7.

4.1K 58 7
                                    

Uky's POV

"Ex ko." Sagot ko kay risa.

Nakatitig parin ako sakanya kaya nakita kong unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nya. Nagsalubong din ang kilay nya kaya nag taka ako kung bakit.

" Hoy, anong nangyayari sayo?" Tanong ko sakanya.

Bumuntong-hininga muna sya bago mag baba ng tingin.

"Ex mo? Kaya pala ganya ka sakin." Tumingin muli sya sakin na salubong ang mga kilay. "Kaya pala tinulak mo ako kanina." May dumaang lungkot sa mga mata nya at sa hindi ko mapaliwanag na dahilan sumisikip ang dibdib ko dahil don.

Nag iwas ako ng tingin sakanya dahil parang nasasaktan ako nung nakita ko yung mata nya.

Nanguha nalang ako ng baso at kinuha ko ang juice sa ref. nanguha na din ako ng biscuit para ihain kay Dindo.

Alam kong nakamasid lang sakin si risa habang hinahanda ko yung ihahain ko kay dindo.

Tinignan ko muna sya bago ako lumabas ng kusina at pumunta sa sala.

Nakita kong komportableng nakaupo si dindo sa sofa. Nilapag ko sa center table yung juice at biscuit na kinuha ko kanina. Umupo ako sa tabi ni dindo. Bumaling ako sakanya at nakatingin na sya sakin.

"Bakit ka pumunta rito?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti sya saakin at kinamot ang batok bago sumagot. "Ahmm, dinadalaw ka lang, kamusta ka na?"

"Okay naman sya." Nagulat ako nang may ibang sumagot sa tanong nya. Lumingon ako sa pinto ng sala at nakita ko si harrisa dun.

Pinanlakihan ko sya ng mata at bumaling muli kay dindo.

"Pasensya ka na sakanya ah." Bumaling ulit ako kay harissa at pinanlakihan ulit sya ng mata.

"What?!" Inosenteng tanong nya sakin.

Bumaling sya kay dindo at tinaasan ito ng kilay, hinagod nya ng tigin ang buo katawan nito. Mula ulo hanggang paa.

Lumapit sya kay dindo at tinitigan ang mukha nito habang nakataas parin ang kilay nya.

Umupo sa pang-isahang sofa si risa. Bali nasa gilid namin sya ni dindo.

Bumaling ako kay dindo at nakita kong parang kinakabahan ito.

"Anong pangalan mo?" Seryosong tanong ni risa kay dindo.

"Di-dindo po." Pilit na ngumiti si dindo, bakas na bakas sa muka nya ang kaba.

"Dildo?" Tanong ni risa, parang hindi narinig ang sinabi ni dindo.

"Risa!" Sigaw ko sakanya. "Dindo. DIN-DO, hindi DILDO! Ano ka ba naman!" Bumuntong hininga muna ako bago ako bumaling kay dindo na nakanga-nga. "Pasensya kana sakanya ah, medyo mahina kase pandinig nyan dahil---" naputol ang iba pang sasabihin ko dahil narinig ko ang malakas na tawa ni risa.

Bumaling ako sakanya na at tinigna sya nang masama.

Pinakalma nya muna ang sarili nya bago Inosenteng nag tanong sakin.

"What?!" Halatang pinipigilan nya ang tawa nya.

Bumaling ulit si risa kay dindo at ngumiti.

"Pasensya kana dindo hindi ko masyadong narinig sinabi mo." Inirapan nya ito at bumaling muli saakin.

"Baby, gutom na ako." Nakangiting sabi nya sakin at titig na titig sa mga mata ko.

Napanga-nga naman ako sa sinabi nya.

Oh god, help me!

*****


Harris's POV.

hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako sa pangalan ng ex ni uky eh. Ang bantot kase. 

'Dindo' tunog dildo. HAHAHAHA

Alam kong naiinis na si uky sa mga sinasabi  at ginagawa ko pero nag eenjoy ako kaya hindi muna ako titigil.

Nakita kong nakatitig sakin si dindo kaya tinitigan ko din sya at tinaasan ng kilay.

"What?" Malumanay na tanong ko sakanya.

"Ahm, ano ka ba ni uky." Taas kilay nya ring tanong sakin.

Magsasalita na sana ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko, nang lumingon ako sa likod ko, nakita ko si ghio na nakatigin sakin at nakangiti.

"Oh ghio, nandyan ka na pala, hindi ko naramdama pag pasok saka paglapit mo."

"Busy ka kase." Hinalikan ako ni ghio noo na kinagulat ko.

Hinampas ko sya sa braso. "Ghio! Ano ka ba naman!"

"What?" Natatawang tanong sakin ni ghio.

Napanguso ako sa sagot nya at inirapan sya. "Para kang tanga." Bumaling ako kay uky na ngayo'y nakasimangot na.

Tumingin naman ako kay dindo at nginitian sya. Hinawakan ko ang kamay ni ghio na na sa balikat ko pa rin hanggang ngayon at humarap muli sakanya. "Kilala mo sya?" Tinuro ko si dindo.

"Oo naman." Tumingin sya kay dindo at nginitian ito. Tumingin ulit sya sakin na nakanguso na.

"Risa, samahan mo naman ako mag luto sa kusina." Nag puppy eyes pa sya at sinundot sundot ang pisngi ko.

"Wait." Sabay kaming napabaling ni ghio kay dindo ng bigla itong nagsalita.

"Ano yon?" Tanong ko.

"Bakit mo tinawag na baby si uky?" Seryosong tanong nya sakin.

Tumigin muna ako kay uky na nakasimangot parin bago ako tumingin kay ghio.

"Tinawag mo syang baby, risa? Bakit?" Ngumiti muna ako sakanya bago tumigin kay dindo na nag aabang ng sagot ko.

"Kase..." Pabitin ko sa sasabihin ko.

Tumingin muna ako kay uky bago ko tinuloy.

"Kase.. Nakababatang kapatid sya ni ghio. 21 na ako 20 palang sya." Bumaling ako kay dindo "Mas matanda ako sakanya kaya baby tawag ko. May masama ba dun dindo? " Sinadya kong idiin ang pangalan nya.

Tumayo na ako at inaya ko si ghio sa kusina para makapag luto na.

Bago ako lumabas ng sala, tumingin muna ako kay uky para ngitian ito at kinindatan.

Tumingin din ako kay dindo at inirapan to.

****


Uky's POV.

Nang makalabas sila kuya at risa sa sala, napabaling akong muli kay dindo, nakita kong salubong ang mga kilay nito.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sya kinalabit.

"Uy dindo, pwedi bangng sa ibang araw nalang tayo mag-usap?"

Nakita kong nagulat sya sa  sinabi ko pero ngumiti parin sya. Tinitigan nya ako sa mga mata at ganon din ang ginawa ko.

"Okay, sige." Ngumiti sya at tumayo. Ganun din ang ginawa ko.

Hinatid ko sya hanggang pintuan palabas ng bahay namin.

"Salamat sa pag punta rito, pasensya ka na kay risa ganun lang talaga yon."

"Okay lang uky." Nginitian nya ako at hinawakan ang isa kong kamay.

Nabigla naman ako sa ginawa nya. Pilit kong hinahatak ang kamay ko sakanya pero ang higpit ng hawak nya.

"Ahmm, uky" tawag nya sakin. Tumigin naman ako sakanya at tinitigan. "Pwedi bang mag date tayo pag free k--"

"Hindi sya pwedi." Naputol ang iba pang sasabihin ni dindo nang may magsalita sa likod ko.

Pag lingon ko nakita ko si risa na masama ang tingin kay dindo at sa mag kahawak naming kamay.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon