3.

5.2K 84 3
                                        

Uky's pov.

Ang weird lang ng pakiramdam ko dahil medyo nalungkot ako nung sinabi ni harrisa na uuwi na sya.

Tumayo agad ako at nangunang pumunta sakanya sa pintuan para pagbuksan at ihatid sa labas.

Nag prisinta ako na ihahatid ko sya sa gate dahil may itatanong din ako.

'Bakit di ko naman maalalang pinakilala sya ni kuya saakin?'

Nung makalabas na sya ay sumunod na agad ako sakanya, tumalikod ako para isara yung pinto pero pag harap ko sakanya medyo malayo na sya sakin kaya tumakbo ako papalapit sakanya.

"Hey wait! May itatanong pa ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.

Huminto naman sya at nakangiting humarap sakin.

"Ow, sorry!" Hinintay nya pa kong makalapit sakanya saka sya ulit nag salita. "Ano namang itatanong mo?" nakangiti paring tanong nya.

"Pinakilala ka ba talaga ni kuya sakin nung party? Di ko kase natatandaan, e."  Nagpatuloy naman sya sa paglalakad kaya sumunod naman ako.

"Pinakilala ka nya sakin. Kaya siguro hindi mo natatandaan dahil nga lasing ka na ata non." Parang kabadong sagot nya saakin.

"Sobrang lasing na ata ako nun kaya hindi ko na maalala ." natatawang sabi ko.

"Sobrang lasing ka na talaga kaya..." Tumatawang sabi nya.

natigilan at napatitig ako sa muka nya nang tumawa siya.

"Hey, okay ka lang?" Tanong sakin ni harrisa, napansin nya atang nawalan ako ng imik.

"A-ah ha-ha oo okay lang ako hehe." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Sige, uwi na'ko" Nakangiting paalam nya sa akin.

Di ko napansing nandito na pala kami sa gate.

"Ahmm, sige bye?" Patanong na paalam ko.

"Sige bye!" Kumaway pa sya at ngumiti saakin bago sya mag lakad papunta sa kotse nya.

Tumalikod na ako nang makalapit sya sa kotse nya. Babalik na sana ako sa loob ng bahay ng bigla syang bumusina, nilingon ko naman ang kotse nya at nakita kong nakabukas ang bintana nya.

"Bye! see you again" nakangiting palaam nya.

"S-sige bye!" Nakangiti ding paalam ko.

Hinawakan ko ang parte ng dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko parang nakipag habulan ako sa aso.

*****

Harrisa's POV

Nakikita ko si uky sa side mirror ng kotse ko nakatayo parin sya sa harap ng gate nila habang nakahawak sa dibdib nya.

Anyare dun?
Weird.

Nag tuloy nalang ako sa pag mamaneho para makauwi na rin kaagad. Medyo napagod ako sa ginawa namin ni ghio kanina.

Agad din naman akong nakarating sa bahay bagondumilim. Nasa sasakyan palang ako nakita ko na agad ang pag mumuka ng pangit kong kapatid.

"Hey! little sis!" Nakangising tawag nya sakin.

"Wag ngayon kuya, pagod ako."

"Fine! Pumasok ka na oh! Kumain ka na ba mahal kong kapatid?"  Sakrastikong tanong sakin ni kuya. Binuksan nya ang pinto at yumuko nang dumaan ako sa harao nya.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon