RISA'S POV
"Sure ka ba dyan sa plano mo, traxex?" Tanong ko kay sakanyan nang nasa harap na kami ng hospital.
Nakasakay parin kaming dalawa sa kotse nya. Hinihintay naming tawagan sya ni ghio.
"Sure ako dito. Gantong oras umaalis si kuya ghio at ako ang pumapalit." Sagot nya.
"What? Binabantayan mo si uky?"
"Ahmm, oo? Bakit masama ba?"
Pinaningkitan ko sya ng mata.
"May gusto ka ba kay uky?""Ahhmm..."
"May gusto ka nga!"
"Nung una lang no! Pero nung tumagal nawala din naman, di ko alam kung bakit."
"Wag kang lalapit ka uky." Inarte ko.
"Ako nag babantay sakanya kaya imposible yang sinasabi mo."
"Sasabunutan talaga kita kapag hinawakan mo si uky!"
"Hay, ewan ko sayo napaka possessive mo." Aawayin ko pa sana sya nang biglang tumunog ang cellphone nya. "Si kuya ghio na to." Tumango ako sakanya bago nya iyon sagutin.
"Hello kuya ghio? Opo nandito na po ako sa labas ng hospital." Tumahimik sya saglit. "Yap. Kakadating ko lang. Papunta na ako dyan. Sige po bye." Binaba nya ang tawag at tumingin saakin. "Tatawagan kita kapag nakalabas na si kuya ghio. Dito ka lang, tetext ko sayo kung saang kwarto si uky." Tango lang ang isinagot ko sakanya. Bumaba sya ng sasakyan at pumasok na sa hospital.
Halos limang minuto akong nasa loob ng sasakyan bago ko matanggap ang text ni traxex. Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng hospital.
Hawak ko lang ang doorknob ng pinto ng kwarto ni uky. Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan. Gusto kong makita si uky pero natatakot akong mahuli. Natatakot akong mag away sila ni ghio.
Kumatok muna ako nang tatlong beses bago ko buksan ang pinto. Pag pasok ko palang ay nakita ko na si uky na nakatagilid ng higa at nakatalikod sa pwesto ko. Kinakausap nya si traxex na nakaupo sa may sofa.
"Gusto ko nang umuwi." Sambit ni uky. Napangiti naman ako dahil ang cute ng tono ng boses nya. "Di ko gusto amoy dito sa hospital." Dagdag nya pa.
"Malapit ka na nga umuwi di'ba?" Tumango lang si uky. "Wag kang atat." Tumingin saglit sakin si traxex bago nya ibalik ang paningin kay uky. "Nandyan na ang doctor mo, umayos ka na." Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi nya.
"Eh? Kakapunta lang nun kanina bago ka pumasok." Sabi sakanya ni uky.
"Baka may nakalimutan, baka iinjectionan ka ulit?" Tako ni traxex kay uky.
Napatuwid ako ng tayo nang biglang tumingin sa gawi ko si uky.
"WAHHH! ayoko po--" di nya na natuloy ang iba pa nyan sasabihin nang marealize nyang hindi ako doctor. "R-risa?" Nag unahang malaglag ang luha sa mga mata nya, ganun din ako.
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako mag simulang mag lakad papalapit sakanya.
"I-I'm so sorry, uky. I'm so sorry." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya nang makalapit ako sakanya. "Ngayon ko lang nalaman, I'm so sorry." Ibinaon ko ang muka ko sa leeg nya.
"It's okay, naiintindahan ko." Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo kaya napangiti ako.
Ilang minuto pa akong nakaganun sakanya bago ako bumitaw sa pag kakayakap sakanya.
Napag kwentuhan namin kung anong nangyari pagkatapos malaman ni ghio yung saamin. Kinuwento ko sakanilang dalawa ni traxex kung gaano kamiserable ang ilang linggo ko dahil doon. Nalaman ko din na ganun din si uky, di ko tuloy mapigilan na yakapin sya habang nag kwekwento sya.
Naikwento ni traxex kung paano kalakas ang iyak ni uky kapag iinjectionan na sya. Tawa kami ng tawa ni traxex habang si uky naman ay nakanguso habang masama ang tingin saming dalawa ni teaxex. Kinuwento din ni traxex ang pag iinarte ni uky dito sa hospital.
"Ay sinasabi ko sayo, risa. Kung wala lang masakit dyan kay uky, kinonyatan na ni kuya ghio yan sa sobrang kulit." Natatawang kwento ni traxex.
Humarap ako kay uky at kinurot ang mag kabilang pisngi nito.
"Aray ko naman."
"Ikaw wag kang makulit pag dating sa kuya mo, ha?" Natawa ako ng bigla ito nguso. Hinalikan ko naman ang labi nya na kinagulat nya.
Akala ko aangal sya pero laking gulat ko ng hawakan nya ang batok ko at siilin ako ng halik.
Naputol lang ang halikan namin ni uky ng biglang mag salita si traxex.
"Ano nakalimutan nyo na ako dito? Nandito pa ako oh."
"Pwedi ka namang lumabas na." Sagot ni uky sakanya.
"Ganyan ka? Pagkatapos kitang bantayan? Wala manlang thank you?"
"Thank you, lumabas ka na."
"Napakasama ng ugali mo."
Tawang-tawa naman ako sa sagutan nilang dalawa.
Patuloy lang silang nag aasaran nang may biglang pumasok. Lumabas ata yung puso ko dahil sa biglaang kaba sa dibdib ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni uky sa kamay ko.
"Ghio." Mahinang sambit ko
Malalaki ang hakbang na lumapit saakin si ghio. Hinawakan nya ako sa braso at hinatak ako patayo sa kama ni uky.
"Umaano ka dito?!" Galit na sambit nya.
"Ghio nasasaktan ako." Pilit kong tinatanggal ang pag kakahawak nya sakin ngunit di ako nag tagumpay.
"Kuya!" Kinabahan ako ng biglang tumayo si uky.
Agad naman akong binitawan ni ghio at inalalayan si uky.
"Ano ka ba uky, hindi ka pa ayos!"
"Tama na kuya, please." Hinawakan ni uky sa muka si ghio. "Please kuya, kahit ngayon lang?"
"No!" Sigaw ni ghio.
"Kuya--"
"I said no!"
Kusang kumilos ang katawan ko. Habang nakatalikod saakin si ghio ay lumuhod ako. Naramdaman nya siguro ang pag galaw ko kaya napatingin sya saakin.
"Tumayo ka dyan!" Sigaw ni ghio pero hindi ako tumayo. "Tumayo ka sabi!" Hindi parin ako tumayo.
"Please ghio, kahit ngayon lang. Pangako ko sayo na di na ako mag papakita sainyo pagkatapos nito."
"Risa?" Tawag sakin ni uky.
"Hindi ko na kayo guguluhin pag katapos nito." Umiiyak kong sambit. "Please ghio, kahit ngayon lang."
Tinigna ko si uky sa mga mata. Kitang-kita ko ang gulat at sakit doon.
Tiningala ko si ghio at wala akong mabasang imosyon sa mga mata nya.
"I'm sorry ghio, im so sorry." Ilang segundo nya akong tinignan bago nag lakad palabas ng kwarto ni uky.
Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay uky. Kitang-kita ko sa muka nya ang halo-halong imosyon. Gulat, galit, sakit at pangamba.
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nasasaktan ko nanaman si uky.
Ito nalang ang paraan, ito na din ang huli.
I'm sorry uky, im sorry ghio. Ito nalang yung paraan para hindi masira yung samahan nyo.
Pasensya na sa mga sakit na naibigay ko sainyo.

BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomantizmGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.