Risa's POV.
Nasasaktan akong makita si uky na may kasamang iba, Nasasaktan ako dahil hindi ako yung kasama nya. Pero bigla kong naalalang iniwan ko nga pala sya nang walang pasabi, iniwan ko sya at sumama sa ex kong baliw.
Kinailangan kong sumama kay heejin dahil alam nyang di alam ni ghio na kami ni uky. Ayokong mag-ayaw si uky at ghio, ayokong masira sila nang dahil sakin.
Isasakripisyo ko yung nararamdaman ko kay uky para sa kanilang magkapatid. Kaibigan ko si ghio at mahal ko si uky.
Kaya kahit labag sa loob ko, tinanggap ko ang gustong mangyari ni heejin.
Para kay heejin, magkarelasyon kami, pero para sakin wala lang sya. Naaaya nya lang ako kung saan-saan dahil tinatakot nya akong sasabihin kay ghio ang relasyon namin ni uky.
"U-uky?" Tawag ko kay sakanya, tumingin lang sya sakin at ibinalik ang paningin sa boteng hawak nya.
Napatingin ako sa kasama nya nang bigla itong lumingon saakin.
Maputi, singit ang mga mata nya, manipis ang labi, at bagay na bagay sa muka nyang may kahabaan ang kanyang ilong. Maganda sya, sobrang ganda.
Di ko alam kung bakit naiinis ako sa itsura nya kahit ang ganda nya at mukang mabait naman. Gusto kong hablutin ang buhok nya at ingud-ngod sa lapag. Gusto ko syang suntukin, sampalin at sabunutan.
Ibinalik ko ang paningin ko kay uky pero hindi ito nakatingin sakin. Hahakbang na sana ako palapit kay uky nang biglang hawakan ni uky ang kamay ng kasama nya at hilahin ito palayo.
"Uky!" Tawag ko sakanya pero hindi nya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang sya sa paghatak sa babaeng kasama nya, sunod naman ako ng sunod.
Nang mahawakan ko ang pulsuhan nya,bagad ko syang hinatak para humarap sya sakin at para mabitawan nya ang kamay nung babae.
"Ano ba kausapin mo ako, uky!" Sigaw ko sakanya, tinangnan nya lang ako nang masama at hinawakan muli ang kamay nung babaeng kasama nya.
Hinatak kong muli sya at sya naman ang hinila ko, pero bago pa ako maka-dalawang hakbang ay meron nang kumapit sa braso ko, nilingon ko ito at tinignan ng masama.
"Don't.touch.me!" Madiin kong sabi.
"Let her go." Malumanay na sabi nung babaeng kasama ni uky. "Please?"
Sinamaan ko lang sya nang tingin at hinatak ang braso kong hawak nya. Hinatak kong muli si uky papunta sa lugar kung saan wala masyadong tao. Nilingon ko yung babaeng kasama ni uky, nakasunod parin sya saamin pero hindi ko na sya pinansin.
Pilit hinahatak ni uky ang braso nyang hawak ko kaya pabato ko itong binitawan.
"Ano bang problema mo?!" Singhal nya sakin. Tinulak nya pa ako kaya muntik na akong matumba.
"Ikaw anong problema?! Bakit may kasama kang ibang babae sa gantong uri ng lugar, ha?! At may alak pa talaga kayong dalawa ah!" Sigaw ko din sakanya.
Napamaang sya sa sinabi ko. Nag pameway sya at tumingala, pinaglalaruan nya pa ang dila nya sa labi nya. Nang muli nyang ibalik ang paningin sakin, sobrang sama na ng tingin nya.
"Ako pa talaga ang tinanong mo nyan?" Sabi nya habang nakaturo pa sa sarili nya. "Bakit ako ang tinatanong mo nyan, ha?!" Itinulak nya muli ako pero di na ganung kalakas. "Ikaw anong ginagawa mo dito? Anong ginagawa mo dito at may kasama kang ibang babae, ha?! And oww, kahalikan mo pa sya!" Nabigla ako sa sinabi nya kaya di ako makasagot.
Nakita nya.
"Hindi ka makasagot, ha? Risa, bakit may kasama kang babae sa ganitong klaseng lugar, ha? At talagang may pahalik pang ganap ha!" Hahawakan ko sanay sya sa braso pero iniwas nya yun. "Wag mo akong hahawakan!"
"I-im sorry." Tanging nasabi ko.
Nginisihan nya lang ang sinabi ko. "Gago! Alam mo ba yung pinagdaanan ko nung nawala ka bigla? Alam mo ba yung sakit na naramdaman ko nung bigla kang nag laho?!" Nagulat ako nang biglang may tumulong luha sa mata nya. "Ang hirap-hirap, risa! Ang hirap-hirap! Kinukumbisi ko nalang yung sarili ko na may dahilan ka kaya tayo nagkaganto, kaya bigla kang nawala, kaya bigla mo akong iniwan." Humagol-gol na sya nang iyak. Parang binibiyak ang puso ko sa nakikita ko.
"Hindi ako makakain, di ako makatulog, tamad na tamad ako kumilos kahit yung pag ligo kinatamadan ko dahil sayo, gago!" Sinuntok-suntok nya ang dib-dib ko pero di ko na ininda ang sakit na yun dahil mas masakit makitang umiiyak sya dahil sakin. "Ikaw parang okay lang, parang walang nangyari, parang wala kang iniwan, risa." Di ako nakaimik. "Ang tanga ko." Kunwari pa syang tumawa.
Nahirapan din naman ako. Kung alam mo lang uky, kung alam mo lang.
"Uky let's go?" Nilingon ko ang nag salitang yun. Nakalahad na ang kamay nang babaeng kasama ni uky sakanya.
Dahan-dahan tumingin sakanya si uky at dahan-dahan nya ring inabot ang kamay nito. Umiiyak na din ako dahil sa sakit nang mga sinabi ni uky. Tumatagos isa-isa sa dibdib, at parang pinipira-piraso nun ang puso ko.
Sinundan ko lang sila nang tingin hanggang sa mawala silang dalawa sa paningin ko. Gusto ko syang pigilan, gusto ko syang yakapin, gusto ko syang makasama pero dahil dun sa mga sinabi nya, di ko na nagawa, di na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang pagsunod nalang nang tingin sakanya ang nagawa ko.
Unti-unti kong nararamdaman ang panlalambot. Unti-unti akong napaluhod, sumisikip ang dibdib ko, nasasaktan ako dahil nasasaktan yung taong mahal ko.
I'm sorry, uky. I'm so sorry.
"Risa!" Napairap nalang ako sa hangin nang tawagin ako ng demonyo.
Traxex's POV.
Nakasakay na kami sa sasakyan pero tahimik parin si uky. Nag-aalala ako sa nararamdaman nya. Kahit kase nanonood lang ako sa kanilang dalawa kanina, nararamdaman ko parin yung sakit na nararamdaman nila.
"Sana hindi nalang kita sinama dito." Pag putol ko sa katahimikan. hindi sya sumagot kaya napabuntong-hininga nalang ako. "Iuuwi na kita, pasensya ka na." Nilingon ko sya at nakitang nakatingin paring sya sa bintana.
Nang makarating kami sa harap ng bahay nila, agad syang lumabas ng kotse kahit hindi ko pa napaparada nang ayos.
"Uky?!" Tawag ko sakanya pero hindi nya ako pinansin. Bumaba din agad ako at sinundan sya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinatak sya paharap sakin. "Ayos ka lang ba?".
Tinitigan nya ako at huminga nang malalim. "Ayos lang ako. Umuwi ka na, salamat." Hinatak nya ang kamay nyang hawak ko at pumasok sa bahay nila nang di manlang ako nililingon.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit nag kakaganito ako, di ko alam kung bakit nasasaktan ako nung makita kong malungkot yung mga mata nya. Nakakahawa yung lungkot nya.
Hanggang a makauwi ako sa bahay, si uky ang laman ng isip ko. Lihim kong pinagdarasal na sana ay di na sya umiiyak ngayon, na sana ay okay na sya ngayon kahit papano.
Hanggang sa pag ligo at pag higa sa kama ay sya ang iniisip ko, gusto ko syang puntahan pero nag aalinlangan ako dahil baka magalit sya. Malalim na din ang gabi, baka magalit ang kuya nya.
Kapag pinipikit ko ang mga mata ko, yung eksena nilang dalawa yung nakikita ko. Yung bigat nung mga sinabi ni uky at yung sakit na nasa muka nung isa.
Napaupo ako sa kama ko at sinabunutan ang sarili kong buhok.
Gusto kong pumunta kala uky, gusto kong makausap sya, gusto kong mag kwento sya sakin para naman gumaan ang pakiramdam nya kahit papaano.
Bakit ba ako nag kakaganito nang dahil sayo?
Ibinagsak ko ulit ang katawan ko pahiga sa kama.
Sana iba to, sana di ganun yung nararamdaman ko para sayo.
~To be continue~
BINABASA MO ANG
She's My Girl [GxG Story]
RomansaGirl couple❤ Ipag-lalaban mo parin ba ang maling pag mamahalan nyo, o bibitaw ka na para wala nang masaktan pa.