yung mga balahibo ko sa katawan nakatayo parin dahil pakiramdam ko malapit parin yung bibig ni uky sa tenga ko.

Bakit mo ko ginaganito uky?

Nang okay na ako at nagagalaw ko na ang buo kong katawan, inubos ko agad yung juice ko. Natuyo ata lalamunan ko.

Tumayo ako at hinubad ang T-shirt na suot ko, medyo nagulat ako nang makita ko si uky na nakatingin sakin mula sa kabilang parte ng pool. Nakangisi ito habang pinaglalandas ang kanyang mga mata sa buo kong katawan.

Wag mo akong tignan ng ganyan, uky!

Tumalon na agad ako sa pool dahil naiilang ako sa malagkit na tingin ni uky sakin.

Tumingin akong muli sa kinaroroonan ni uky nang makaahon ako pero wala na sya doon. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko parin sya makita.

Nasan nanaman yun?

Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin sa likod.

"Galit ka pa?" Bulong ni uky sakin.

"Oo?" Alanganing sagot ko.

"Sorry." Bulong nyang muli sakin.

Napangisi naman ako dahil may biglang pumasok na kapilyahan sa isip ko.

Humarap ako sakanya at niyakap ang dalawa kong braso sa balikat nya.

"Hindi sapat yung sorry." Nakangising sabi ko.

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" Tanong nya sakin.

Ngumiti naman ako at nilapit sa tenga nya ang bibig ko.

"Eat me." Hinalikan ko sya sa leeg at saka lumangon palayo sakanya.

----

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon