Chapter 32

248 6 0
                                    

UKY'S POV

Puro puti ang bumungad saakin ng buksan ko ang mata ko.

Nasa langit na ba ako?

Inilinga ko ang paningin ko, siguradong hindi ito langit.

Naramdaman kong may gumalaw sa gilid ko. Dahan-dahan kong iginalaw ang leeg ko para makita kung ano iyon.

Nakita kong nakadukdok si kuya sa kamang hinihigaan ko.

Kahit hirap ay pinilit kong iangat ang kamay ko para hawakan sya sa ulo.

Agad namang nagising si kuya.

"Uky? Uky? Doc! Doc!" Sigaw ni kuya.

Bakit ba sya sumisigaw?

Agad dumating ang doctor at sinuri ako. May mga tinanong at ginawa din ako. Para daw masigurong okay lang ako. May mga pinag-usapan pa si kuya at yung doctor pero di ko na binigyang pansin.

Gusto kong mag salita pero tuyot na tuyot ang lalamunan ko.

Ilang araw pa bago ako makapag salita at medyo bumalik ang lakas ko. Si kuya ang nag aalaga saakin lahat ng pag aasikaso sya gumagawa.

Hindi na ba sya galit sakin?

Sa totoo lang kahit nakakapag salita na ako di ko kinakausap si kuya. Nahihiya ako na natatakot sakanya.

Nag ipon ako ng lakas ng loob para kausapin sya. Ilang araw ko din tong pinag isipan.

Nilingon ko si kuya na inaayos ang bulaklak na binili nya kanina.

"K-kuya?"

"Yes, baby?"

"Ilang araw akong tulog?" Natigilan sya sa pag aayos ng bulaklak.

"2 weeks."

"What the f*ck!"

"Language, uky." Bawal nya sakin.

"2 f*cking weeks?!"

"Uky, language!"

"Fine." Nakanguso akong tumingin sa kawalan.

"Bakit ba hindi mo inaalagaan ang sarili mo? Iyan tuloy may nangyaring masama sayo." Sermon ni kuya.

Alam mo naman yung dahilan kung bakit e!

"Ahmm, kuya?"

"Oh?"

"Galit ka pa ba sakin?"

"I-i don't know." Simpleng sagot nya. Hindi na ako nag salita dahil halata sa muka ni kuya na marami syang iniisip sa mga oras na to. "Mag pahinga ka na." Inalalayan nya akong humiga. Inayos nya rin ang kumot ko bago sya lumabas sa kwarto.

"Kailan ba ako makakalabas dito?!" Maktol ko ng tuluyan makalabas si kuya. "Gusto ko na umuwi!"

Risa's POV

Ilang linggo nang walang paramdam si uky. Si ghio naman ay hindi ko ma-contact

Di ko alam kung bakit araw-araw ang bilis mg tibok ng puso ko. Parang may nangyaring hindi maganda.

Sa loob ng ilang linggonh puro inom ang inaatupag ko. Panay lang akong nasa kwarto ko. Dinadalan lang ako ng pag kain ni kuya. Kokonti na nga lang ang dinadalang pagkain hindi ko pa nauubos.

Inom at online games sa loob mg ilang linggo. Sobrang dalang kong lumabas sa kwarto ko. Minsan nga pati paliligo ko kinakatamadan ko.

Nakahiga ako sa kama at may hawak na twalya. Balak ko sanang maligo pero biglang pumasok sa isip ko si uky. Heto ako ngayon tulala sa kisame.

"Risa?" Tawag ni kuya sakin. Hindi ako sumagot kaya kusa nalang pumasok si kuya sa kwarto ko. "Risa, may bisita ka, Bumaba ka kaagad." Agad ding lumabas si kuya pag kasabi nun.

Kahit labag sa loob, pinilit ko ang sarili na bumangon. Di na ako nag abala ayusin ang buhok ko.

Tumaas ang kilay ko ng makita kung sino ang bisita.

"Hi, ako nga pala si traxex. K-kung di mo naaalala pangalan ko." Nahihiyang sabi nya.

"Kilala kita." Malamyang sagot ko sakanya.

"M-may gusto lang sana akong sabihin sayo."

Pinag cross ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay ko. "Ano yun?"

"Si uky kasi--" di pa na tapos ni traxex ang sasabihin nya bigla akong tumakbo palapit sakanya at hinawakan sya sa dalawang balikat.

"Bakit? Anong nangyari?!" Tarantang tanong ko sakanya.

"Si uky kasi na sa hospital." Bigla akong nanlambot sa sinabi nya. "Nalaglag sya sa hagdan 2 weeks ago. Alam kong gusto ka nun makita pag nagising sya." Biglang bumagsak ang mga balikat ko at nag init ang mga mata ko. "Please, risa, puntahan mo sya."

Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko kahit na tumingala ako.

Nag sasalita pa si traxex sa harap ko pero wala na akong naiintindihan.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko nalang na nasa kwarto na muli ako. Tuloy-tuloy parin ang agos ng mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag pumunta ako doon siguradong mag sasagutan kami ni ghio. Kapag hindi naman ako pumunta, malulungkot si uky.

Sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.

Kusang gumagalaw ang katawan ko. Naligo ako at nag bihis. Pababa ako ng hagdan ng makita ako ni kuya.

"Saan ka pupunta, risa?" Tinignan ko lang sya at tuloy-tuloy na bumaba.

Palabas na sana ako ng pinto ng hambultin ni kuya ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" Wala akong naisagot kaya nag iwas ako ng timgin sakanya. "Kay uky? Alam mo ba kung anong mang yayari kapag nag kita-kita kayong tatlo?" Sigaw nya sakin.

"Wala na akong pakialam, kuya." Tuloy-tuloy na umagos pababa ang mga luha ko. "Wala na akong paki sa mangyayari, wala na akong paki sa gagawin at sasabihin ni ghio, gusto kong makita si uky, gusto ko syang kamustahin." Hinatak ko ang braso ko na hawak nya. "Ang sikip-sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga ng ayos sa sobrang sakit, kuya." Pinahid ko ang luhang nasa muka ko bago muli ako mag salita. "Kuya, please." Pag mamakaawa ko sakanya.

Ilang sigudo nya akong tinitigan bago nya dukutin ang isang papel sa bulsan nya.

"A-ano to?" Tanong ko sakanya habang inaabot iyon.

"Number nung babae kanina, ibigay ko daw sayo kung sakaling maisip mong puntahan si uky, tawagan mo daw sya agad." Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya.

"Thank you kuya! Thank you!" Agad kong tinawagan si traxex, agad nya din naman itong sinagot.

Hintayin ko daw sya sa harap ng bahay namin. Sinamahan ako ni kuya mag antay.

"Sure ka na ba, risa?" Tanong ni kuya sakin.

Nakangiti akong tumango sakanya. Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Mag ingat ka dun." Nag lakad na papasok sa bahay ni kuya.

Ilang minuto lang ay nandoon na si traxex.

Pag kaparadang-pag kaparada nya palang, bumukas ang pinto ng sasakyan nya.

"Sakay na!" Sigaw nya.

Tumango ako at agad na pumasok sa sasakyan nya.

Hintayin mo ako uky.

---
Sorry sobrang tagal ng update!

Kapag dumating na yung laptop ko tuloy-tuloy na ang update!

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon